Busy Weekend!

694 Words
Pagdating sa Bulacan ay nakilala ako ng mga naging kasamahan namin sa Christmas party last year. Ipinakilala kami ni Rene bilang mga bagong staff na hahawak ng inventory. Ipinaayos ko sa kanila ang mga halaman kung saan magkakasama ang magkakapareho para mas magandang tingnan at maging mas madali ang pag-inventory. Idiniscuss ko sa kanila ang mga magiging terms ko, bale every weekend namin papasyalan ang bawat pwesto. Sa bandang dulo ang nursery kung saan ang lahat ng mga for propagation at new propagated plants ay nandun kasi ultimo kaliit liitang plants ay kailangan kong mairecord. Rene also called the Cavite team para magsimula ng mag-ayos ng mga halaman. Mas malaki kasi ang pwesto duon na nsa 600 sq mtrs kaya kung di pa uumpisahan ang pag-aayos ngayon ay baka hinde namin matapos bukas. Gabi na ng sabado ng kami ay matapos pero naging maayos naman ang lahat. Dahil may canteen sa bawat pwesto, dun na di muna kami nagdinner bago bumiyahe pabalik ng Manila. Sa bahay na namin pinatulog si Ate Gina. Tulad ng napag-usaapan 4AM pa lang ay nsa sky way na kami para puntahan ang isa pang site. Pagdating namin ay maayos na nilang napag-sama sama ang mga halaman. Naging mas madali na ang aming naging trabaho. Ang kailangan ko na lang matapos ay ang record book ni Rene. Weekly kasi ang shipping nila ng halaman sa from Thailand, Holland, Polland at kung saan saan pa. Babe, I think you need to hire me an assistant. Kasi si Ate Gina nahihirapan syang tandaan ang mga names ng halaman at isa pa ay medyo matanda na sya para laging magbyahe. Sige pwede pag weekends lang naman di ba? Yes, yes. Pero isama nyo pa dn ako pag maluwag kayo ha, singit ni Ate Gina. Symepre naman, pwede ka naman sumama. Tapos ikaw ang tagaluto noh. Pwede di ba? Pwede sige gusto ko yon. Aba, 2 pa assistant mo ngayon. Singit ni Rene. Nga pla, ito yung fee nya, abot nya sakin ng Php1,000 Ate oh, ito daw ang para sayo. Salamat sabi nya habang inaabot ng nakangiti ang isang libo. Babe naisip ko, si Rommel na lang kaya ang kunin mong assistant ko di ba may kasama naman sya sa Circle? Pero hinde pedeng iisa lang ang tao duon. What if si Ate Ina ang papasok dun every weekend? Ah oo pede, bantay lang naman habang busy yung isa pag may customer. Pero turuan an din sya ng konti paano magbenta or kung may kailangan i-pack. Ano masasabi mo Ate? para sa hapon pede ka na din umuwi. Pwede din, akong magiging mata mo duon. Pede mo na ksi ate mainventory yung nsa circle ichecheck mo lang kung tama yung bilang ng mga nadeliver mo duon. Si Rommel kasi pede na din sya mag-inventory pag Friday na dapat nya masubmit ng Saturday morning bago tayo mapunta sa Bulacan. Sige babe, I think that's a good idea. Sya na lang din kasi ang napagkakatiwalann ko sa mga tao ko. Hinatid muna namin si Ate Gina sa Pasong Tamo bago kami umuwi ng Manila. Babe, dito ka ba sleep tonight? Hinde babe pero pede naman ako late umuwi para magkasama tayo. Babe alam mo nung Christmas at New Year last year hinde naman ako naghanap na makasama kita. So seven months na tayo pero hinde pa tayo nakakapag date ng maayos pero sana sa anniversary natin ay makasama kita. Sige babe gawan ko ng paraan yan. Promise mo? habang unti unti kong hinahalikan ang kanyang mukha mula nuo, ilong at sa matatamis nyang labi. Hmmmnn naglalambing ang babe ko ah. Kasi mamaya aalis ka na ulit. Naku magsisimula ka na naman, alam mo naman ang sitwasyon natin. Alam ko kya nga nagtitiis ako di ba. Magtatagal ba tayo kung hinde kita mahal. Alam ko naman na kailangan ko maghintay. Thank you babe. Anong dinner natin ngayon? Sige ipagluluto kita. Dito ka lang then I'll call you pagkaluto ko. Tulungan na kita babe, gusto kong makita ang lulutuin mo. Wag na surprise yon. Habang naghihintay akong maluto ang dinner ay nakaidlip ako sa sofa. Nagising nalang ako sa mabining halik ni Rene. Babe, dinner is ready.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD