Hanggang kinabukasan ay wala pa ring text o tawag man lang at hinde ko maiwasang mag-alala. Isa pa I missed him. Parang nasasanay na akong lagi syang andyan. Kahit papaano ay natatakot ako na baka iniiwasan nya na ako.
5PM ay wala pa din at alam kong sa ganitong oras ay papauwi pa lang sya.
Babe... text ko. Inabot ng isang oras bago ako nakarecived ng reply sa chat.
Sabi ko sayo na ako yung mauunang mag chat. Bakit ka nagmessage?
Nakakinit ng ulo. More than 24 hours na syang hinde kumokontak tapos ganito isasagot sakin.
Hhmmmnn bwisit ka.... Hinde ko na nakuhang magreply sa inis.
7PM kring-kring kring-kring pero wala akong balak sumagot.
tit-tit tit-tit, ngayong tinatawagan ka hinde ka nasagot, pag di kita kinontak nangungulit ka.
Aba aba mokong na to... sa loob loob ko.
Kring-kring kring-kring
Hello, pagalit kong sagot.
Nandito kami sa hospital dahil sinugod si Myla kahapon, kakaalis ko lng ng bahay nung tumawag kaya hinde na ako nakapunta ng Silang.
Nanatili akong tahimik.
Alam mo namang pag nakasingit ako ay siguradong tatawagan kita, katulad ngayon pauwi na ako.
O sige na, asikasuhin mo muna ang pamilya mo. Ibababa ko na ito.
Ay sus, please naman babe wag ka na munang makisabay. Ang dami ko lng problema ngayon.
Ok ok, sige na sorry for chatting you.
Nag-iingat lang naman ako eh. Please understand.
Oo ok na, sana man lang kasi nagmessage ka na oh andito ko sa ospital, dinala ko ang asawa ko so wag ka mag-alala, or call ako pag ok na, mga ganun ba.
Ok sorry, buntunghininga ni Rene, masyado lang akong occupied at nag-alala kasi hinde sya makahinga buti andito pa ko sa Manila.
I understand babe, sige na sorry din. Nag-alala lang din kasi ako sayo. Hayaan mo ipagpray natin sya.
Hinde pa dn pala kasi ako ready eh. Hikbi ni Rene.
Parang tinutusok ang aking puso dahil alam kong nahihirapan sya pero para akong pinapatay sa katotohanang mahal na mahal nya pala ang kanyang asawa pero ano ba ang magagawa ko. Pinasok ko ito kaya dapat mahaba ang pasensya ko.
Sige na, ingat ka. Ibaba ko na pra makabalik ka agad sa ospital.
Babe can I see you? Kahit sandali lang.
Sige nasaan ka ba?
Pa Visayas Ave sa Congressional.
Ok sige sa Jollibee na lang.
Ok sige dun na lang.
Ibinaba ko na ang phone at dahil naka out na ko sa work ay pede na ko lumabas.
Masokista ka din eh noh, sabi ni Ate Gina na nasa likod ko na pala. Nagsisimula na kasi syang maglipat ng bahay ngayon.
Eh, Ate Gina, kaya ko ito. Mahal ko eh. Naiiyak ko pang tugon. Aaminin ko sobrang sakit Ate, pero ano bang magagawa ko eh pinasok ko ito di ba?
Sige hanggat kaya go. Kung hinde na pack-up na. Sige ingat ka.
Salamat Ate.
Pagpark ko sa Jolibee ay mga 2 minutes pa bago ko matanaw ang sasakyan nya. Paghinto ay sumakay ako at agad naman nya akong niyakap.
Babe sorry mainit ang ulo ko kanina kasi tatawagan naman na talaga kita, naunahan mo lang ako ng chat mo.
Kumain ka na ba, ganting bulong ko habang hinihimas sya sa likuran.
Hinde pa pero wala naman na akong time kumain dahil kailangan ko din naman na bumalik sa ospital.
Ok sige, uwi na.
5 minutes babe, hayaan mo muna akong yakapin ka.
Baka makita tayo ng mga tao sa labas.
Tinted to hinde kita.
I miss you so much babe, naiintindihan kita pero sana yung simpleng message naman wag mo ako kalimutan sendan. Kahit sabihin mo na wag ako magreply bsta magparamdam ka. Ok.
Sige babe.. Namiss din kita.
Sige na uwi na,
Dumukot si Rene sa wallet at nag-aabot ng pera.
No babe, meron pang pera sakin. Ok lang ako.
Bila ka na lang ng dinner mo.
Hinde na magluluto kami ni Ate, naglilipat na sila.
Mabuti at pumayag pala sya.
Oo nga eh.
Kelan ka lilipat?
Pag ok na sitwasyon mo at pag may net na.
Ok sige. Tara na, sundan kita. Ingat ka ha at di muna ako makakatext ok? Tatawag ako pag nakasingit.
Tango na lang naisagot ko at bumaba na ko ng van.