Moving In!

695 Words
Pagdating ko ng bahay kahit paano ay napanatag na ako dahil nagkita na kami. Ate Gina, anong dinner natin? Wala pa kasi hinintay kita. Pero may natira pa kaninang sinigang. Ma, konti na lang yung sinigang eh, akin na lang yon, singit ni Ash. Ah sige sayo na yon. Pwede ka ba namin iwan ng mama mo sandali? Ate samahan mo ako sa Manila, para makita mo na din yung bahay dun kasi yung mga damit na sinampay kahapon eh nakalimutan ko ipasok kagabi. Ok sige teka lang at magbibihis ako. Nagbihis na din muna ako ng pantalon tsaka kami bumiyahe. Dito na yon ate. Aba ang ganda pala. Sa kanya ba ito o inuupahan? Sa kanya pero hinde daw ito alam ng pamilya nya. Pede ba kami pumasyal dito? Oo naman, pede dn kayo matulog dito pag weekdays. Ipagpapaalam ko. Oo kasi baka magalit dahil malamang tambayan nya ito kapag gusto nya mapag-isa. Oo ito ang hiding place nya. Pero alam mo siguro gusto ka nga rin nya talaga kasi inalok ka nyang tumira dito. Hayyy. Buntinghininga kong tugon. Wait lang ayusin ko lang mga sampay at tiklupin. Tapos kain na lang tayo ng pares, matagal ko na sya gusto ayain dun sa nadaanan natin kanina kaso baka ayaw nya. Hinde naman sya mukhang maarte sa pagkain di ba nga nay karinderya sila sa Bulacan kya sanay yan kumain sa ganon. Sabagay.... May point ka naman. After 1 hour ay natapos na kami sa paglilinis dahil tinulungan naman ako no Ate Gina. Oh paano tara na. Oo ate para makakain na tayo. Pagdating sa bahay ay agad kong chineck ang cellphone ko, walang kahit anong messages, nahiga na din ako at nakatulog agad Friday na at araw ng uwi ko sa Manila pero bihira ang naging tawag nya sa buong linggo dahil kahit nadischarge na ang asawa nya ay lagi syang maagang umuuwi. Di ko yata makakasanayan ang ganitong sitwasyon, napakahirap pero mananatili lang ako sa knyang tabi hanggang sa maging okey ang lahat. Dahil di nya ako masusundo ay napagdesisyunan kong dalin ang motor ko pagpasok para na din hinde ako mahirapan sa pag-uwi. 6PM ay nasa bahay na ako at naghahanda ng pwedeng lutuin. Pero hinde ko maisalang dahil di ako sigurado kung daraan ba sya, di ko din alam kung pumasok ba sya at lalong di ako oedeng magchat para magtanong. 7AM Beep beep beeep Simulip ako sa bintana at natanaw ko ang pick-up. Biglang lumundag ang puso ko sa saya. Patakbo akong lumabas para magbukas sana ng gate pero nakababa na pala sya at naabutan ko sa bungad ng gate na nakakunot ang nuo. Hi babe, masiglang bati ko sabay yakap at halik sa pisngi nya. Nakamotor ka? Oo dinala ko na para hinde ako mahirapan magbyahe papunta dito. Ano? Ibig sabihin dala mo yan pa Pasay? Ahh oo. Maingat naman ako. Kahit na babe alam mo namang ayaw ko ng magmomotor ka di ba. Eh kasi nga madami akong dala kanina na idinaan ko muna dito bago ako pumasok. Sana hinintay mo nalang ako bago maghakot. Kulit mo talaga. Ayaw ko kasi abalahin ka. Sige ipasok mo na yung sasakyan at magluluto na ako. Sinigang na ribs ang sinalang ko. Pagkakain ay agad na nakatulog sa sofa si Rene. Marahil dahil sa pagod. Pagligpit ko ay ginising ko sya para makalipat na sa kwarto. Hinandaan ko sya ng damit para makapagshower. Sabay na kaming naligo na nauwi na naman sa intimate moments. Babe sorry di ako pede matulog ngayon dito kasi hinihintay nya ako sa bahay. Ah ganun ba, makungkot kong sabi. Babalik ka ba bukas? Lalagare ako ng byahe dahil di ko naasikaso ang mga pwesto this week. Basta I'll call you ok. Maya maya ay gumayak na sya paalis at ako din ay nagpasya na lamang umuwi sa Pasong Tamo. Kinabukasan, sabado ay naghakot kami ni Ate Gina ng mga gamit. Inarkila nalang namin yung van ng kapitbahay, mura lang naman dahil Manila lang. Kaunti kang dn naman ang mga gamit na aking dadalin. Sinamahan na din nila ko ni Ash para dun matulog at para dn makatulong ko sila sa pag-aayos. Next week at onsite ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD