Sa buong linggo na onsite ako ay bihira lang kami magkausap dahil pareho naman kaming busy sa trabaho.
Titi-tit tit-tit
Madam bakit ilang linggo ka na yata hinde nagawi dito sa Circle? Text ni Rommel.
Ah kasi medyo nagstop muna ko sa online selling kasi busy ang lola mo. Reply ko. Buti nagtext tong mokong na to dahil nakakinip sa bahay walang pasok.
Kelan ka papasyal dito? Si Boss lagi mainit ulo dahil ang daming problema.
Bakit anong issue sa business?
Naku may mga natanggal dahil nahuli na dumudukot sa benta. Naghahanap kami ng mga kapalit.
Ah ganon ba? Parang wala sya nabanggit sakin.
Huli ka? So text mate kayo?
Ahahaha, tanging reply ko.
Ay si madam, ano nga?
Eh sabi mo textmate kami eh di textmate.
Uy tara dito, may ipapakita ko sayong bagong halaman. Holiday ngayon alam ko waka kang pasok.
Aba, aba ano yang bago?
Basta maganda to. Dito ka lunch, pero ikaw magdala, ahahaha.
Wehhh mokong ka. Sige sige wala naman ako gagawin dito. Pero ikaw manlibre sakin ng lunch.
Ok sige yun lang pala.
Pagdating ng 11AM ay paalis na ko ng bahay. Nagmotor ako dahil ang hirap mamasahe.
Pagdating ko sa Circle ay masayang nakangiti si Rommel sa akin.
Madam, namiss kita. Tagal mo di nagpakita. Sabi nya habang parang pinipilipit sa kilig.
Arte mo dyan, bakit gumaganyan ka?
Ahahaha wala lang kasi nakita kita.
Sus, ikaw umayos ka.
Tambay ka dito ha. Maya na ikaw uwi hapon.
Hmmmnnn pede naman. Nasan na yung sinasabi mo.
Ah nandun halika. Ang ganda madam.
Wooowww ang ganda nga. Gusto ko ito. Magkano?
Naku 60 ito naman 25 lang.
Php 60,000? habang nanlalaki ang mata kong sabi. Pero ang ganda. Sobra. Picturan mo ko.
Ahahaha tawaran mo kay bossing.
Naku wag na nakakahiya habang nakapose sa tabi ng Monstera Deliciosa Albo at Monstera Thaicons.
Pareho silang trailing at merong 10 to 12 leaves, mga nasa 2 feet na ang taas
Oh di ba, sabi ko na matutuwa ka.
Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kalaki sa personal. Napakaganda.
Babe? Naniningkit na bati ni Rene, sabay hatak at yakap sa akin. Bakit nandito ka?
Ah.... ah.... Namumutla kong sabi.
Si Rommel naman ay napanganga sa pagkabigla at namumula.
Babe? Gulat na tanong nya.
Tsaka lang biglang natauhan si Rene.
Ako naman ay namumutla pa din habang titig na titig kay Rene at naghihintay ng pede nyang isagot.
Girlfriend ko na sya Rommel.
Huh, paano, kelan pa? Naguguluhang sagot ni Rommel.
Kaya pala madam hinde ka na namimili.
Ako naman ay nanatili lang na tahimik at balisa dahil nagkabiglaan.
Nahalata naman ni Rene kaya niyakap ako. It's okey babe, sigurado akong gusto din naman nyang maging tayo
Oo naman boss, nabigla lang ako pero masaya ako para sayo. So madam kelan pa ba?
Mga 7 months na.
Wahhh 7 months? Kaya pala.
Anong kaya pla?
Napansin ko kasi itong si Boss na laging masaya. Kaya pala.
Talaga? Natatawa kong tanong.
Kumain ka na? Tanong ni Rene.
Umiling ako. Ikaw? Sabay abot ko ng kamay nya.
Di pa. Rommel magorder ka ng Jollibee, palabok with chicken 2, ikaw bahala ka na sa kung ano ang gusto mo. Sabay bigay ng Php500.
Sige boss, keep the change na ha? Bili ako coke float.
Uy mcdo coke float ha, ako din. Teka, sabay dukot sa bulsa ng Php 100.00
Wag na ako na, sabi sakin ni Rene.
Oh eto Php1,000 akina Php500, 3 na monster coke float at ibalik mo sakin sukli...
Boss peach mango pie din ah
Aba, nanamantala ka na ah, naasar na sabi ni Rene.
Hayaan mo na babe.
Pag-alis ni Rene ay niyakap na ulit ako ni Rene.
Babe pasensya ka na ha di kita masyado maasikaso. Sa Friday uuwi ako dun. Buong weekend ulit tayo magkasama.
Hmmm talaga? lambing ko kay Rene.
Oo, nakangiting sagot nya sabay kindat. Kaya maghanda ka.
Ahahaha pilyo ka.
Nakamotor ka? Ingat ka sa pagmotor motor mo ha.
Oo babe, alam mo naman maingat ako magdrive. Turuan mo ako sa 4 wheels.
Sige sige para matuto ka magdrive.
Yehey... Miss you babe.. Ok ka na ba?...
Bakit naman?
Kasi nakwento ni Rommel problema mo.
Daldalero talaga yon.