bc

New Story (no title yet)

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
fated
independent
confident
drama
sweet
bxg
lighthearted
first love
poor to rich
passionate
like
intro-logo
Blurb

Kiezel Alves is a woman that is so goal-oriented that she can't even have a love life. Because she's the firstborn in their family, she has a lot of things needed to prioritize. That's why she is so focus with the things she wanted to achieve to succeed in life. After all, she wasn't born wealthy.

And then there's this guy named Harrison De Vega. A handsome mister popular and keep saying he likes her.

Will she remain focus or she will let herself get distracted to enjoy life for the meantime?

chap-preview
Free preview
Prologue
DISCLAIMER: This is a story of fiction. Names, places, businesses, events, etc. are all product of imagination by the author. Resemblances in reality are purely coincidental. --- I exhaled loudly after I wrapped the last dress I need to ship for today. I have a small online clothing store and I sell there the clothes I don't wear anymore and the clothes I sewed. I have no educational background in dress making. It's just my hobby that turned out into business. In my life, I need to do all possible legal things to earned money because I'm living independently. My parents are still alive and they're living in another city together with my little brother. While me, I moved out from our house right after I saved enough money when I was 18. Pag-ka-18 ko kasi ay naghanap kaagad ako ng trabaho habang naghihintay ako ng resulta sa mga in-apply-an kong universities. I want to stand on my own feet that's why I chose to live this way. Parati ring sinasabi sa'kin ng mga magulang ko na dapat matutunan ko ang maging malakas dahil hindi habang-buhay silang nasa tabi namin ng kapatid ko. Aside from selling clothes, I also do painting commissions. I paint portraits or landscapes and sell them to whoever interested with my works. But most of the time, I only do painting when someone asked me. That way, I am one hundred percent sure that my artwork will be sold. And just last year, one of my friends told me to vlog the things I do for a living. Dagdag pagkaka-kitaan ba kumbaga. I took her suggestion and start vlogging the clothes I sew and the paintings I make. Good thing, there are people who constantly watch my videos. Kahit papaano sa pagvi-video-video kong 'yon ay nadaragdagan ang panggastos ko sa araw-araw. At talagang hindi pa 'ko nakuntento dahil nagtra-trabaho rin ako sa isang kilalang fast food chain. Iyon naman talaga ang trabaho ko magmula nang lumipat ako ng tirahan. Malapit lang kasi 'yon sa university na pinapasukan ko at saka sinusuportahan nila ang mga working student na katulad ko. Sumasahod na 'ko, nabibigyan pa nila ako ng tulong pinansyal basta ba'y ma-maintain ko ang matataas kong marka. Hindi rin problema ang schedule ko roon dahil nakadepende ang pagpasok ko sa kung kelan ako walang klase. I organized the parcels I will ship and placed it to the sides. I walked inside my bathroom to take a bath. Maaga pa naman kaya uunahin ko munang ipadala ang mga 'to bago ako mag-ayos para sa pagpasok. At saka mamaya pang alas-otso ang unang klase ko. Pagkatapos kong maligo ay nagpunta ako sa branch ng courier na pinagpapadalahan ko nitong parcels ko. I don't own a car so I need to ride public vehicles. It's fine though. Sanay na ako. At isa pa, malapit lang naman dito ang pupuntahan ko. Mag-a-alas otso na nang maka-uwi ako sa tinutuluyan kong apartment. Hindi na 'ko nag-abalang magpalit pa ng damit pamasok sa klase ko dahil wala namang dress code ang university na pinag-aaralan ko. Minsan nga ay late na 'kong nagising kaya naka-pang-tulog lang ako nung pumasok sa klase. I just get my bag contain the things I need inside campus, prepare my lunch box, then checked all my appliances if they're unplugged. Mahirap na baka masunog pa ang apartment ko wala akong pang-bayad. Pagdating ko ng classroom ay bumungad sa'kin ang mga nagchi-chismisan kong kaklase. "Ganda na naman ng porma natin ngayon ah!" I just smiled at my blockmate. I really lend time in choosing my outfit for the day. Because that's how I express myself. Today, I only wore a blue high-waisted skinny jeans and white sleeveless corset top. I paired it with my black bag and black 2-inch heel boots. Kakaupo ko palang nang lumapit sakin si Harrison, malamang para manghingi na naman ng sagot. "Kiezel" pagtawag niya habang kumakamot pa sa batok. Parang timang. "Baka pwedeng pa-kopya. Hindi ko lang kase alam paano sagutan yung activities natin. Promise inaral ko talaga pero wala eh." I sighed loudly making sure that he heard it. Nilingon ko siya na ngayo'y nakaupo na sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Hindi ka talaga nadadala eh noh? Ni minsan ay hindi kita pinakopya pero sige hirit ka parin sa'kin." pagsusungit ko. Hindi ko naman kase ugaling magpakopya talaga. Pero ewan ko ba 'tong si Harrison lagi nalang nakikiusap sa'kin. Nagtataka na nga rin ako eh. He got the looks and the body. A lot of my blockmates likes him. Even the girls from different departments. Pwedeng sa mga ka-blockmate nalang namin na may gusto sa kaniya siya makiusap na kumopya. Paniguradong palapit palang siya magkukumahog na ang mga 'yan ilabas ang sagot nila. I saw him bow his head down. Parang napahiya. But I didn't backed down. When all of a sudden, he raised his head again with a wide smile. "Alam ko na!" biglang sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. "Ano kaya kung ituro mo nalang sa'kin yung topics. Kahit 'di mo na 'ko pakopyahin. Tapos ikaw na bahala kung anong kapalit hihingiin mo." He got my interest with what he said. "Ang sinasabi mo ba ay i-tutor kita?" tumango naman siya. "Kung ganoon, ay sahod nalang ang hihingiin kong kapalit." I may look greedy but I don't care. Marami akong pinagkakagastusan. Ang renta sa apartment ko, kuryente, tubig, pagkain, personal necessities, pamasahe sa minsanang pag-alis ko, art and clothing materials, at pa-ilan-ilang gastusin sa eskwelehan. Kahit scholar ako rito eh siyempre may mga ilang bagay na gagastos ako gaya ng group works. Nagi-ipon din ako para kung sakaling may emergency. Hindi naman kalakihan ang sahod ko sa YouTube, maski sa fast-food dahil hindi naman isang buong linggo ako nakakapasok parati. At lalong hindi palaging may nagpapacommission sa'kin. Swerte ko na nga lang sa clothing store ko dahil tuwing sale ay maraming bumibili kaya kahit papaano nakakaipon ako. "Ayos lang kahit magkano. Hindi ko kasi matapos-tapos 'tong activities eh bukas na ang pasahan nito." pagsasalita ni Harrison. "Mamayang lunch time nalang, ayos lang ba? Hindi kase ako free after class dahil marami pa akong kailangang gawin." sabi ko. Nakita ko namang lumawak ang pagkakangiti niya. Parang timang talaga. Kung hindi ko lang kailangan ng pera eh hindi ako sasang-ayon sa sinasabi niyang turuan ko siya. Mukha kasi siyang may napagtagumpayan eh pumayag lang naman akong i-tutor siya. Nababaliw na yata 'to eh. "Ayos lang sa'kin. Sige, balik na 'ko sa upuan ko." paalam niya. Meron kasi kaming advanced activities na kailangang sagutan. Noong lunes 'yun ibinigay at bukas na ang pasahan, biyernes. Tatlong topic 'yun na hindi pa naituturo. Ewan ko ba kung anong trip ng prof namin at nagpapasagot kahit 'di pa naman niya naturo. He even said that whoever will got a perfect score with those activities will have a 1 grade mark. Maybe that's why Harrison taking it seriously. Tagilid kasi yata ang isang 'yan. Tuwing recit ay napapagalitan siya ng prof namin dahil hindi sumasagot. Pero ang ipinagtataka ko lang matataas naman daw ang scores niya sabi ng mga kaklase kong patay na patay sa kaniya. Harrison came from a wealthy family. Everyone knows that too. Kaya siguro wala siyang gaanong pake sa grades niya dahil mayaman naman na sila. O baka matalino naman talaga siya at hindi lang pinapahalata? Masyado ko yata siyang jina-judge. Pero kung matalino talaga siya ay bakit pa siya magpapa-tutor sa'kin? I sighed and brushed my thoughts off of my head when I saw our prof entered our room. I focus on the lesson she's teaching instead. I yawned right after I heard the bell rang. It's already lunch time. Inaantok din ako dahil wala akong gaanong tulog. Tapos ay kumakalam na rin ang sikmura ko kaya minadali ko na ang paga-ayos ng gamit ko. Palabas na ko ng pinto nang biglang may humawak sa braso ko. It's Harrison. "Kiezel, diba itu-tutor mo ko ngayon?" tanong niya kasabay ng pagbitaw niya sa braso ko. "Oo nga pala." bulong ko. "Ah, two hours pa naman bago ang tapos ng lunch break natin. Kumain ka na muna tapos kakain din muna ako." sagot ko. Bigla naman siyang napaiwas ng tingin at napakamot na naman sa batok. Pangalawang kamot niya na 'yan ngayong araw. May kuto ba siya sa batok? Magpapa-alam na sana akong mauuna na akong umalis nang bigla siyang nagsalita. "What if... we'll just eat lunch together?" mahina niyang tanong, parang nahihiya. Napakunot naman ang noo ko. "Huh? Why don't you just eat lunch with your friends?" tanong ko. "I want to eat with you." sagot niya. Mas lalong nangunot ang noo ko sa pagtataka. Hindi naman kasi kami close pero bakit umaasta siya ng ganito. "Nevermind. Magkita nalang tayo sa field mamaya. I'll go ahead." nagmamadali niyang sabi at tinalikuran agad ako. Namumula pa ang tenga niya. Anong nangyari roon? Lumabas na rin ako ng building mag-isa. Wala akong close sa mga blockmates ko maski sa iba kong ka-department. I know I should socialize because that's a must in business field. Pero hindi ko kase makuha-kuha kung paano ba dapat ako makisalamuha sa mga estudyante rito. Second year na ako pero hindi pa rin akong gaano nasasanay sa paligid ko. This is a private university at scholar ako rito. Majority naman ng estudyante ay nagbabayad ng pagkamahal-mahal na tuition dahil mayayaman naman sila. Napakalaki ng agwat sa buhay ng gaya kong scholar sa katulad nilang pinanganak nang mayaman. Sinubukan ko rin naman noon na makipagkaibigan noong baguhan palang ako, pero ang grupo ng mga babaeng 'yon ay pinaghinalaan lang akong gold-digger noong malaman nilang di nila ako kasing-yaman. Ayoko ng gulo kaya umiwas nalang ako. Wala naman akong laban kung sakali. Matapos niyon, may mga kumakausap naman sa'kin pero hindi ko na magawang sumubok ulit. Natatakot akong mahusgahan na naman. Nakuntento nalang ako sa dalawang kaibigan na meron ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang likuran ng school. Kakaunti lang ang nagagawi ritong estudyante at sobrang dalang lalo na kapag tanghali gaya ngayon. Hindi na kase naaalagaan ang parteng 'to ng campus dahil nga nasa likod at malayo. Ang mga upuan at mesang gawa sa bato rito ay maalikabok na pero wala namang matataas na d**o. Dito ako kumakain tuwing lunch. Malapit na ko sa usual spot ko nang magring ang phone ko. It's Catherine. She's calling. She's one of my best friends. Ang isa naman ay bakla. "Hello?" bungad ko. "Zel! Let's eat lunch together. I also called Johnson. Parating na raw siya. Nami-miss ko na kayo eh!" paga-alburoto niya. "Saan ba?" tanong ko. "Sa Tambayan! Na-miss ko Filipino meals nila." humalakhak ito pagkatapos. "Naumay ako kaka-burger sa states. Wala rin kaming stock na kanin don kaya useless kahit masarap naman minsan ang ulam." dagdag pa niya. Yung Tambayan na tinutukoy ni Rine ay isang Filipino restaurant. Masasarap ang pagkain nila roon at affordable pa. Hindi lang main course ang binebenta nila. Meron ding desserts, siyempre Filipino rin gaya ng halo-halo, iba't-ibang klase ng malagkit, at kung anu-ano pa. Medyo malayo 'yon dito kaya nag-abang pa ako ng jeep sa sakayan. Hindi naman punuan ngayon dahil hindi rush hour. Kakaunti ang bumabyahe kapag tanghali dahil kung hindi mainit ay maulan naman. Mood na rin ang panahon. Nang may nakita akong papalapit na jeep na dadaan sa Tambayan ay pinara ko agad at sumakay. Hindi heavy traffic ngayon kaya nakarating ako agad. Nakita ko si Rine mag-isang nakaupo sa tabi ng pader, usual spot namin. Kumaway siya sa'kin noong napansin niyang pumasok ako. "I miss you!" tumayo siya at lumapit sa'kin para yumakap. I hugged her back too. "I miss you too, Rine." sagot ko saka kami umupo. Galing ng states si Rine. Manhattan, New York to be exact. Isinama siya ng daddy niya roon. May kinita silang business partner. Nagtataka ako bakit isinama pa siya eh hindi pa naman siya tumutulong sa business nila. Business Administration din ang kinuha niya pero sa magkaibang school kami nag-aaral. Wala na siyang ibang ikinuwento sa'kin tungkol sa pag-alis nila. Kapag ganoon ay hindi niya gustong pag-usapan kaya hindi ko na pinilit. Matagal ko nang kaibigan si Rine kaya alam na alam ko na ang gusto at ayaw niya. Classmate kami ng highschool at ni Johnson, ang isa pa naming kaibigan. "How are you? Pumapasok ka na ba ulit sa klase mo?" tanong ko. Lumipat siya ng pwesto at umupo sa tabi ko. Nangunyapit siya sa braso ko at lumabi na parang bata. "Zeeelll..." mahabang tawag niya sa pangalan ko. "Ang dami kong kailangang habulin. Pagpasok ko kanina, in-expect ko na agad na marami akong kailangan gawin but I am still shocked. Gosh! I can't even count them in my hands." tumingin siya sa'kin na parang maiiyak. Napangiti naman ako at ginulo ang buhok niya. "Tulungan nalang kita-" naputol ang sasabihin ko nang may sumingit na nagsalita. "Anong kadramahan yan?" napatingin kami ni Rine sa bagong dating. Si Nas. Napatayo agad si Rine at yumakap kay Nas. "Baby powderrrr! I miss you." I saw Nas acted like she wants to vomit. I just laughed at her. Ganiyan siya parati tuwing tinatawag siyang baby powder ni rine. Para raw kasing sa pulbo yung pangalan niya. "I miss you too but can you please stop calling me that?!" inis na sabi ni Nas. "I told you! Just call me Johnson or Nas. I hate that baby powder nickname. Nakakahiya!" she added. Mas lalo akong natawa. Si Rine naman ay napairap nalang at umupo ulit sa tabi ko. Si Nas ay umupo narin sa harapan namin. Nagtawag siya ng waiter para ibigay ang order namin. Si Rine naman ang sasagot sa bayad. Treat niya raw kami. Habang inaantay namin dumating ang order ay inilabas ko ang niluto kong baon ko, adobo. Nakita naman iyon ni Rine. "Pwedeng sa'kin nalang yan, please? Na-miss ko luto mo eh." napangiti naman ako. Nakakatuwa talaga kapag na-a-appreciate ng mga taong mahalaga sayo ang mga bagay na pinaghihirapan mo. "Oo naman" sagot ko sabay tulak sa kaniya ng baunan ko. Sakto namang dumating na ang mga order namin. Naglaway agad ako nang malanghap ko ang caldereta, ang paborito ko. Meron ring sinigang, dinuguan, pinakbet, at ampalaya. Si Nas lang ang kumakain sa amin ng ampalaya. Sa dessert naman ay may tagi-isa kaming halo-halo. Chocolate ice cream ang topings ng sa akin, ube kay Rine, at Matcha kay Nas. "Omg! I miss this foods!" Rine exclaimed while she starts taking photos. Probably for her i********:. "Kung talagang na-miss mo teh, lantakan na natin. Jusko! Mas matagal pa ang pag-picture natin kaysa sa pagkain." reklamo ni Nas. "Oo nga Rine. Kailangan ko ring bumalik agad sa campus. May tatapusin pa ko." panggagatong ko. Ibinaba naman agad ni Rine ang cellphone niya. Magsisimula na sana kami nang biglang may nagsalita sa likuran namin. Nakatalikod kami ni Rine sa pinto samantalang si Nas ay nakaharap kaya lumingon pa kami. "Can we join you guys?" it's Zester. Harrison's bestfriend together with their three other male friends and of course....Harrison. --- Note: • Kiezel is pronounced as Ki-zel • Catherine is pronounced as Ka-ti-rayn So ang nickname niyang "rine" ay binabasa as "rayn".

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook