XXV - Meet Maria

2963 Words

"Chapter 25" Aleck's POV: "Magpalipas muna tayo ng oras Hon. Hindi tayo pwedeng magpakita don ng ganyan ang itsura mo. I'm sure magtataka sila lalo na ang ate mo. Mamaya na lang tayo bumalik ng inn kapag okay ka na." Sabi ko kay Krisha na naniningkit pa rin ang mga mata dahil sa sobrang pag-iyak. Tumango naman sya at tipid na ngumiti. "Tara dun tayo." Yaya ko sa kanya tapos hinawakan ko sya sa kamay. Paika-ika pa rin akong maglakad. Pero medyo okay naman na ang paa ko ngayon compared kanina. "Hon dun tayo sa 10 feet ha? Parang mas masarap tumambay dun sa parteng gitna eh, dun sa may fountain." Sabi ko sa kanya. Alam ko kasing hindi pa sya nakakarating dun sa lugar na sinasabi ko. Tanging ang mga marurunong lang lumangoy ang maaaring gumawi doon dahil sobrang lalim talaga ng tubig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD