"Chapter 24" Sha-Sha's POV: Pansamantalang natigil ang laro. Dumating kasi sila Allyssa at Samara. Nagtatawag na sila dahil dinner time na raw. Nakahanda na daw ang food kanina pa. Agad kong hinanap si Aleck. Naglakad ako sa kabilang side ng pool kung saan sila nakapwesto kanina. At ayun sya nag-iisa. Nakaupo sya sa may gutter ng mini garden. "Hon..." Untag ko. Saglit lang syang tumingin sa akin tapos nagbaba uli sya ng ulo. "Kakain na raw." Sabi ko. Pero hindi pa rin sya kumibo. Nakayuko lang sya habang nakahawak sa kaliwang binti nya. Hinihimas-himas nya iyon at napansin ko ang pagngiwi nya. "May problema ba? Anong nangyari?" Tanong ko matapos akong umupo ng pasalampak sa tiles, sa may paanan nya. "Cramps." Maikli at walang emosyong sagot nya. Agad ko namang kinuha ang paa nya

