"Chapter 8" Sha-Sha's POV: Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Si Kuya Aleck naman although itinigil na nya ang paglalandi sa akin, I mean sa tenga ko, ay hindi naman nya inalis ang pagkakatitig nya sa akin. Pero hindi na ako masyadong naiilang sa mga tingin nya ngayon. Unlike kanina na medyo iritated talaga ako. Yung pagka-ilang ko kasi sa kanya kanina ay may halong badtrip at yamot. Ngayon wala na. At ang kamay nyang unti-unting dumadausdos ay tuluyan na ngang lumanding sa balikat ko. Humihimas at pumipisil na iyon sa braso ko. Kung kanina ay tamilmil akong kumain, ngayon naman ay parang ginanahan akong bigla. Daig ko pa ang nasa isang contest, yung pabilisang maubos ang nasa plato. At bravo! Wala pang isang minuto ay taob na ang pagkain sa plato ko. Wala eh ganado talaga ako! At bak

