VII - Dedma King

1930 Words
"Chapter 7" Sha-Sha's POV: "Haaay salamat. Sa wakas dumating din." Bungad sa akin ni Samara hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanila. Para silang na-relieved sa pagdating ko. Why? Because I'm almost one hour late on our call time. Forty minutes to be exact. Eh paano akong hindi male-late sa practice namin eh nasa byahe na ako papunta sa park nung ma-receive ko ang message ni Samara. Yun nga change venue nga daw. Kaya ayun bumiyahe pa ulit ako pabalik. It consumed time sa pagtravel kaya naman ako na-late sa usapan. Mag-eexplain sana ako, ikukuwento ko sana sa kanila kung gaano ka-buraot yung driver ng jeep na nasakyan ko pauwe kaya lalong tumagal ang byahe ko but I change my mind. Naisip ko its not my fault at all why I am late, its hers. Kaya I don't have to explain anything. "Bakit ba kasi nag-changed ang plan?" Tanong ko na lang. "Eh naisip ko lang kase, kung dun uli tayo sa park, pagod na nga tayo kasasayaw, pagod pa tayo sa byahe pauwe. Unlike kung kila Allyssa tayo, lahat tayo ay medyo malapit lang ang mga bahay na uuwian. Besides wala ang parents nila ngayon don kaya libreng-libre tayo sa house nila." Paliwanag ni Samara. Bigla akong napa-isip. Kila Allyssa? Safe kaya don?! Ang pagkaka-alam ko kasi sa squatters area daw nakatira sila Ally. Daw ha. I'm not sure. Sabi pa nila eh mga siga raw ang mga tao don. Pati mga babae ay basagulera. Daw ulet. Pero kung papipiliin ako between that park and Ally's house, syempre kila Allyssa na ako no! Mamaya balikan pa ako nung demonyong manyakis eh. Nyiiiiii... Ayoko. Nakakakot. "At saka ayaw nyo ba non guys hindi lang tayo less-transpo, less-haggardness din at higit sa lahat may free-meal pa tayo. Diba sis?" Sabi nya sabay siko kay Allysa. Hindi naman nagkomento si Allyssa. Napangiti lang ito sa tinuran ni Samara. "Ahm malayo ba ang sa inyo?" Tanong ko habang nakatingin ako kay Allyssa. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa house nila. Since high school pa kami never pa akong nakarating sa kanila. Si Samara, yun ang madalas na tumambay kila Allyssa. "Lapit lang. Tricycle lang ang sasakyan natin." Sagot naman nya. "Ano tara lets? Para makatapos tayo agad." Suggestion ni Sam. Nagsitanguan naman ang lahat. .......... Bale dalawang tricycle ang pinara namin. And Ally's right, malapit nga lang ang kanila dahil wala pang five minutes ay nasa barangay na nila kami. "Ako na muna ang magbabayad ng pamasahe ha para hindi magulo. Mamaya na lang tayo magbayaran sa loob. Yun eh kung babayaran nyo pa 'ko. Hahaha..." Pagbibiro ni Sam. Pero hindi na ako nakasagot. Na-busy na kasi ako kakatingin sa paligid. Pinagmasdan ko ang lugar nila. Lumibot ang mata ko sa abot ng matatanaw ko. O hindi naman pala ganun kalala eh. Ang exagg talaga nila magkwento oo. Akala ko pa naman super-duper-squatter talaga, hindi pala. Tss.. "Uy sis tara na." Sabi ni Ally sabay akbay sa akin. Sa kamamatyag ko sa paligid ay hindi ko namalayan na nagsi-pasukan na pala sa eskinita ang mga kasama namin. Kami na lang ni Ally ang tanging naiwan sa labasan. "Huwag kang mag-alala safe dito. Wala kaming security guard gaya ng sa inyo pero ayan lang ang bahay ni Kapitana o, mag-reklamo ka dyan hangga't gusto mo. Sasamahan pa kita." Sabi nya sabay kindat sabay turo sa isang simpleng bahay pero maganda naman ang estilo at ang pagkakapintura. "Luh! Baket? Wala naman akong sinasabi ah." Depensa ko naman. Grabe naman 'to si Ally, nahulaan ang tumatakbo sa isip ko. Mind-reader lang?! Bulong ko sa isip ko sabay ngiti nh palihim. "Tara na nga." Sabi nya then pumasok na rin kami sa eskinita. .......... In fairness maganda ang design at style ng bahay nila Allyssa. Three-storey sya. Yung third floor ay rooftop. Dun daw kami magpa-practice ng sayaw. Hmm... Pwede nga naman. "Tara akyat na tayo." Yaya ni Sam. Patayo na sana ako nung biglang magsalita si Allyssa. "Ay wait lang guys. Pakilala ko muna sa inyo ang brother ko." Sabi nya. Napatingin naman kaming lahat sa lalaking bagong dating. "Si Kuya Aleck nga pala." Pakilala ni Allyssa. Mukang galing ang kuya nya sa pagba-basketball. Obvious sa suot nitong pawisang jersey at sa fresh na pawis na tumutulo pa mula sa noo nito. Wait lang... He looks familiar. San ko nga ba sya nakita? (Pause) Hmmm... Think Sha-Sha. Think... At napa-isip nga ako habang nakatingin ako sa kuya ni Allyssa. Maya-maya... Oh yeah. I remembered. Tama. Sa school nga. First year pa lang ako non. Foundation Day ng school, dun ko sya unang nakita. Nung isinama ako ni Ate Yumi sa room nila nakita ko sya dun sa isang sulok kasama ng mga kaibigan nya. Meron pa nga silang pinalilibutan na isang babae nun eh. Pinagmasdan ko ang kuya ni Allyssa. Hindi ko maitatanggi na gwapo sya. Matangos ang ilong. Maganda ang mga mata na binagayan ng mahahabang pilik-mata. Matangkad sya at maganda ang built ng pangangatawan. "Hello po. Ahihii.." Sabay-sabay pa yung mga classmates ko sa pagbati dun sa kuya ni Ally. Super obvious ang pagpapa-cute nila. Lalong-lalo na si Phillip na halos magkandahulog-hulog na sa upuan dahil sa kalandian. Napa-iling ako at napangiti. Pero biglang napa-taas ang kilay ko sa reaksyon nung Aleck. Hindi talaga nakaligtas sa akin ang cold treatment na ibinigay nya sa mga kaibigan ko. Gwapo nga pero antipatiko naman. Hmpt! Napaka-suplado! Deadma lang talaga ha? Porke ba gwapo may passes ng maging isnabero?! Tseh! Pagsusungit ko sa isip ko. Tanging ako lang ang hindi nag-hello kay Dedma-King. Sa inis ko ay tinapunan ko pa sya ng isang pamatay na irap. Grrrrr... The nerve! Napaka-antipatiko talaga! Mag-walk out daw ba? Ni hindi man lang nag-paalam maski kay Allyssa. Bastos! Walang-modong lalake! Tss... .......... Sa rooftop: Three steps lang ang idinagdag namin sa sayaw. And finally it's completely done. We've just need to memorize and practice the whole steps. Then presto! Pwede na kaming magpa-petix-petix. Exactly 11:30 nang mag-reklamo ang mga kasama ko, breaktime daw muna dahil talagang pagod na sila at nag-aalburuto na ang mga tiyan nila. Timing lang din dahil umakyat si Dedma-King. Sabi nya we can go downstairs na raw. Kanina pa daw sya nakahain ng tanghalian naming lahat. Though sya ang nag-prepare ng lunch namin ay hindi pa rin nabawasan ang inis ko sa kanya. As long na hindi nya binabago ang askad na pag-uugali nya towards us ay never ko rin syang pakikitaan ng maganda. .......... Sa kitchen: Dahil sa sobrang dami namin ay hindi kami kasya sa kusina. Four lang kasi ang members ng family nila Ally kaya ang dining table nila ay six-seaters lang. Yung iba ay sa sala na lang daw pupuwesto para kumain, with Ally and Sam. Meron daw kasi silang inaabangang noontime show kaya mas gusto nila sa sala. Nung makita ko si Dedma-King na prenteng nakaupo na sa lamesa ay napasimangot ako. Hindi lang ang tiyan ko ang kumulo kundi pati ang dugo ko. Aaargh! Ang manhid talaga ng unggoy na 'to oo. Hindi man lang makahalata. Wala talagang pakiramdam. Ma'no ba namang mag-adjust muna sya kahit ngayon lang. My God! Sa asar ko ay inirapan ko uli sya. Tapos tumalikod na ako para lumabas papuntang sala. Kase kung sya lang din ang makakasabay kong kumain, wag na lang no! Dun na lang ako sa sala. Makikisiksik na lang ako kila Allyssa. Pero hindi pa ako nakaka-mhakbang ay inawat na agad ako nila Sam at Ally. "Ops! Where are goin'? Dito ka na lang pumuwesto. Kami na lang nila Sam sa labas." Sabi ni Allyssa habang iginigiya nya akong paupo. "Ha?! Ahhm... Ano kase... Kwan..." Sambit ko. Hindi ko masabi-sabi kung bakit ayoko sa kitchen. Paano nakatingin kasi sa akin si Dedma-King. "Oo nga sis dito ka na lang. Ikaw din Diane take your seat na. Ang mga newbies ay special treatment dito." Segunda naman ni Samara. Baka nga special treatment.. Hmpt! Usal ko sa isip ko. Hindi ko talaga mapigilan ang inis ko. Lalo na nung makita ko kung paano magpa-cute si Diane kay Dedma-King. Hala sya! Ano 'to hawa-hawa na? Manhid ka na rin ba ha Diane? Hindi mo ba napupuna ang pang-iisnob ng lalaking yan? Haaaay.. Teenager nowadays nga naman oo... Pero wala naman akong nagawa. Hindi ko rin naipaglaban ang gusto ko. Matapos kasing kumuha nila Samara at Allyssa ng food ay lumabas na rin sila. So ayun naiwan akong simangot na simangot. Bale anim kami ngayon sa kusina. Ako, si Diane, Shane, Monica, Nathallia at syempre si Dedma-King. Actually masarap naman ang food na nakahain sa mesa. Kaya lang hindi ko talaga magawang kumain ng maayos. May isang tao kasi sa tapat ko na animo isang critic na nag-oobserve sa bawat kilos ko. Bakit ka ba kasi tingin ng tingin?! Nakaka-ilang ka na ah. Tutusukin na talaga kita ng tinidor 'pag ako na-bwisit sa'yo ta'mo... Sintemyento ko. Kung si Diane ay panay ang nakaw ng tingin kay Kuya Aleck, si Kuya Aleck naman ang panay ang sulyap sa akin. Kaya eto ako magkaka-stiff neck na kakayuko sa plato, kakaiwas sa tingin nya. Haaaaaay... Sobrang naiilang na talaga ako sa ginagawa niya. Hindi ko na tuloy magawang sumubo. Kaya naman ang siste, yung pagkain sa plato ko ay hindi pa nangangalahati. .......... Minutes later... "Excuse lang ha. Kuya lalabas na po kami." Paalam nila Shane, Thallia at Monica nung matapos silang kumain. Maya-maya lang ay nagpaalam na rin si Diane. Medyo nakaramdam din siguro sya na wala syang mahihita sa pagpapa-cute kay Dedma-King. Buti naman nakahalata na rin sya.. Sabi ko sa isip ko. "Tagal mo naman kumain sis. Labas ka na lang pagtapos mo ha?" Sabi nya sa akin. Tumango lang ako tapos yumuko uli. Pakiramdam ko ay ang awkward ng situation namin ni Kuya Aleck. Kung kanina ay naiilang na ako, mas dumoble iyon ngayon. Parang gusto ko na tuloy lumabas na lang at doon na tapusin ang pagkain ko sa sala. Nag-isip akong mabuti. And at the end I decided to go outside na nga lang. Kumuha ako ng buwelo. Pagkatapos ng isang malalim na buntong-hininga ay hinawakan ko na ang plato ko. Akmang tatayo na ako ngunit biglang nagsalita si Kuya Aleck. "Dalawa na lang tayo." Sabi nya. Naudlot tuloy ang plano ko. "H-ha? An'sabi mo?!" Kunot-noong tanong ko. Hindi ko kasi naintindihan yung sinabi nya. Naglalakbay kasi ang diwa ko. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay ko sa kanya. Pagkatapos non ay nagyuko ulit ako ng ulo. Wala eh naiilang talaga ako sa mga tingin nya. Pero instead na sagutin ang tanong ko ay tumayo sya sa kinauupuan nya. Ang akala ko lalabas na sya pero hindi pala. Nung mapatapat sya malapit sa akin ay hinila nya ang isang upuan sa tabi ko then naupo sya don. Shuuucks! Ano 'to? Naiilang na nga ako eh. Tapos tatabi pa sya sa akin? My God! What the heck? "Paupo ha." Sabi nya. Huh! Paupo daw. Eh nakaupo naman na sya. Tss.. Pero hindi ko sya inimik. Kunwari hindi ko sya narinig. Patay-malisya rin ang ginawa kong pagsubo. Kung Dedma-King ka, Dedma-Queen naman ako. 'Kala mo ikaw lang ha... Sambit ko sabay irap. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagkilos nya. Yung isang kamay nya ay inunat nya tapos inilagay nya iyon sa likuran ko, sa may sandalan ng inuupuan ko. Hindi ako nakakilos. Parang na-stuck up akong bigla. Feeling ko kase ay aakbayan nya ako. At lalong nag-iba ang timpla ko nung nilapit nya ang katawan nya sa akin. "Pa'no ba yan? Dalawa na lang tayong nandito. Hmm..." Sabi nya. But this time ay sa tenga ko na sya nagsalita. Ohhh... s**t! Why did you do that? Oooh-la-la... Taena! Shemay ka! Dyan ka pa talaga bumulong.. Langya ka! Aaminin ko na nakaramdam ako ng kakaiba sa ginawa nyang pagbulong sa tenga ko. Para akong kiniliti na ewan. At parang may Edsa revolution na nangyayari sa loob ng dibdib ko. Gosh! Ang sarap naman non.. Ang hininga nya mainit-init. Shuuuucks.. Napa-pikit ako nang hindi ko namamalayan. Wala eh nag-iba talaga ang temperatura ko. Para akong lalagnatin na ewan. "Sige kain ka lang." Bulong uli nya. Naramdaman ko ang basa nyang dila sa punong-tenga ko. Kaya naman lalo akong napapikit. Oh men! That was--- Ooooooh... "Just eat My Honey. Huwag kang mag-daydream dyan." Sabi nya. Bigla akong napa-mulat ng mata. Shucks! Nakakahiya! Lord sorry po! Nakalimot po ako. Nasa harapan po pala ako ng grasya. Sorry po talaga. ********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD