"Chapter 6"
Sha-Sha's POV:
Wala ang parents namin ngayon. Nag-out of town sila. Well as usual business trip. Sanay na kaming magkakapatid na wala sila kapag weekends. Most often Friday after their work sila kung umaalis. Then 'matic Sunday night na ang balik nila.
Kaming apat na magkakapatid lang ang naiiwan sa bahay with Manang Fe of course, ang aming all-around Super Nanay.
At sa tuwing wala ang mga pusa--- Ehem! Alam na. Syempre rumarampa ang mga daga.
Ahahaa...
Like now I'm pretty sure na dito na naman sa bahay patutulugin ni Ate Yumi ang boyfriend niya. Syempre ganun din ang bf ni Ate Pie na si Kuya Ralph.
Kunwari tambay-tambay lang sila, nood-nood ng tv, hanggang sa abutin na sila ng hating-gabi. Syempre dis-oras na kaya hindi na sila papayagan ni Manang Fe na umuwi. So malamang dito na sila patutulugin.
Haist! style nyo bulok... Wahahaha..
Sa una kunwari hindi nila sinasadya yon. Kunwari hindi nila namalayan ang oras. Pero later on they used to it na. So si Manang ayun nasanay na rin.
Well mabait naman sila Kuya. Magalang sila kay Manang Fe kaya gusto na rin sila ng matanda.
..........
Open ang parents namin sa aming magkakapatid. We treated each other just like we're friends. Tropa-tropa lang.
Pero syempre hindi nawawala ang paggalang namin sa bawat isa. Alam naming magkakapatid ang limitations namin. Oo nagbibiro kami kila Mama at Papa pero alam namin kung kelan kami titigil.
Tungkol naman sa mga boyfriend nila Ate, legal po iyon. May basbas iyon ng mga magulang namin.
Super bait at super luwag nila Mama at Papa sa amin. Basta magpapaalam lang kami ng maayos at hindi naman namin ikasasama, papayag din naman sila.
But before naging officially on sila Ate at Kuya ay taon muna ang inabot nila. Mga 1 year and a half ata? 2 years? Or almost 3? Ah basta. Ganun katagal ang courting-process nila.
Pumayag sila Mama at Papa na maligawan sila ate pero under observation sila non. If naging bad influence sila Kuya Jay at Kuya Ralph sa mga ate ko, NO ang ibig sabihin non. Meaning hindi nila nakuha ang approval nila Mama at Papa.
Pero kung may legal syempre meron ding bawal. At iyon ang pagtulog nila Kuya Jay at Kuya Ralph dito sa bahay. Not permitted po talaga iyon kila mom and dad. Well pwede naman silang dumalaw or tumambay. But never na mag-i-sleep over.
Tsk! Tsk! Bawal yon. Lagot sila kay Papa. Hehehe..
Well sadyang mabait lang talaga si Manang Fe kaya hindi nagsusumbong kila Papa. Ako naman, wala rin akong planong ibuko sila Ate.
Eh paano kapag ako naman ang nagkaroon ng bf? Eh di isusumbong din nila ako? No way. Give and take lang. Pagdating sa kalokohan ay magkakakampi kaming apat. Ang secret ng isa ay secret ng lahat.
..........
Dinner Time:
"Wooow! My favorite breakfast."
Sambit ko nung makita ko ang nakahain sa aming lamesa.
Favorite ko talaga ang sinangag. Lalo na kung may sahog iyon na mixed-veggies, scrambled-egg, embutido, sliced-ham, hotdog, longganisa, at kung anu-ano pa. Ay nako! Kahit wala ng ulam pwedeng-pwede na.
"Breakfast ba Bunso? Eh di bukas ka na kumain. Ahahaha... Sige na dun ka na, titirahan ka na lang namin." Pang-aasar ni Ate Yumi sa akin.
"Eh di meow!" Sagot ko naman.
"Eh diba sabi mo breakfast? Gabi pa lang kaya." Banat nya sa akin.
"Oy! Oy! Mga ineng nasa harapan kayo ng grasya ha." Paalala ni Manang.
"Op-po." Duet namin ni Ate Yumi tapos sabay din kaming nangiti.
"Eh Manang bakit naman po nagtira pa kayo ng hotdog? Sana isinahog nyo na ring lahat dito sa sinangag." Komento ni Ate Yumi habang sumadandok ng fried rice para kay Kuya Jay.
"Ay naku iha masyado ng maraming sahog yan. Baka hindi na makita ang kanin." Sagot naman ni Manang.
"Eh pa'no po kase Manang sawa na po kasi sya sa hotdog." Pasaring ko.
"Ha?! Ano?" Pasigaw na tanong ni Ate Yumi sa akin.
"Huh! Baket? (Pause) Ano yun 'te? May sinabi ba 'ko? (Pause) Wala naman ah." Patay-malisyang sagot ko. Kunwari walang alam. Pa-inosente effect.
Hehe..
At hindi pa don natapos ang pang-aasar ko. Nung makita ko ang hotdog ay naka-isip ako ng isang kalokohan.
Pagkatapos kong hawakan ang tinidor ay tumusok ako ng isang pirasong jumbo hotdog.
"Wooow! Ang lakiii." Sabi ko habang nakatingin ako kay Ate Yumi. Then dahan-dahan kong isinubo ang hotdog.
"Uhmmmm... Sharaaap..." Sambit ko. May papikit-pikit pa akong nalalaman habang nginunguya ko ang hotdog.
Napatitig naman sa akin si Ate Mayumi. Maya-maya lang ay naningkit na ang mata nya sa akin.
Si Kuya Jay naman ay pangingiti-ngiti lang. Pero kakaiba ang mga tingin nya sa akin. Parang may ibang ibig sabihin.
Siguro nga nahuli nya ako kanina na namboboso sa kanila. Hindi nya lang talaga ako magawang sitahin kase natatakot sya--- Natatakot sya na baka magsumbong ako kila Papa.
Hmpt! Bahala nga kayo sa buhay nyo. Buhay nyo naman yan eh. Matatanda na kayo.
Nasa ganun akong pag-iisip nang maramdaman kong may sumipa sa binti ko.
"Ouch!" Pag-aray ko.
Then nilingon ko ang dalawang katabi ko na nasa kaliwa at kanan ko.
"Umayos ka." May diing sambit ni Ate Cleo. Galit din ang mga mata nya habang nakatingin sa akin.
So sya pala ang kabayo--- Este ang sumipa sa akin. Huhuhu...
Agad kong hinimas ang parte ng binti ko na sinipa niya. Tumama kasi yung dulo ng tsinelas nya kaya medyo nasaktan ako.
"Ang sakit naman nun 'te." Paawa at parang batang sambit ko habang nakatingin ako sa kanya.
"Sorry." Apologetic naman nyang sabi.
"Mag-behave ka kasi. Napakapasaway mo!" Dugtong pa nya.
Hindi naman na ako sumagot. Lumabi lang ako habang hinihimas ko ang binti ko.
At sa pagkakayuko ko ay hindi ko sinasadyang matabig ang tinidor. Nalaglag iyon kasama nung hotdog na tinusok ko kanina.
"Ooops! May darating na bisita, lalake." Sabi ko bago ako yumukod at kunin ang nahulog na tinidor sa ilalim ng lamesa.
At ganun na lang ang pagsimangot ko nung matanaw ko kung gaano kalayo yung tinidor sa akin. Pwede naman sanang huwag na lang kunin, kaya lang nasa ilalim na ako kaya itinuloy ko na.
Nung dadamputin ko na ang tinidor ay napatingin ako sa pwesto nila Ate Yumi. Napa-iling naman ako.
Psssh! Hanggang dito ba naman 'te! Konting respect naman uy!
Umikot ang eyeball ko sa ginagawa nyang paghimas sa legs ni Kuya Jay. Wala naman syang ibang ginagawang kabastusan. Pero na-iimbyerna talaga ako sa kanila. Lalo na ang pagkuyakoy ni Kuya, na para bang gustong-gusto nya pa ang ginagawa sa kanya ni Ate.
An'sarap nyong tusuk-tusuking dalawa! Pssshh...
Sambit ko nang mahawakan ko ang tinidor.
Hmpt! Makatayo na nga...
..........
Sa sala:
Kasalukuyan kaming nanonood ng isang pelikulang comedy-love story.
Maya-maya...
DING DONG...
DING DONG...
"O diba? Sabi ko sa inyo may dadating na bisita eh. Pustahan o lalaki yan." Sabi ko sa kanila nung tumunog ang aming door bell.
Pero wala namang pumatol sa akin. Lahat sila ay nakatutok ang mata sa tv except for Ate Pie na obvious na may hinihintay.
"Ako na." She volunteered.
Dali-dali siyang tumayo at excited na lumabas para nga buksan yung gate.
"Malamang ikaw na. Si Kuya Ralph yun eh." Pambabara ko sa kanya bago sya tuluyang makalabas ng pinto.
"Tseh!" Sabi lang nya sabay irap pero naka-smile naman.
Syempre 'kaw ba naman ang dalawin ng jowa eh hindi ka ba matutuwa?
Hehehe...
Ay! Hindi pala yun basta dadalaw lang, dito rin pala yun matutulog like Kuya Jay.
Maya-maya...
"O request nyo." Sabi ni Kuya Ralph pagkapasok nya sa bahay. May inihagis syang itim na plastic kay Kuya Jay.
"Uuuy... What's that?" Excited na tanong ko. Ang nasa isip ko ay pagkain ang laman non.
"What's that what's that ka dyan. Bawal pa sa'yo yan. Ang mabuti pa ay umakyat ka na lang sa room mo at matulog." Sagot ni Kuya Ralph habang nakatingin sa akin.
"Wala pong pasok bukas." Pagtataray ko naman.
"Kahit na. Bawal yun sa bata." Sabi nya bago sila naupo ni Ate Pie. Hindi na ako sumagot. Nag-poker face lang ako.
Hmpt! Ganyan naman kayo palagi eh. Ang dami nyong bawal. Kainis! Eighteen na 'ko. Di na ko bata!
Napasimangot ako. Feeling ko lahat sila ay pingkakaisahan ako.
"Do you really wanna know what's inside of that plastic?" Bulong sa akin ni Ate Cleo, ang katabi ko sa upuan.
"U-huh." Sagot ko naman.
"Those are porn videos, s*x scandal CD's." Bulong uli ni Ate.
Oh...
Napataas ang kilay ko at napa-O naman ang mata ko.
"Manonood kayo non?!" Biglang tanong ko.
"Yup." Walang pakundangang sagot ni Ate Cleo. Talagang straight, ni hindi man lang nag-preno.
Ows talaga?!
"Those are for adults only. So if I were you I'll go upstairs na. If you want you can get the CD we're watching and continue it in your room na lang. Sige na bunso, go na sa taas. Huwag ng matigas ang ulo okay." Pang-uuto nya sa akin. Alanganin naman akong kumilos. Labag talaga sa loob ko ang pang-aapi nila sa akin.
Huhuhuhu... Mag-i-strike na talaga ako bukas. Lagot kayo sa'kin. Mga walang'ya kayo! Sabi ng eighteen na nga ako eh. Eighteeeeeeeeeeen!
Napabuntong-hininga na lang ako. Oh well siguro dahil bunso ako kaya ang turing pa rin nila sa akin ay baby, minor, bata pa etcetera. Etcetera.
"Don't worry ilang taon na lang pwede ka na. Huwag muna ngayon ha? Baby ka pa eh." Sabi ni Ate Cleo habang ginugulo ang buhok ko.
Sabi na eh. Pero di naman na ako baby eh. Malaki na ako. Dalaga na 'ko.
Pero yaan na. Di naman ako mananalo sa kanila. Tatlo sila eh plus the two boyfriends. Ako mag-isa lang. Wala talaga akong kalaban-laban.
Pero sa tatlong Ate ko I felt more closer to Ate Cleo. Mas at ease ako sa kanya. Sometimes she treated me as if I'm a baby. Ang dami nyang DON'TS and NO'S. But she tried to explain naman to me why bawal ako sa isang bagay.
But there are times, para naman akong adult kung kausapin nya. May mga bagay syang sinasabi sa akin na for my opinion are not suitable pa for my age.
Haaay buhaaay... Maka-akyat na nga lang.
"Goodnight 'te." Sabi ko then I kissed Ate Cleo. Next kong bineso sa pisngi ay si Ate Pie and lastly Ate Mayumi.
"Ako wala?!" Biglang banat ni Kuya Jay.
Natulala ako.
Huh? Ano daw?! Nanghihingi sya sa akin ng goodnight kiss... Talaga ba? Wow! Kilig-pepe naman ako. Hihihi..
Kilig-pepe talaga?!
Pambabara ng konsensya ko. Na sinagot ko naman.
Eh sa kinilig eh. Bakit ba? Haha... Nabubuang na naman si ako. Tama na nga...
"Joke lang. Ano ko bale? Hehehe." Biglang bawi ni Kuya Jay.
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya.
Kung makatawa wagas..
"Tseh! Maniiiac!!!" Sigaw ko sa kanya. Tapos naglakad na ako papuntang hagdanan.
"Maniac ka rin. Hahaha..." Ganti naman nya.
Aba't...
Napahinto talaga ako sa sinabi nya. Lumingon ako tapos tinitigan ko sya ng masama.
Hindi ako maniac no!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Malibog lang. LOL!
"Enough Babe. Pinagtri-tripan mo na naman si Bunso eh." Awat naman ni Ate Yumi sa boyfriend nya.
"Sige na bunso goodniiiiight." Sabi nila.
********************