Chapter Two

1248 Words
Chapter two Ayalyn POV' Busy na ako sa pagsusulat ko, may mga na miss kasi akong lesson nung nakaraan dahil na busy din ako sa paglalaro at pagte-training next week na kasi ang Provincial Meet namin. Kaya buti na lang may mababait akong classmate at pina pa copy nila sa akin yong mga lesson namin tong mga nakaraan. "Good morning Sir Alvin" narinig kong bati ng mga kaklase ko sa prof namin na kakarating lamang "Good morning din sa inyo' by the way may bago kayong classmate Mr. William Navarro please come in" Napatingin naman kami sabay sabay sa may pinto Iwan ko ba at parang may kung anong meron at parang biglang nag slow motion pa ang pag pasok niya at pati paligid namin. "A-ang gwapo niya" bulungan ng mga classmate kong babae na nagkikislapan ang mga mata ng mga ito Kahit ako napatulala din sa kanya "Oo nga' parang may pagka modelo ang datingan" sa isip ko "Ang lakas ng karesma" sila "May bagong Oppa na tayo" may kilig pang sabi nila Napatingin naman ako sa gawi ni Jerald na nakatingin na din pala sa akin at may nakakalukong ngiti pa nga ang mukong "Tssk!" pinandilatan ko na lang ito ng mata "Girls behave baka matakot sa inyo ang new classmate niyo niyan eh" pabirong sabi ni Sir "Sige na Mr. Navarro maupo kana start na tayo ng klase" Tanging tango na lang ang tinugon niya kay Sir Alvin at nag hanap na ng bakanteng upuan "Nga pala Mr. ano nga pala ang huling lecture niyo sa Math? Patingin nga ng notebook mo minsan kasi sa ibang school may nauuna at may nahuhuli na lesson eh" paliwanag ni Sir Nanatili lang kaming tahimik at pinapanood lang silang dalawa hanggang sa pag bigay nito ng notebook kay Sir Alvin at inumpisahang ibuklat ito. "Hmm' huli pala kayo' siya sige sasabay na lang kita kay Cap Aya mamayang after Lunch" Nanlaki bigla ang mga mata ko oo nga pala may special lecture din pala ako kay Sir Alvin dahil sa mga nakaligtaan kong ngang mga subject. "Hindi po pwedi!" Pati din ako nagulat sa nasabi ko biglang napatingin naman sila sa akin napalunok na ako ng laway ko kasi pati si transferre nakatingin na din sa akin ba't ba ako na te-tense ngayon "Why?" takang tanung naman ni prof "A-ano po kasi may laro po kami mamaya kaya hindi po ako pwedi" napakamot pa ako batok ko no ba yan ano ba nangyayari sa akin "Oo nga pala, okay unahin ko na lang muna si Mr. Navarro but Aya you need to catch up on our lecture okay" "Y-yes po Sir" At nagpatuloy na nga magsulat si sir sa blackboared para sa ede discuss sa amin. Nakahinga hinga ako ng maluwag luwag 'Peew ligtas' Palihim akong tumingin sa bagong transferre na busy na din sa pagsusulat hangang sa nagawi ang tingin ko sa pinsan kong may saltik aba ayon nga nakating din pala ito sa akin at para nakita niya yong palihim na pag sulyap ko don sa transferre at ngumisi ito ng nakakaloko "tsshhkk sarap mong dagukan" pabulong kong sabi "Bleehh" aba nag belat pa nga, isip bata talaga Napainat ako ng braso ng natapos na namin ang 2nd subject namin. At tumingin ako sa orasan, time to laro na excited na naman ang lola niyo kaya agad naman ako nagligpit ng mga gamit ko. "Hoy!" "Hoy ka din!" Yong may saltik kong pinsan na naman "Good luck sa laro niyo insan" sabay akbay at gulo ng buhok ko "Ano ba! tigil na nga" inis na suway ko dito "Ito naman" sabay bitaw at umasta pang parang nagtataampo "Tssk! thank you" pa cute ko na lang na sabi, baka magtampo nga, nauna na itong lumabas "Good luck Cap" sabi naman ng ibang classmate namin "Salamat sa inyo" Iwan ko ba at may sariling mundo ang mga mata ko at napasulyap pa nga don sa transferre na busy sa pag ligpit ng gamit niya. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siya tumingin sa akin kaya bigla akong umiwas at nagmadaling lumabas Nagmadali na din akong magpalit ng damit panlaro Pagdating ko sa court nandon na sila Coach at kumpleto na din ang team namin nag uumpisa na din silang mag warm up. "Coach ayan na po pala si Cap eh" si Ella "Aya?" tawag sakin ni Coach Philip papalapit sa akin "Bakit po Coach?" "Kamusta kayo ng Tatay mo?" Napabuntong hininga ako oo nga pala alam niya din kasi na ayaw ni itay na mag Volleyball ako "Ayon po pinagalitan ako" "Paano iyan, itutuloy mo pa ba?" "Opo coatch hanggat di niya po ako napapalo di po ako hihinto sa paglalaro" natawa na lang si coach sa sinabi ko "Pasaway ka talagang bata ka ako naman ang malalagot nito sa tatay mo eh" napailing na lang ito "Siya sige mag warm up kana" "Opo Coach" Saka din nag datingan ang dalawang grupo isang grupo ng mga babae at isang grupo ng mga lalaki "Sila na ata yan Cap ang makakalaban natin" napalingon naman ako "Ang tatangkad ahh" sabi naman ni Ella "Basta alam niyo na guys ha' wag kayong mag concentrate sa tangkad at kahusayan ng kalaban natin dapat naka concentrate tayo sa bola" sabi ko sa kanila "Dahil kapag doon lang tayo naka concentrate sa kanila maduduwag tayo" dugtong ko pa "Hindi pweding mawala sa atin ang Team work, ang tiwala at magkaisa dahil lalo tayong lalakas kapag meron tayong ganon" at nilahad ko pa ang isa kong palad ganon din sila "Kaya natin to!" "Yes Cap!!" sigaw nila ~~~~ Nagpapahinga na kami sa may beanch, inaantay na din namin mag umpisa ang laro ng Team Boys natapos na kasi kami kaya ang mga Team Boys naman ang maglalaro. "Grabi panalo na naman ang manok natin" "Sikat na naman ang school natin nito lalo na sila Cap Aya" "Oo nga ang galing nila lalo na si Cap Aya ang galing magpalakas ng kakampi niya" Halos naglalakihan na naman ang mga tenga namin ng marinig namin ang mga papuri ng mga kapwa namin estudyanteng nanoood sa laro namin "Totoo nga nababalitaan namin magaling daw ang inyong Team, Congrats ah" wika ng isa sa nakalaban namin kasama niya din yong iba niyang ka team. "Hindi naman, pero thank you" pa humble na sagot ko "Ikaw ang Captain ball diba?" "No kaba' halata naman sa mga galawan niya kanina eh" bulong naman nung kasama niya "Sinisigurado ko lang kasi baka magkamali ako ng mapagbigyan ko nitong regalo ni Marco" "Ano daw" sa isip ko "O-opo" "May crush kasi sayo yong isa naming ka team" "Pinapabigay nga pala ito sayo andon siya ohh " inilahad nito ang hawak hawak niyang maliit na box at napatingin naman kami sa tinuro niya kung saan naka nakatayo yong nagpapabigay "Inferness Cap Aya ang gwapo niya ah" Si Marga "Uuy si Cap oh" si Ella at siniko pa nga ako sa tagiliran "Iba ka talaga Captain" tukso pa nila "At mukhang matagal ka niyang crush kasi pinaghandahan niya pa nga iyang regalo para sayo "See' may pa box pa nga ang prince charming niyo Cap" "Sorry pero di ko matatangap iyan" "haa? a-ano?" halos sabay nilang sabi Natahimik kami ilang sigundo "Pero malulungkot kasi iyon kapag di mo tinanggap itong regalo niya sayo" "Sa pagkakaalam ko matagal niya na tong pinaghandaan" dugtong pa nito "Sorry talaga" Ako "Tanggapin mo na Cap" bulong sa akin ni Ella "A-YO-KO" pagmamatigas ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD