bc

Our LOVE PLAYBOOK

book_age18+
36
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
heir/heiress
sweet
scary
campus
rejected
like
intro-logo
Blurb

I love you captain ball

Volleyball na talaga ang hilig ni Ayalyn kahit bata laging siyang nanonood kapag may pa league sa kanilang barangay sa volleyball, kaya naman nung tumungtong na siya ng high school agad niyang kinuha ang pagkakataon na makasali sa sport na volleyball at dahil nakitaan na agad siya ng kahusayan sa paglalaro ng kanyang coatch ginawa siya nitong Captain sa kanilang team.

Ngunit di sumasang ayon dito ang kanyang itay.

Lalo na din ang kanyang Enemy na Friend daw niyang si William Navarro.

Si William Navarro naman ay isang 3rd year transfere na may gusto naman sa pinsan ni Ayalyn na si Yna kaya choice niyang makipag kaibigan kay Ayalyn para maka da-moves ito sa pinsan niya.

Sa tuwing mag kasama naman silang dalawa parang aso't pusa na kung mag bangayan ang dalawa, hanggang sa tumagal nag kagusto na din si Ayalyn kay William.

chap-preview
Free preview
Chapter One
THIRD PERSON: "Ayoko nang makitang kang humahawak ng bola ha!!" galit na wika sa kanya ng kanya itay "Sige itay sisipain ko na lang po" pabirong sagot nito "Aba't! talagang ikaw na bata ka pilosopo ka! Gusto mo ikaw sipain ko diyan Ayalyn!" "Pero itay pag ba-volleyball na po talaga ang gusto ko- "Tumigil ka Ayalyn!!" Napabuntong hininga na lang siya at nakatitig lang siya sa kanyang itay "Sige,.. lilipat na lang ako sa Gymnastic- "Hindi pwedi!" pagtutol parin nito "Eh' Ano pong gusto niyo?! jack stone na lang sport ko tay- aray!! napaigik naman siya ng batukan siya ng kanyang itay. "Nay ohh! si tatay nananakit na!" sumbong naman niya sa kanya ina na kakarating lang at agad naman siyang nagtago sa may likuran nito "Ikaw nga kumausap diyan sa anak mo Melisa!" "Ano na naman ba nangyayari sa inyo mag ama?" ang pag lapit naman ng kaniyang inay sa kanila. "Iyang anak mo sobrang tigas na talaga ng ulo ayaw akong sundin sabi ko sa kanya tigilan yang Volleyball na iyan buti sana kung walang asthma iyan!" "Tay nung bata pa po ako noon' ngayon hindi na po ako inaatake ng asthma ko, simula po nung naglalaro ako ng volleyball di na ako inaasthma" "Ayoko parin" "Eh un nga po ang kylangan ko itay ang ma exercise ang katawan ko isa din sa mga gamot iyon" "At sino may sabi sayo ng ganyan?! Eh paano kapag nabalian ka ng buto gamot din ba sa asthma mo iyan?!" "Itay naman eh'!" "Ay! bahala ka na nga sa buhay mo Ayalyn ang tigas talaga ng ulo mo! Kapag na aksedinte ka di lang ikaw ang ma aapektuhan pati din kami ng nanay mo di yang mga kasama mo!" Natahimik na lang siya at tumingin sa kanyang ina "Nay?" Narinig niyang napabuntong hininga na lang ang kanyang inay "Tama ang itay mo Aya kaya makinig ka naman sa amin" Imbes na sumagot pa siya mas pinili na lang niyang manahimik at tumungo sa kanyang silid "Pagsabihan mo yang anak mo ha!" "Tama na!" saway naman ng nanay niya Ayalyn Pov" "Good morning Cap" bati sa akin ng mga nakakasalubong ko kapwa ko estudyante. Nakasanayan ko na din Cap in short captain tawag nila sa akin kahit mga guro dahil sa ako ang Team Captain ng Volleyball simula 1st Year hanggang ngayon 3rd Year High School na ako. Noong Elementary pa lang ako talagang gusto ko na ang pag ba-volleyball kaya naman ng tumungtong ako ngayon ng high school at nag Zonal Meet diko na pinalagpas pa ang pagkakataon na makasali ako sa Team Volleyball hanggang sa mga ibang event at pakikipagdayo sa ibang school minsan naman kami yong dinadayo ng ibang school makalaban lang kami. Syempre kaylangan ginagalingan ko for the records and Good Grades pero hindi lang syempre sa pagiging atleta ko lang kaya matataas ang grades ko no' kahit papaano naman may pagka brainy din po ang manok niyo. "Good moning ate Aya" Minsan ate Aya "G-good morning sa inyo" naka ngiting bati ko sa kanila at ngumiti din ang mga ito, Pinagpatuloy ko na ang paglalakad patungo sa room namin "Cap!!?" tawag naman sa kanya ni Ella isa sa team niya "Ella? bakit?" "May laro daw po tayo mamayang 10:30 am" "Nasabihan mo na ba ang ibang team natin?" "Hindi pa po ngayon lang nasabi sa akin ni coatch, pero papunta na nga din po ako sa kanila" napakamot sa batok "Sige, samahan na kita" "Sige po" "Tayo lang ba girls ang may laro? Ang mga boys?" "Diko lang po alam wala naman po sinabi si coatch eh" "Ah' okey" Tumungo na nga kami sa mga room ng iba naming team "Dito na lang ako sa pinto Ikaw na Ella pumasok sabihan mo na sila Marga at Eunice" "Okey"- Si Ella na lang pinapasok ko kasi sa akin na naman nakatingin ang mga estudyante nailang ako bigla. "Uyy!! yong captain ng volleyball andito sa room natin" boy 1 Nagkunwari na lang akong diko sila naririnig "Oo nga' ang ganda niya talaga" boy 2 Oh diba ang ganda ko daw "Liligawan ko sana kaso parang wala akong pagasa sa kanya wala ata sa standard ko ang hinahanap niya" may halong lungkot na sabi naman ng boy 2 Oo wala pa talaga sa listahan ko iyang magpaligaw ligaw, dahil naka fucos ako sa Volleyball at pag aaral ko malalagot tayo sa tatay ko kapay mababa ang mga grades ko. Pero syempre nakakataba ng puso kapag maraming may humanga sayo. "Buti naman at alam mo pre, at ang alam ko ang dami nanliligaw diyan walang nakapasa ikaw pa kaya hahaha" natatawa na sabi naman ng kasama niya "Ano pre? Lapitan natin babatiin lang natin?" boy 1 "A-ayoko n-nahihiya ako, kayo na lang" mautal utal na wika nito "Tara na!" pagpupumilit ng kasama niya "H-hello Cap" naka ngiting bati ng mga to sa kanya "Hello sa inyo" ningitian ko din sila syempre hindi naman ako snobera uy tsaka kasi bawal sa aming mga atleta ang may attitude kalas ka sa Team kahit gaano kapa kagaling kaya dapat maging friendly sa kanila pero hindi lang dapat sa shcool niyo kahit saan ka man pumuntang ibang school o saan lugar man. "Ma-may laro kayo Cap?" mautal utal na tanong nila na napangiti naman ako lalo sa kanila "Oo meron" sagot ko sa kanila at sabay ngiti ko sa kanila Ilang segundo natula pa sila sa akin "A-Anong oras" halos sabay nilang tanong "Mamayang 10am" napansin ko din na namumula na ang mga pisnge nung isa nilang kasama at napahawak naman sa kanyang dibdib "A-ano po k-asi" "Let's go Cap" biglang sabi ni Ella "Okey na' nasabihan mo na sila?" "Opo" "Alis na kami" paalam ko sa mga to at nginitian ulit sila "Manonood po kami sa Laro niyo Cap" pahabol na wika pa isa sa kanila Tanging kaway at ngiti na lang ang sinagot ko sa kanila. At pinuntahan pa namin ang iba pa namin ka team. "Punta na din ako sa room namin Ella" paalm ko naman dito ng natapos na namin sabihan ang mga ka team namin "Sige po" Pagdating ko sa classroom namin agad naman lumapit ang tipaklong este ang pinsan kong si Jerald napabuntong hininga ako alam ko na naman kasing aasarin na naman ako nito wala na kasi itong ibang ginawa kundi inisin at sirain ang araw ko dito lang ako masungit. "Insan?" "Bakit?" inis na sagot ko "Ito naman' nakasalubong na naman iyang kilay mo" "Tssk" "May bagong transferee daw sa atin" "oh' talaga?" hanggang sa pag upo ko sa upuan ko umupo din ito sa tabi ko "Oo balita ko gwapo daw" may pag siko pa ito sa kanya "Tssk' Oh ano naman" "Malay mo siya na ang Prince Charming mo para naman di kana namin napapagkamalan tumboy at-" Agad ko siyang binatukan, diba I told you guys di siya titigil hanggat di ako mainis "Baliw! ako na naman trip mo Jerald" "Aray naman! ang lakas non ah!" reklamo nito habang hinihimas ang batok "Mas malakas iyang trip mo sa akin kaya manahimik ka diyan kung ayaw mong mapangalawahan" at umamba pa nga ako' nakatingin na din pala sa amin ang mga kaklase namin, wala' sanay na din naman sila na ganito kami maglambing mag pinsan. "Ito naman' binibiro lang eh" sabay tayo at nagtungo sa pwesto niya Tiningnan ko na lang siya ng masama aba pinan dilatan pa nga ako ng mata "Tssk!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.5K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.5K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook