Clara: Prologue

207 Words
Naglalakbay sa pagitan ng tama at mali. Sumasabay sa agos ng oo at hindi. Iniisip kung tama nga ba ang desisyon ko. Nanghuhula kung mali nga ba ang tinatahak ko. Kung tatanungin ako kung ano yung mga bagay na pinagsisihan ko. Ito ay ang mga panahong wala akong magawa sa mga mabibigat na sitwasyong dinanas namin. Mga panahong walang wala kami at wala akong magawa para saamin. Iyong siya na lang ang gumagawa ng paraan, habang ako'y pinapanuod na lang ang mga bagay na nangyayari. Ilang taon na noong plinano ko siyang iwan. Sa desisyon kong iyon ang nagbago sa 'king kwento. Sa desisyong iyon ang nagbago sa'king pagkatao. Kahit pilit kong limutin ang mga ala-alang iyon. Araw-araw pa rin akong hinahabol. Iniisip ko kung tama ba ang ginawa ko? Iniisip ko kung tama ba ang sakripisyong ibibigay ko? Iniisip ko kung ano ako kung hindi ko ginawa ang mga bagay na iyon. Masaya na ba siya ngayon, kasi ako hindi. Kasi hangang ngayon hindi ko pa rin alam ang mga bagay na gusto ko o pangarap ko. Kasi hangang ngayon pilit ko pa ring ibuo ang sarili ko. Kasi ngayon hinahanap ko pa rin ang ladas ko. Gusto mo ba malaman ang kwento ng buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD