Clara: Uno

1167 Words
"Chio saglit hintayin mo ako!" sigaw ng isang babae habang habol habol niya ang kanyang kaibigan. "Ano ba naman iyan Clara ang tagal tagal mo maglakad" reklamo ng kanyang kaibigan habang papunta sila sa kanilang paaralan. "Aba! Kasalanan mo iyan. Ang tagal tagal mo kasi gumising." ani ni Clara kay Chio. Nakikitira lang kasi si Clara sa kanilang tahanan simula noong mamatay ang kanyang magulang sa aksidente. Malapit na magkaibigan ang magulang ni Chio at Clara kaya kinupkop na nila si Clara noong mangyari ang aksidente na iyon. "Kasalanan ko bang sa'kin mo pinasagot ang iyong takdang aralin dahil hindi mo alam" argumento ni chio kay clara. Sa kanilang pagbabangayan hindi na sumagot si Clara sa reklamo ni Chio. Hangang nakarating na sila sa kanilang paaralan at dumeretso sa kanilang klase. "Chio anong pangarap mo?" Tanong ni Clara kay Chio habang kumakain sila ng kanilang recess. "Madami akong pangarap, Clara. Pero sa engineering doon ko nakikita ang sarili ko." Nakangiting bangit ni Chio habang nakatitig kay Clara. "Ikaw ba?" Tanong ni Chio. "Chio, hindi ko alam. Araw araw ko tinatanong sa sarili ko, kung saan ba ako, kung ano nga ba ang gusto ko. Kasi napapansin ko nakadepende na lang ako sa agos ng buhay ko." Malungkot na sambit ni Clara. "Malalaman mo rin yan." Sabi ni Chio habang titig na titig siya kay clara. "Halika na baka magumpisa na ang susunod na klase natin." dugtong na bangit ni Chio. Habang palakad sila papunta sakanilang silid-aralan. Mayroong nakabangga kay Clara kaya natapunan ang kanyang uniporme. "Ano ba yan! Harang harang kasi ang isang basurahan." Mataray na bangit ni Peony. Si Poeny ay isang Student Council President. Matalino siya at bukod doon lagi siyang sumasali sa mga pageant dahil maganda ang kanyang appeal. Madami ring nagsasabi na may gusto siya kay Chio kaya malaki ang galit niya kay Clara. Dahil malapit silang magkaibigan sa madaling salita nag seselos siya. "Pasensya na hindi ko sinasadya" takot na takot na sabi ni Clara kay Peony. "Umalis ka nga dyan lampa. Oh! Hi Chio" Sabi ni Poeny. Hindi pinansin ni Chio si Poeny dahil bigla niyang hinila ang braso ni Clara patungo sa locker room. "Mag palit ka, Ito yung damit mo." Mahinahong sabi ni Chio kay Clara. Natapos magpalit ng damit si Clara naglakad na sila papuntang silid aralan. "Pasensya na kanina, hindi ko talaga sinasadya yung nangyari." Malungkot na sambit ni Clara. "Wala kang kasalanan. Si Poeny ang may kasalanan sinadya niya iyon kitang kita ko. Sa susunod iwasan mo na siya baka mapahamak ka pa." Ani ni Chio "Iniingatan pa naman kita" mahinang bulong niya at hindi naman narinig ni Clara. "Chio, sabado bukas ano balak mo?" Tanong ni Clara habang palakad sila pauwi. Malapit lang naman kasi ang kanilang paaralan sa kanilang tinitirahan. Kaya kayang kaya nila itong lakarin. "Ah bukas? hindi ko alam e" Sabi ni Chio sabay kamot sa ulo na para bang may iniisip. "Tara ligo tayo sa may talon. Tagal na nating hindi pinupuntahan iyon e." Masayang sabi ni Clara. Bakas sa mukha niya ang tuwa habang binabanggit niya ang gusto niyang gawin bukas. "Bukas ba? Ehh" ani ni Chio. "Oo bukas" "Bakit parang nag aalanganin ka? Ayaw mo ba? May gagawin ka ba bukas?" Tanong ni Clara. Bakas sa mukha niya ang lungkot dahil mukhang ayaw ni Chio ang balak ni Clara. "Ah hindi, hindi sige bukas punta tayo roon." Sabi ni Chio kay Clara. Tuwang tuwa naman si Clara sa sinabi ni Chio kaya naman masayang masaya siya habang naglalakad. "Pangako yan ah" "Oo naman pangako" nakangiting sabi ni Chio "Oh Clara, Chio nakauwi na kayo" galak na galak na banggit ng magulang ni Chio. "Maganda hapon po Tita Arianne" magalang na sambit ni Clara tyaka siya nag mano pagbibigyan galang. "Oh iha, kamusta ang pag-aaral, pinabayaan ka ba doon ni Chio?" Pagbibiro ng ina ni Chio. "Maayos naman po Tita." natatawang sambit ni Clara tyaka siya tumingin kay Chio. "Ma, ano nanaman po ang pinagsasabi niyo kay Clara. Eh, Todo ingat nga ako dyan e." Biglang singit ni Chio tyaka siya nag mano. "Ohh kayo pasok na kayo rito mag didilim na." tawag ng ama ni Chio habang nakasilip sa kanilang bintana. Lumapit naman sila tyaka nag mano. "Kumain kayo ng marami" Sabi ng ina ni Chio habang sila ay kumakain. "Opo ma" "Ikaw kumain ka ng marami" sermon sa'kin ni Chio habang nilalagyan niya ng mga ulam ang aking plato. "Ikaw din kumain ka ng marami" bangit ni Clara sa kanya. "Ngapala Chio kamusta iyong pinapautos ko na ibigay mo sa anak ng kaibigan ko?" tanong ng ama ni Chio sa kanya. "Ok naman po, pa" sagot ni Chio. "Ahh, Tita bukas po pupunta po kami ni Chio doon sa talon. Pwede po ba?" Tanong ni Clara "Oo naman. Mabuti yan at gumala gala kayo rito sa ating bayan. Kay tagal niyo na hindi pumunta roon ah" Sabi ng ina niya. "Tyaka pumunta rin kayo roon sa mga niyog. Iyong palm tree road malapit lamang iyon sa ilog. Magandang mamasyal roon dahil mapayapa at ang ganda ng simoy ng hangin." dagdag pang sabi. "Talaga po ba tita?" Masayang sambit ni Clara at mukhang na enganyo sa kwento ng ina ni Chio. "Oo, maganda roon pumunta kayo kung gusto niyo tutal hindi niyo pa na dadalaw iyon." Sabi ng ina ni Chio tyaka itunuloy ang kanyang pagkain. Matapos ang kanilang pagkain tumulong sa pag aayos sa mga plato si Clara. "Tita kami na po ni Chio magliligpit ng mga Ito. Magpahinga na po kayo" Magalang na sabi ni Clara nung pansin niyang tumutulong din ang Ina ni Chio. "Ayos lang ba sainyo mukhang pagod na pagod kayo galing sa paaralan." "Ayos lang po kami ma, wala naman kaming ginawa kanina dahil ng leksyon lang po ang aming guro." ani ni Chio. "Ah sige, pagtapos niyo dyan mag pahinga na kayo. Aakyat na ako sa itaas." ani ng kanyang ina. "Opo ma" sambit ni Chio. "Chio ako na mag babanlaw nyan, mag sabot ka na lang ng mga plato at baso." Sabi ni Clara. "Ahh sige, ang nga pala Clara may nakalimutan akong ibigay sa'yo kanina." Sabi ni Chio. "Ha, ano yun?" nag tatakang sambit ni Clara. "Bukas ibigay ko na lang sa'yo." Nang matapos na silang magligpit sila Chio at Clara. Pumunta na sila sa kanya kanyang silid. Pero biglang may kumatok sa kwarto ni Clara si Chio. "Bakit?" tanong ni Clara nung binuksan niya ang kanyang pinto. "Ahh. Anong oras tayo bukas?" tanong ni Chio sa kanya. "Mga 8? kasi maganda maligo roon kapag maaga-aga pa, tapos punta tayo sa palm tree road na sinasabi ni Tita." nakangiting banggit ni Clara. "Sige." Sabi ni Chio at mukhang paalis na siya. Pero bigla siyang humarap at tinawag si Clara na pasara na sana nang pinto ng kanyang kwarto. "Clara." tawag ni Chio. "Ano iyon?" "Good Night." banggit niya habang titig na titig kay Clara "Good Night din Chio" nakangiting bangit ni Clara. "See you tomorrow" Sabi ni Chio tyaka umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD