"Chio tara na dali" nag mamadaling tawag ni Clara sa kanyang kaibigan. Bakas sa mukha ni Clara ang excitement. Dahil ngayong araw ay pupunta sila ng kanyang kaibigan sa Taktak Falls. Isang magandang Talon sa Siargao.
"Ano ba Clara bakit ka nag mamadali?" Nagtatakang tanong ni Chio.
"Syempre naman Chio kay tagal na rin tayong hindi pumupunta roon, dahil masyado tayong abala sa ating mga aktibidad. Tyaka pupunta pa tayo doon sa palm tree road dalhin mo camera mo ah." Mahabang rason ni Clara.
"Oo na, ayos na ba iyong mga daldalhin na'tin?" tanong ni Chio sa kanya. "Oo ayos na" nakangiting sambit ni Clara.
"Alam mo ba Chio kay agang gumising niyang si Clara. Mukha ngang hindi pa nakakapunta sa Talon e." natatawang kwento ng kanyang ina.
"Hala! Tita bakit niyo naman po kwinento may pang asar na tuloy siya sa'kin." ani naman ni Clara.
"Ikaw ah sobra naman yang pagka excite mo" pang aasar ni Chio.
"Tse!" pikon na saad ni Clara
"Mag almusal muna kayo bago kayo umalis" pag aalala ng ama ni Chio.
"Opo" sabay nilang banggit.
"Ma, Pa alis na po kami" pag papaalam ni Chio sa kanyang Ina.
"Tito, Tita alis na po kami" ganun ding sambit ni Clara.
"Mag ingat kayo" sabi naman nila.
"Clara angkas, hawak ka nang mahigpit" Sabi ni Chio.
Nilakbay nila ang isang bayan sa Siargao gamit ang bisikleta. Maingat ang pag-padyak ni Chio upang hindi sila matumba. Dahil malapit lang ang kanilang distinasyon madali lang silang nakapunta roon. Wala pang tao at sila lamang ang na roon. Malakas at malinis ang agos ng tubig at ramdam ang lamig ng simoy ng hangin. Naririnig ang mga huni ng ibon at berdeng berde ang kulay ng paligid. Malalaki rin ang mga bato sa paligin ng talon at kitang kita kung gaano kalalim ang tubig, dahil sa linis nito at sinag ng araw.
"Ang ganda talaga rito, Chio" sabi ni clara. dali dali siyang bumaba at lumangoy sa tubig suot ang paligong damit.
"Chio halika na!" pag-yaya niya kay Chio na patuloy pa ring kumakuha ng mga litrato.
"Clara harap" utos niya sa kanyang kaibigan ngunit hindi niya ito pinapansin dahil patuloy pa rin itong lumalangoy.
"Clara harap dali ang ganda ng paligid" dahil sa kanyang ulit na pagsabi humarap na ang kanyang kaibigan.
"Clara rito ka banda ang ganda ng view." utos ni chio na agad namang sinunod ni Clara.
"Pagkatapos nito maligo ka na rin ah" makulit na banggit ni Clara.
"Oo, sige ayos na maligo ka na ulit" natawang sabi ni Chio na patuloy pa ring kumukuha ng litrato sa paligid.
Habang sumisisid si Clara pailalim biglang tumalon si Chio at sumisid din. Umahon silang sabay at yakap ni Chio ang likod ni Clara.
"Ano ba bakit bigla kang tumalon nagulat ako sa'yo." reklamo niya sa kanyang kaibigan.
"Hala Clara sorry nasaktan ba kita?" pag aalala ni Chio tyaka niya pinaharap ang kanyang kaibigan.
"Sorry talaga clara hindi ko sinasadya."
"Binibiro lang kita ano ka ba" Natatawang banggit ni Clara. Malungkot namang tumingin si Chio kay Clara kaya niya Ito niyakap. "Hoy! Chio bakit?" tanong ni Clara.
"Wala lang" sambit niya tyaka ngumiti.
"Ang ganda mo talaga" dagdag niyang sambit.
"Nagbibiro ka nanaman, Tara na nga kumain na tayo." pag-yaya niya kay Chio.
Sabay silang umahon at ipinatong ni Chio ang tuwalya sa balikat ni Clara.
"Ang ganda talaga rito, isa ito sa hindi ko makakalimutan sa Siargao kung sakaling aalis ako rito." Nakangiting minamasid ni Clara ang paligid at tumingin kay Chio.
"Ako rin pati rin ikaw, tyaka hindi ka naman aalis diba? Hindi mo ako i-iwan." tanong niya sa kanyang kaibigan
"Oo, naman hindi kita i-iwan." mabilis na sagot ni Clara.
"Halika na mag-bihis na tayo" Sabi ni Chio at tumayo.
Binaybay ni Chio at Clara ang Siargao patungo sa palm tree road. ramdam ni Clara at Chio ang init ng araw na dumadapo sa kanilang balat. Matapos ang ilang minuto nilang binaybay nakarating na sila sa kanilang patutunguhan. Bumaba si Chio at Clara sa bisikleta. Tyaka naglakad lakad sa paligid.
"Clara pwesto ka dyan" pagtawag ni Chio kay Clara.
"Chio ginagawa mo ba akong modelo mo?" natatawang sambit ni Clara.
"Ayan ang ganda mo" pagpupuri niya sa kanyang kaibigan
"Ikaw rin Chio kunan kita ng litrato"
"Ayoko" ani ni Chio
"Dali na, first time ko kumuha tyaka gusto ko ikaw first na kukunan ko ng litrato" Dahil sa sinabi ni Clara ibinigay ni Chio ang camera sa kanya at dali daling pumwesto.
Pagkatapos kunan ni Clara si Chio ng litrato, tinignan ni Clara ang kanyang kuha. "Hala Chio para kang artista" pagpupuri ni Clara.
"Tumigil ka" nahihiyang sambit ni Chio.
"Totoo nga."
"Clara halika rito sa tabi ko." lumapit naman si Clara.
"Kuya, pwede po bang kunan mo kami ng litrato." tanong ni Chio sa lalakeng nakatayo sa gilid ng niyog.
"Pwede naman" sagot ng lalake kaya naman inabot ni Chio ang kanyang camera.
Pumwesto silang dalawa tyaka kinunan ng litrato. "Ok na" sambit ng lalake. "Salamat po." sagot ni Chio at kinuha niya ang kanyang camera. Habang tinitignan ni Chio ang kanilang litrato. Kita niya sa litrato ang pag-akbay niya kay Clara at pareho silang nakangiti.
"Wow, ang ganda ng kuha na'tin" Biglang singit ni Clara kaya naman nagulat si Chio. "Oo nga, magandang i-display" pag-sangayon niya sa kanyang kaibigan.
"Tara na Chio" Sabi ni Clara.
"Ha? Saan?" nagtatakang tanong ni Chio.
"Ha? edi ibisikleta natin itong palm tree road." ani ni Clara
"Dali na Chio, diretso na rin tayo sa ilog" tuwang tuwa niyang sambit.
"Oo na teka"
Binisikleta ni Chio ang palm tree road. Habang nakatayo sa bisikleta si Clara itinaas niya ang kanyang kamay at nakahawak ang isa niyang kamay sa balikat ni Chio. Puno ng nagtataasang niyog ang paligid. Dagdag pa rito ang liwanag ng araw dahilan sa nagpapaganda ng paligid. Bakas sa mukha ni Clara ang pagkamangha ganun na rin kay Chio.
"Chio ang ganda ganda rito, sa susunod na araw bisita ulit tayo ah" Sabi ni Clara kay Chio.
"Oo naman" pag-sangayon ni Chio.
"Diretso na ba tayo sa ilog?" tanong ni Chio.
"Oo diretso tayo."
Nang makarating sila sa Maasin River. Sabay silang bumaba at iginilid nila ang bisikleta. Kitang kita sa tanawin na napapaligiran Ito ng niyog at gitna nito ang ilog. Kulay asol ang tubig at damang dama ang hangin at araw. May ilang taong namamangka at nag babalsa.
"Halika Clara hiram tayo ng balsa" Sabi ni Chio.
"Teka pwede ba iyon?" Tanong niya
"Kung hindi natin susubukan hindi natin malalaman" Argumento ni Chio.
"Halika na" dagdag ni Chio tyaka kinuha niya ang braso ni Clara.
Matapos nilang makahiram ng balsa sumakay na sila rito. Pinabayaan nila ang agos kung saan turungo ang balsa. Kumukuha ng litrato si Chio kay Clara pati na rin sa kanilang paligid.
"Chio, kung sakaling aalis ka ng Siargao saan mo gustong pumunta?" tanong bigla ni Clara habang tumitingin sa paligid.
"Kahit saan basta kasama ka." sagot ni Chio.
"Hindi lahat ng bagay nasa tabi mo ako, Chio." ani ni Clara
"Gusto ko kasama kita lagi"
"Paano pag may iniibig ka na?" tanong ni Clara.
"Ah basta gusto ko andito ka palagi." sambit ni Chio.
"Masasabi mo lang iyang ngayon." ani ni Clara tyaka ngumiti siya rito.
"Ayaw mo ba ako kasama?" bakas sa mukha ni Chio ang lungkot habang tinatanong sa kanyang kaibigan.
"Gusto, bakit?" sagot at tanong ni Clara
"Ah wala, ikaw ba saang lugar gusto mo mapuntahan?" tanong ni Chio
"Kung sa Pilipinas gusto ko mapuntahan ang Baguio. Kung sa Ibang bansa naman gusto ko sa Japan." sambit ni Clara.
"Bakit naman doon mo gusto pumunta?"
"Kasi alam kung maganda ang tanawin doon. Tyaka iyon yung gusto ko, kaya pag may pera ako pupuntahan ko yun." Sabi niya sa kanyang kaibigan.
"Sige sabay tayong pupunta roon, kasi gusto ko pag nakakamit mo yung pangarap mo at gusto mo. Gusto ko andoon ako." Ani ni Chio at tumingin siya kay clara.
"Ako rin gusto ko andoon ako pag nakakamit mo yung pangarap mo." ani ni Clara tyaka siya tumingin kay Chio na nakangiti.
"Hala uwi na tayo mag gagabi na." Alalang banggit ni Clara.
"Sige tara na"
Habang pauwi si Chio at Clara inabot na sila ng dilim. Tumingin si Clara sa langit at tinignan ang bituin.
"Chio tignan mo yung langit." sambit bigla ni Clara.Tumigil sa pag bibisikleta si Chio at tumingin.
"Ang ganda ng bituin" mahina nitong bulong.
"Oo napakaganda." Sabi niya at lumingon kay Clara tyaka bumalik sa pag bibisikleta.
Gabing gabi na ng makauwi si Chio at Clara.
"Kamusta ang pag punta? Ginabi na kayo ah" Tanong ng ina ni Chio. "Mabuti naman po, pasensya na po Tita ginabi kami, sobrang ganda kasi ng tanawin" Sabi ni Clara at sabay silang nagmano ni Chio. Ganun din ang ginawa nila sa ama ni Chio.
"Mukhang nag enjoy kayo" Sabi ng ama ni Chio.
"Oo nga po, papa itong si Clara tuwang tuwa." kwento ni c
Chio.
"Ikaw din kaya kuha ka nang kuha ng mga litrato" Singit ni Clara sa usapan.
"Sabi mo dalhin ko, anong kwenta nun kung hindi ako kukuha ng mga litrato." sagot naman ni Chio.
"Tama na yan, oh siya kumain na kayo mukhang nagutom kayo" pag yaya ng ina ni Chio.
"Opo, Tita kumain na po ba kayo?" tanong no Clara habang sumasandok ng kanin.
"Oo iha kanina pa, kumain na kayo diyan at pagkatapos niyo magpahinga na kayo, dahil alam ko na pagod kayo." Sabi ng ina ni Chio habang paakyat sa ikalawang palapag.
"Kumain ka ng madami" pag aalala ni Chio kay Clara.
"Ikaw din kumain ka ng madami dahil pagod na pagod ka sa pag-bibisikleta." sambit ni Clara.
"Ako na rin mag liligpit nito magpahinga ka na" dagdag pa niya.
"Hindi, tutulong ako sa'yo." sambit ni Chio.
Tyaka sila nagpatuloy sa kanilang pagkain. Matapos silang kumain at magligpit ng kanilang pinagkainan. Nagtungo na sila sa kanilang silid. Habang nag aayos si Clara ng kanyang higaan may kumatok sa kanyang silid.
"Ano yun?" Sambit niya tyaka binuksan. "Ah Clara para sa'yo." Sambit ni Chio tyaka isinuot kay Clara ang bracelet.
"Salamat, pero para saan?" tanong niya "Para pareho tayo bond bracelet" Sabi niya tyaka ipinakita ang bracelet na suot niya. "Huwag na huwag mo aalisin ah" paalala ni Chio kay Clara.
"Oo naman." sagot ni Clara.
"Sige, Good Night Clara napasaya mo ako ngayong araw"
"Good Night Chio maraming Salamat napasaya mo rin ako." sagot ni Clara tyaka isinara ang pinto.
Dahil sa pagod mabilis nakatulog si Clara at ganun na rin si Chio.