Clara: Tres

1820 Words
Maagang nagising si Clara sa araw ng linggo. Pagbangon ni Clara siya ay nagsipilyo bago lumabas sa kwarto. "Magandang umaga po Tita, Tito." Bati niya sa mag asawa. "Samahan mo ako magsimba ngayon Clara tapos mamalengke." Bilin ng kanyang Tita Arianne. "Sige po Tita pagtapos ng almusal maliligo na po ako. Para maaga tayong pumunta sa simbahan." Magalang na banggit ni Clara. Pagkatapos mag simba ni Clara at kanyang Tita Arianne dumiretso sila sa palengke upang mamili ng stock na pagkain. "Anong gusto mong ulam para mamaya, Clara?" Tanong ng kanyang Tita. "Kahit ano po." Nahihiya niyang sambit. "Halika rito turuan kita pumili ng mga gulay." "Tita saan niyo po balak pag aralin si Chio sa colegio?." Tanong ni Clara. "Colegio? Ah. Ang balak ko kasi sa siyudad ng Maynila. Ang kaso balak ng ama niya ay turuan siya kung papaano patakbuhin ang taniman ng niyog doon sa iniwang hacienda ng kanyang Lolo." Pagkwekwento ng kanyang Tita Arianne. "Ah ito Clara magandang gulay Ito." Turo pa niya sa isang gulay kaya naman inabot Ito ni Clara. "Ganoon po ba?" "Oo, ikaw ba iha anong gusto mo na kurso sa colegio?" Tanong ng kanyang Tita. "Hindi ko po alam e. Wala pa akong balak." "Abay, dapat meron na dahil sa susunod na taon colegio na kayo." "Hindi ko pa po kasi alam kung ano yung hilig ko." malungkot na sagot ni Clara. "Malalaman mo rin iyan iha" Matapos ang kanilang pamimili umuwi sa kanilang tahanan sila Clara. Sakay ang tricycle kaya agad agad silang nakauwi. "Oh, nakauwi agad kayo. Kamusta ang pamimili Mahal?" Tanong ng Tito Aron ni Clara. Sabay halik sa pisnge ng kanyang asawa at kuha ng dala dalang pinamili. "Ayos lang naman nakakapagod dahil madaming tao ngayon." Sagot ng kanyang Tita. "Mano po Tito, Si Chio po pala?" Tanong ni Clara matapos ilapag ng kanyang Tito ang mga pinamili sa lamesa. "Andoon sa kanyang kwarto mukhang abala sa ginagawa ayaw paistorbo." Sagot ng kanyang Tito Bench. "Ahh sige po, Tito puntahan ko na lang po siya." Sabi ni Clara kaya dali daling nag tungo sa kwarto ni Chio. Kumatok siya sa kwarto ng kanyang kaibigan bago pumasok. "Nakarating na pala kayo" Sabi ni Chio at lumapit kay Clara. "Oo, anong ginagawa mo?" Tanong ni Clara. "Wala nag rereview lang ng mga notes may quiz daw tayo bukas sa science." "Hala oo nga pala nakalimutan ko na. Teka kunin ko reviewer ko sabay tayong mag review" Sabi ni Clara kaya mabilis siyang lumabas sa kwarto ni Chio upang kunin ang kanyang reviewer. Tahimik na nag rereview si Clara at Chio. Hindi na nila napansin ang oras dahil inabot na sila ng hapon, kung hindi pa sila tinawag ng ina ni Chio. "Mag meryenda na kayo rito." Sabi ng ina ni Chio. Nang nakita niyang pababa sa hagdan si Chio at Clara. "Opo ma, hay nakakapagod naman mag review." ani ni Chio tyaka umupo sa hapag kainan. "Hoy! natapos mo ba yung nirereview mo?" Tanong ni Clara kay Chio bago umupo. "Oo, ikaw ba?" ani ni Chio, bakas ang antok sa Boses ni Chio. "Oo rin, paulit ulit ko na ngang binabasa e." sagot ni Clara tyaka nag patuloy siya sa pagkain. Kinabukasan sabay na pumasok sa paaralan si Clara at Chio. Pagkadating nila sa kanilang silid-aralan ay agad agad silang nag review dahil unang iklaklase sa kanila a ang Science. Tahimik na nag babasa si Clara at Chio sa kanilang aklat ng biglang umingay ang kanilang classroom. Dahil dumating na ang kaibigan ni Chio. "Magandang umaga sayo Chio, ang aga mo ngayon pare ah." bati sa kanya ng kanyang kaibigan na si Edison Agustin Alcaldeza. Isa sa pinagkakaguluhan sa kanilang paaralan. Isa kasi siyang captain, varsity player sa basketball bukod pa rito top students at Student Council Vice President. "Oo nga pre ang aga mo ngayon." biglang salita ni Ian Miguel Alfonso. Isa ring sikat sa kanilang paaralan si Ian. Siya ang kanilang classroom president bukod pa rito palagi siyang nanalo sa kahit anong patimpalak na lagi niyang sinasalihan. "Oo, ayoko kasing mahuli ako ng dating sa klase may quiz kasi ngayon." ani ni Chio sa kanyang kaibigan. "Ay oo ng pala, nag review ka ba Edison." tanong ni Ian habang hinahanap ang kanyang libro. "Oo" maikling sagot niya habang nakadungaw sa bintana. "Hala anong oras na ba? bakit ba kasi nakalimutan ko na mayroong pagsusulit ngayon." pagrereklamo ni Ian tyaka binuklat ang kanyang libro. "Kahit naman hindi ka mag review memorize mo naman yang libro mo." sagot bigla ni Chio kaya napalingon ang dalawa niyang kaibigan sa kanya. "Oo nga tama naman siya pre, bakit ka mag rereview magaling ka naman sa lahat." natatawang sagot ni Edison. "Bahala nga kayo dyan." mahinang sambit ni Ian at tahimik na nagbasa. Matapos ang kanilang pag susulit sa Science nakahinga ng maluwag si Clara. Sa kanilang mga susunod na klase ay wala silang masyadong ginawa dahil nagturo lang ang kanilang guro para sa kanilang proyekto. Tumayo na si Clara upang mag recess ng biglang lumapit sa kanya si Chio. "Sasabay ka sakin?" tanong niya kay Chio habang nag lalakad sila. "Oo" maikling tugon niya kay Clara. "Akala ko sasabay ka sa mga kaibigan mo." nagtataka nitong sabi tyaka tumigil sa pag lalakad. "Ayoko wala kang kasama tyaka may meeting sila Edison sa SSG tapos si Ian nag prapractice sa declamation niya." pag papaliwanag ni Chio kay Clara bago ipagpatuloy ang kanilang pag lalakad. Nang nakarating na sila sa Canteen umupo na sa kanilang puwesto si Clara, habang umoorder ng kanilang pagkain si Chio. Matapos pumila si Chio ibinigay niya na ang pagkain ni Clara. Sabay at tahimik na kumakain silang dalawa. "Clara, ayaw mo bang makipag kaibigan sa iba nating kaklase?" tanong ni Chio. "Ayoko ayos ka na sa'kin." mahinang tugon ni Clara. "Bakit? ayaw mo ba talaga? Subukan mo kaya" nakangiting sabi ni Chio na hindi pinansin ni Clara. "Kamusta quiz?" Pag-iiba ni Clara. "Ayos lang, wala naman akong nahirapan kasi naalala ko lahat." Sabi ni Chio kay Clara bago uminom ng kanyang tubig. "Ikaw ba?" Tanong ni Chio matapos uminom. "Ok lang naalala ko rin lahat." Sagot ni Chio sa kaibigan niya. "Ahh, Clara wala ka bang balak sumali sa Club? Tinanong kasi ako ni Ian kanina sinasali nila ako sa Music Club, Baka gusto mong sumama." Tanong ni Chio kay Clara. "Ayoko hindi naman ako magaling dyan e." malungkot niyang sabi. "Sumali ka na tayo tayo lang naman. Kasi bago pa lang, maganda naman boses mo kapag kumakanta." "Sige pag iisipan ko. Pero kasi-" "Sige sabihin ko sa kanila sasama ka" Tuwang tuwa na sabi ni Chio. "Hoy! wala pa akong sinasabing sasali ako" Pagkatapos ng kanilang klase pumuntang music club si Chio at Clara. Naka tingin lang si Clara sa mga instruments dahil silang dalawa ni Chio ang tao roon. Nagulat siya bigla dahil may biglang nagbukas nang pinto. Tahimik na nakatingin si Clara kila Edison at Ian ganun rin sila sa kanilang dalawa. "Pre bakit ngayon lang kayo?" pagbasag ni Chio sa katahimikan. "May pinagawa pa kasi saamin." Sagot ni Edison. "Ngapala sali raw siya dito." Biglang sabi ni Chio kaya siya kinurot ni Clara. "Wala akong sinabing sasali ako." bulong nito kay Chio. "Oh, Hi ako pala si Edison tapos ito si Ian welcome sa music club." Pag bati ni Edison kay Clara tyaka Ito makipag kamay. "Hello rin ako pala si Clara." nahihiya ng sabi ni Clara. "Ah kilala ka na namin ikaw yung kaibigan nitong si Chio tapos yung tahimik sa klase." sagot ni Ian. "Ano palang instruments na alam mong i-play?" tanong ni Edison. "Kasi yung balak namin ni Ian ay gagawa tayo ng band, ako yung drummer. Si Ian naman yung electric guitar. Ah kayo? Mag prapractice naman tayo." Mahabang sambit pa ni Edison. "Ah Piano at Gitara lang alam ko. Tyaka hindi naman ako magaling." Mahinang tugon ni Clara. "Kumakanta yan" Singit ni Chio kaya siya tinarayan ni Clara. "Hindi naman ako magaling kumanta." Dagdag ni Clara. "Di ba magaling ka sa pag gitara, Chio?" Tanong ni Ian. "Oo" Maikli niyang sagot. "Ganito na lang bukas try natin mag practice." "Ha?" nagtatakang sagot ni Clara. "Drummer si Edison, Electric Guitar me Ian, Chio guitar also second voice pag need, and ikaw Clara Vocalist." final decision ni Ian. "Oh nice, bro Ian. Pero bakit hindi natin i-try ngayon?" tanong ni Edison. "Para bukas ay maayos ayos na." dagdag pang sabi nito. "Anong kanta ba?" tanong ni Clara. "Ano bang kanta alam mo? baka alam din naming tugtugin." "Yung Tadhana alam niya yun." Sabi bigla ni Chio. "Alam din namin yan. Sige i-try na'tin" Sabi ni Edison tyaka siya pumwesto sa drum set. Nang maayos na ang lahat bigla na lang nag umpisang tumugtog si Edison. Sinundan naman ito ni Clara gamit ang piano. Tyaka naman sumunod ang Gitara na hawak ni Chio at Ian. "Sa hindi inaasahang Pagtatagpo ng mga mundo May minsan lang na nagdugtong Sanang-dama na ang ugong nito" Malamig na umpisa sa pagkanta ni Clara habang nag pia-piano. '"Di pa ba sapat ang sakit at lahat Na hinding-hindi ko ipararanas sa 'yo?" Pagkanta ni Clara tyaka siya sumulyap kay Chio. "Ibinubunyag ka ng iyong matang Sumisigaw ng pagsinta" Nakapikit niyang pagkanta na para bang dinadamdam niya ang liriko nito "Ba't 'di papatulan ang pagsuyong nagkulang? Tayong umaasang hilaga't kanluran Ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo Ako ang sasagip sa 'yo, whoa-oh" "Sa'n nga ba patungo? (Saan nga ba patungo?)" Kanta ni Clara na sinabayan ni Chio. "Nakayapak at nahihiwagaan Ang bagyo ng tadhana ay Dinadala ako sa init ng bisig mo" Nakatitig na kanta ni Clara na nginitian ni Chio. "Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin? 'Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo Naririto ako't nakikinig sa 'yo" Oh-whoa, oh-whoa, oh-whoa, oh Oh-whoa, oh-whoa, oh-whoa Oh-whoa, oh-whoa, oh, oh-whoa Oh-whoa, oh-whoa Pagtapos ni Clara sa lyrics "Wow, nag enjoy ako nun ah." Namamanghang sabi ni Ian. "Ang ganda pala talaga ng boses mo Clara." Dagdag pang sabi ni Ian kay Clara. "Oo nga, ang ganda ng boses mo maniwala ka sakin." Sabi ni Edison kaya mas lalong nahihiyang ngumiti si Clara. "Dahil anong next song na'tin?" Natutuwang tanong ni Edison. "Hoy anong next song ka dyan." Sagot ni Ian. "Kidding guys, So tomorrow practice tayo." Sabi ni Edison. "Anong oras?" tanong n "Huling sayaw na lang by Kamikazee" nahihiyang sambit ni Clara. "Sige iyon na lang" pagsasang ayon ni Ian. "Ok guys kita na lang tayo tomorrow, una na ako guys. bye." Pamamaalam ni Ian tyaka tumakbong palabas ng music club. Lumabas na din sila Chio, Edison at Clara sa music club. Hinintay pa nila Clara at Chio si Edison na nag lolock ng room. Sabay sabay silang lumabas ng classroom papuntang parking lot tyaka nag paalam sa isa't isa. "Bye Guys See You Tommorow." Sabi ni Edison tyaka siya naglakad papunta sa kanilang sasakyan para umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD