Chapter 8

1023 Words
Titig na titig si Namkyun sa mukha ni Criselda na mahimbing pa ang pagkakatulog. Nakatunghay siya rito habang hawak ang tray na may lamang pagkain. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niyang dalhan ito ng pagkain sa kuwarto. Iyon kasi ang isa niyang naisip nang sabihin nga sa kaniya ni Javier na hangga't maaari ay maging extra sweet siya rito. Pero hindi niya rin alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman na para bang ineenjoy niya ang ginagawa niyang iyon... "Hey," nagulat siya nang biglang gumalaw si Criselda at magmulat ng mga mata kaya naman kaagad niya itong binati. Criselda gasps. Pakiramdam niya ay nahulog siya ng pagkalalim-lalim sa kaniyang panaginip. Paano ba naman ay nasa harapan niya ang mukha ni Namkyun pagdilat na pagdilat ng kaniyang mga mata. "I didn't startle you, right?" napalis ang ngiting ani Namkyun. "Oh my god, Namkyun!" napabangon na nang tuluyan si Criselda sa kaniyang kama. "W-what are you doing here?" "I'm so sorry... I-I just want to surprise you," sagot ni Namkyun sa dismayodong tono. "S-surprise?" nagtataka niyang tanong. Nilingon ni Namkyun ang bandang likuran ni Criselda. "S-shocks..." napayuko si Criselda. Nasorpresa naman talaga siya sa nakita pero hindi niya naman na basta-basta mababawi ang nauna niyang reaksiyon. "I'm really sorry," dinig niyang sambit muli ni Namkyun. "No! No... You don't have to apologize," kaagad na siyang bumaba sa kama at lumapit sa kinauupuan ni Namkyun. "I should be the one to apologize. With this surprise, I really have to applogize," abot-abot ang pagkatarantang aniya. "No, of course not! It's fine," sansala naman ni Namkyun sa iniisip ni Criselda. Muling nilingon ni Criselda ang sorpresa ni Namkyun. Mayroon lang namang mesa sa gilid ng kaniyang kama at may mga pagkaing nandoon at mayroon pa siyang nakitang isang pulang rosas. "T-that's sweet of you..." mahinang anas ni Criselda at pigil niyang malaglag ang luha ng kaligayahan sa kaniyang mga mata. Tumayo na rin si Namkyun nang makitang maglakad si Criselda papunta sa mesa. "Did you cook this?" tanong ni Criselda na nakatingin sa mga pagkain. "Yes. I did that now. I asked Javier about your favorite foods," mabilis na sagot ni Namkyun. Bigla namang napakunot noo si Criselda. Ibinaling niya ang paningin kay Namkyun. Bakit magtatanog ito kay Javier ng tungkol sa paborito niyang mga pagkain? "I need to confirm it. Baka kasi iyong alam kong paborito mo pala, is not really your paborito," sagot ni Namkyun. Napatawa na lang muli si Criselda dahil narinig niya na naman ang tonong iyon ni Namkyun. "You don't have to double check it. They're my favorites, really. And I miss all of them," nakangiting sagot ni Criselda. "I guess I still know you," Namkyun chuckled. "I'm sorry?" naguluhang tanong ni Criselda. "Well, I still know you so it means I don't have amnesia," pakwelang sabi ni Namkyun. Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Criselda kaya naalarma si Namkyun. "I-I didn't give a good joke? I-I..." Namkyun stuttered. He just want to make her laugh... "Thank you..." naluluhang saad ni Criselda kaya naman nakahinga nang maluwag si Namkyun. Akala nito ay hindi nagustuhan ni Criselda ang biro niya. Maya-maya ay nagulat at muntik ng matumba si Namkyun nang mabilis na lumapit sa kaniya si Criselda at hinagkan siya sa pisngi. Hindi kaagad siya nakakilos. Para siyang itinulos sa kinatatayun. He felt Criselda's lips on his cheeks and it gave him an unexplainable feelings... Si Criselda naman ay nananatiling nakapikit pagkatapos niyang hagkan sa pisngi si Namkyun. Nang mailayo niya ang labi sa pisngi ng lalaki ay saka pa siya dumilat. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. "W-what?" anas ni Criselda. Napalunok lang si Namkyun. "Let's eat," yakag na ni Criselda. Sa pagtalikod niya kay Namkyun ay lihim siyang napailing. Maging siya rin kasi ay nagulat sa ginawa. Pero ginawa niya iyon sa isiping bilang mag boyfriend-girlfriend, they're doing that before, that thing 'kiss'. And to her surprise, parang wala man lang kaunting pakiramdam na magsasabing dati na niyang hinahagkan sa pisngi si Namkyun... "Here." Napangiti si Criselda nang makita ang pulang rosas na iniaabot na sa kaniya ni Namkyun. Nang tanggapin niya iyon ay sinusubukan niyang alalahanin ang mga pagkakataon na binibigyan siya niyon ni Namkyun. "This is the first time I gave you red roses. I used to bribe you with foods before... whenever you got mad at me," Namkyun said that made Criselda shake her head. "I think I'm over thinking," apologetic ang mukhang saad ni Criselda. Na-guilty siya sa isiping kung ano-ano ang pumapasok sa kaniyang isipan. Katulad na lamang sa rosas, nagtataka siya kung bakit wala kahit katiting na pakiramdam siyang nararamdaman na dati na iyong ginagawa ni Namkyun. Iyon pala ay first time lang siya nitong bigyan ng rosas. "Over thinking? I-I think I'm lost," alanganing pagngiti ni Namkyun na nagpapahiwatig na hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Criselda. "Kung ano-anong pumapasok sa isipan ko, Namkyun. I even doubted that you're really my boyfriend. Maybe this is me messing with my own mind trying to remember everything," sighed Criselda. "You know what?" masiglang hinila ni Namkyun ang upuan sa tapat ni Criselda. "Let's just eat. Food is your best buddy," anito na iginiya pa sa pag-upo si Criselda. "Best? I think you're the best!" palatak ni Criselda. "Believe me, food is better than me," pagkindat pa ni Namkyun. "Well, for me you're the best now," seryosong sabi ni Criselda. "Oh... T-that's very touching," kunwa'y natawang sabi ni Namkyun bago ito nagpunta naman sa upuang nakalaan sa kaniya. "Malamig na ang best buddy mo. We should eat now," dagdag niya pa bago nito hinawakan ang mga kubyertos. "You are my boyfriend that's why you're the best. I don't exactly know how we're doing before I met an accident. Pero isa lang ang alam ko sa ngayon, that you deserve to be called as my best buddy from now on..." puno ng sinseridad ang mga matang saad ni Criselda. "Ang cute mo," sagot na lamang ni Namkyun. "Mas cute ka," maagap namang sagot ni Criselda. Sabay na lamang silang napangiti sa isa't-isa na wari mo'y nasa isang romantikong lugar kung saan ipinagdiriwang nila ang kanilang pagmamahalan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD