Lumipas ang ilang araw na pilit pa ring sinusubukang alalahanin ni Criselda ang lahat. Naging daily routine niya na rin ang pagtulong kay Sylvia sa kusina at pagdidilig ng mga halaman sa garden ng mga ito. Once a week din kung dumating doon ang kaniyang therapist o occupational therapist na siyang tumutulong sa kaniyang makaalala nang hindi naaapektuhan ang kalusugan niya o ang kaniyang utak mismo. Bukod din doon, naroon palagi si Namkyun na boyfriend niya na siyang umaalalay din sa kaniya sa lahat ng pagkakataon.
Para sa kaniya, punong-puno siya ng suporta kaya naniniwala siyang hindi magtatagal ang kaniyang amnesia. Maaalala at maaalala niya rin ang mga mahahalagang tao sa buhay niya...
"Criselda..."
Nakangiting niyang nilingon si Namkyun. Sa ilang araw niya na rin doon ay kabisado niya na ang boses ng bawat isa lalo na ang lalaki. Iba kasi ang boses ni Namkyun kumpara sa kapatid niyang si Javier at tanging si Sylvia naman ay ang nag-iisang babae na kasama niya roon. Well, babae rin ang kaniyang therapist ngunit malayong-malayo rin ang tono ng boses nito kay Sylvia at wala roon ang kaniyang therapist. Tuwing Biyernes lamang doon ang kaniyang therapist.
"I didn't startle you, right?" alanganing tanong ni Namkyun.
Umiling siya rito. "Nasasanay na ako nang tuluyan, Namkyun... And I think, kusa kang kinilala ng sarili ko."
Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Namkyun bilang pahiwatig na hindi nito kaagad naintindihan ang ibig niyang sabihin.
"I mean..." nakangiti siyang naglakad palapit kay Namkyun, "I'm your girlfriend, right?"
"Y-yeah..." hindi naiwasan ni Namkyun na umiwas ng tingin at hindi iyon nakaligtas kay Criselda.
"Why do I feel like you're avoiding something?" tanong ni Criselda.
"H-ha?"
"I mean... K-kung may iniiwasan ka mang sabihin o pag-usapan natin, you don't have to hesitate. Mas magandang mapag-usapan natin ang mga naka-nakaraan especially if it will help me remember things," paliwanag niya kay Namkyun.
Napatitig lang si Namkyun sa kaniya na waring tinatantiya kung sigurado ba siya sa mga sinasabi niya.
"That's what my therapist said..." pagngiti niya. "And I think she's right. That's why I'm trying my best to... You know... Try to get along like I still remember everything..."
"Yeah... I agree with that. But don't get yourself burn out," Namkyun smiled.
"Hmmm... Of course," sagot niya naman sa lalaki.
Dumaan ang sandaling katahimikan. Nakatayo lang si Namkyun at Criselda na waring nagpapakiramdaman. Hanggang makaramdam si Criselda na parang nagiging awkward na kaya nagsalita na rin ito kaagad.
"May niluto akong meryenda. Baka magustuhan mo," mistulang hindi mapakali sa pagkakatayong saad ni Criselda.
"Magugustuhan ko iyan."
Napangiti na nang tuluyan si Criselda. Sa araw-araw nilang magkasama ni Namkyun ay mistula ng musika sa kaniyang pandinig ang pagkaslang nito. Natutuwa siya sa tuwing nagsasalita ng Tagalog ang lalaki.
Hanggang sa lumipas pa ang mga araw na nakaramdam na ng frustation sa sarili si Criselda. Parang wala kasing nangyayari. Wala pa rin siyang maalala ni katiting sa kaniyang nakaraan.
"You'll soon remember it. Everything. Just be patient and don't be too hard on yourself."
Criselda sighed hearing those words from Namkyun. Nakaupo silang dalawa sa garden ng magkaharap. Lumalalim na rin ang gabi at nakakaramdam na siya ng lamig mula sa inuupuang bakal na upuan. Maging ang lamesang bakal sa pagitan nila ni Namkyun ay nagiging malamig na rin sa kaniyang mga braso dahil nakapatong iyon doon.
"C-can you tell me on how we met?" bigla ay sabi ni Criselda.
Napasandal muna si Namkyun sa kaniyang upuan bago ito nagsalita. "Are you sure? I thought you want to remember it that's why you don't want me to tell you about us?"
Bumuntonghininga si Criselda. Totoong sinabi niya kay Namkyun na huwag itong magkuwento ng tungkol sa nakaraan nila dahil gusto niyang maalala iyon ng kusa. Kaya naman ang mga napagkukuwentuhan lang nila ay ang tungkol sa mga alaala niya kina Sylvia at Javier. Sa kaniyang mga magulang naman ay hindi niya rin masyadong pinapakuwento sa mga ito. Maliliit na detalye lamang ang pinakinggan niya. Masyado kasing nagiging sensitive ang kaniyang pakiramdam kapag ikinukuwento ang tungkol sa kaniyang mga magulang. Nakakaramdam din siya ng guilt dahil nga patay na ang mga ito at hindi niya man lang dinadalaw pa ang puntod nila. Dahil katulad nga ng katwiran niya kay Namkyun, gusto niyang maalala muna ang mga ito bago siya dumalaw sa puntod.
"Kahit iyong tungkol lang sa kung paano tayo nagkakilala..." mahinang sambit ni Criselda.
Umayos ng upo si Namkyun. "Okay."
"Thank you," malamlam ang mga matang sambit ni Criselda.
Nakikita ni Namkyun ang lungkot sa mga mata ni Criselda at nahihirapan din siya. Nahihirapan siya sa sitwasyon niya na niloloko niya lang ang babae...
"Javier and I were classmates..." umpisa ni Namkyun.
"In Korea?" pagtiyak ni Criselda.
"Y-yes..." tila may bikig sa lalamunang sagot ni Namkyun.
Napakunot noo naman si Criselda sa nakitang reaksiyon ni Namkyun.
"Are you okay?"
Ngunit bago pa man makasagot si Namkyun ay narinig na nila ang boses ni Javier.
"It's a heroic act."
"J-Javier..." bigkas ni Namkyun sa pangalan nito. Wari bang nagulat ito sa biglang pagsulpot ni Javier.
"You don't mind me sitting here, too, right?" nakangiting hinila ni Javier ang isa pang upuang bakal. "It's cold here. Bakit naman dito niyo pa naisipang tumambay," tumawa pa ito nang bahagya.
"No, it's okay, Javier..." mabilis namang sagot ni Criselda. Alam niya ng mas matanda sa kaniya si Javier ngunit sinabi nito sa kaniya na tinatawag nila ang isa't-isa sa pangalan lang.
"All right. Then I can help Namkyun tell a beautiful story that happened to us in Korea," kumindat pa si Javier kay Namkyun na ikinangiti ni Criselda.
"Parang hindi na ako makapaghintay marinig 'yang heroic act na iyan," may siglang ani Criselda.
"Well, why don't you start, Namkyun?" baling ni Javier kay Namkyun at mas inilapit niya pa ang kaniyang upuan dito.
"O-Of course..." tumikhim pa muna si Namkyun. "It happened, five years ago... I was on my way home that night and I accidentally saw Javier," umpisa nito.
"I am very thankful to that accident, Namkyun. You saved my life," pagsingit ni Javier na titig na titig kay Namkyun. "Kung hindi dahil sa 'yo, baka patay na ako. At kung hindi rin dahil sa 'yo, wala sanang mabuting boyfriend ang kapatid ko," bumaling pa siya kay Criselda.
"W-what really happened?" nabibitin na tanong ni Criselda.
"Naholdap ako habang pauwi ako sa tinutuluyan ko noon sa Korea, Criselda... Akala ko talaga bangkay na akong makakauwi rito sa Maynila dahil nakahanda na ang lalaking iyon na saksakin ako. I can see it very clearly that he's more than willing to kill me that night. Sino nga ba naman ang hahayaang mabuhay pa ako, eh, nakita ko na ang mukha niya? He knows that once I get out of there, magrereport ako sa mga pulis. That's why I know that he already made up his mind. He is going to kill me that night..." mahabang kuwento ni Javier.
Halos pigil naman ni Criselda ang hininga habang pinakikinggan ang kapatid.
"But thankfully... A man named Lee Namkyun came to rescue me. Buong tapang niyang nilabanan ang holdaper to the point na siya pa ang muntik mamatay..." dugtong ni Javier.
"M-muntik mamatay?" nagtatakang sambit ni Criselda.
"He almost got Namkyun. Buti na lang hiwa lang ang tinamo niya at nadala ko siya kaagad sa ospital," sagot ni Javier.
"What happened to him?"
"Well, he was cured. Nakaligtas naman siya that's why nagkakilala kayo," maluwang ang pagkakangiti ni Javier.
"No... Iyong holdaper. Anong nangyari sa kaniya?" pagtatama ni Criselda.
"Ooh! I'm sorry," Javier chuckled. "He got away."
Napasinghap si Criselda. "M-mabuti at hindi niya kayo binalikan..."
"No. I think, natakot na siya sa karisma ni Namkyun," pagtawa ni Javier. "But kidding aside, malaki ang pasasalamat ko kay Namkyun. And that's why we became friends. At iyon ang dahilan kung bakit at paano kayo nagkakilala," anito pa.
Bumaling ng tingin si Criselda kay Namkyun.
"Tell her, Namkyun. How the two of you met," kambiyo ni Javier.
"I-I saw your picture on his laptop..." napayuko si Namkyun na waring nahihiya.
Parang limang segundo namang naproseso ni Criselda ang sinabi ni Namkyun at napabunghalit na ito ng tawa.
"Really? Well, that's crazy... And interesting..." natutuwang ani Criselda.
"Yes. Pretty interesting..." segunda naman ni Javier.
"Okay... Tell me more," nangalumbaba pa si Criselda sa lamesa at handang-handang makinig sa mga sasabihin ni Namkyun.
"I told Javier that you are beautiful. And that you look sweet. And kind..." titig na titig si Namkyun kay Criselda habang sinasabi iyon.
Si Criselda naman ay ngiting-ngiti pa ring nakapangalumbaba at nakikinig lang kay Namkyun. Si Javier ay napailing at napangiti na lang din sa nakikitang reaksiyon ng kapatid.
"And then I found myself always going to Javier's place and sneaking on his laptop just to see your face..."
Bigla namang nag-init ang pisngi ni Criselda. Hindi niya alam kung bakit dahil para sa kaniya, hindi niya dapat iyon maramdaman dahil boyfriend niya na si Namkyun. Para sa kaniya, ang ganoong reaksiyon ay para lamang sa unang beses makaramdam ng kung ano sa lalaking hindi mo kilala na nagsasabi ng mga positibo tungkol sa 'yo...
Ngunit inisip na lamang niya na marahil ay dahil nga sa may amnesia siya kaya ganoon. Pinilit na lamang niyang huwag mahalata nina Namkyun at Javier ang pamumula niya. Nagpapasalamat din siya na gabi na kaya hindi siya mahihirapang itago iyon.
"Until one day, Javier visited me. And while we are talking, you called him on viber and that's the first time I saw your face moving..." seryoso pa rin ang mukhang pagpapatuloy ni Namkyun.
Si Javier naman ay parang nagulat sa sinabing iyon ni Namkyun ngunit hindi ito nagpahalata.
"What?!" natatawa namang reaksiyon ni Criselda.
"I was happy that time. At least, the person on the pictures I got in love with has finally moved left and right," may pagkaromantikong saad ni Namkyun.
Napahalakhak si Criselda habang sapo ng kaniyang mga palad ang magkabilaan niyang pisngi.
"And that's it... After Javier introduced you to me, I only waited for three days before I told him that I want to court you..."
"That is... Really. Romantic..." naiiling na wika ni Criselda.
"He got you with his sweet voice, sis. Pati na rin sa mabulaklak niyang mga salita. Kaya naman noong sumama siya sa akin pabalik dito, hindi siya sumukong hindi ka mapasagot," singit muli ni Javier.
"Oh my god... S-sinagot kaagad kita? I-I mean, without knowing each other first?" napatayo pa si Criselda na tila hiyang-hiya sa mga nalaman.
"Nakilala niyo na ang isa't-isa sa viber palang kaya huwag ka ng ma-guilty diyan. Isa pa, love moves in mysterious ways," tumatawa-tawang ani Javier.
"That's so embarrassing on my part. I think, ayaw ko munang maalala iyon," napaupong muli si Criselda at kulang na lang ay sumuot siya sa ilalim ng mesa maitago lamang ang hiya kay Namkyun.
Si Namkyun naman ng mga sandaling iyon ay aliw na aliw sa mga kilos ni Criselda. He also found her more attractive. Ang Criselda'ng walang maalala ay lumalabas na ang natural na personality. And he's okay with it. The only thing he's not okay with? Telling all the lies to Criselda...