Palinga-linga si Criselda sa paligid habang tahimik na nakaupo katabi si Namkyun at sa harapan naman nila ay sina Javier at Sylvia. Alam niya sa sariling hindi siya sanay sa kung anong nagyayari sa paligid niya ngayon. Walang ibang tao sa paligid maliban sa kanila at sa isang waiter na nag-aasikaso sa kanila ng mga sandaling iyon. Pero bukod sa napansin niya sa kaniyang paligid, napansin niya rin si Namkyun na para bang kapareho niyang hindi rin sanay sa mga ganoong setup. Sosyal kasi kung ilalarawan niya ang kain nilang iyon. Solo nila ang lugar at mayroong waiter na tutok lang sa kanila. At base sa nakikita niyang kilos o galaw ni Namkyun, mukhang hindi rin ito sanay sa sosyalan.
"Well, pag-usapan natin ang tungkol sa pagpunta sa sementeryo, Criselda. Kailan mo gusto para maayos ko rin ang schedule ko," pagbubukas ni Javier ng usapan habang hinihintay ang kanilang order.
Nagkatinginan sina Criselda at Sylvia.
"We already talked about that a while ago. And... Hindi pa raw handa si Criselda," si Sylvia ang sumagot.
"W-why?" alanganin namang tanong ni Namkyun. Sa parte nito ay mas makabubuti pa rin na magpunta ng sementeryo si Criselda kahit hindi nito naaalala ang tungkol sa mga magulang nito.
Napatikhim naman si Javier na tila ba sinasabing huwag ng kontrahin pa iyon ni Namkyun.
"I just want to remember them first... A-ayaw kong pumunta roon ng wala akong idea o naaalala tungkol sa kanila... I-I m-mean..." Criselda sighed. Tila ba nahihirapan siyang sabihin ang eksaktong nararamdaman.
"It's okay... We understand you... Kahit siguro ako, I want to go there remembering every little details about them... Remembering the happy moments with them while staring at their grave..." Namkyun said as he was looking at Criselda. Gusto niyang iparamdam dito na naiintindihan niya ang damdamin nito.
Lihim namang napangiti si Criselda na hindi naman nakaligtas kay Javier. Tila kasi musika sa pandinig ni Criselda ang pagka-slang ni Namkyun.
"Thank you..." pagkuwa'y baling ni Criselda kay Namkyun.
"Oh, here's our food!" masaya namang sambit ni Sylvia nang inilalapag na sa harapan nila ang mga in-order nilang pagkain.
"My favorite!" palatak naman ni Javier nang mailapag na ang paborito nitong mediterranean shrimp pasta.
Masaya na ring nagsipagkuha ng pagkain sina Namkyun at Sylvia. Si Criselda naman ay inuna rin kumuha ng paboritong shrimp pasta ni Javier.
Masaya silang kumain lahat. Si Namkyun naman ng mga sandaling iyon ay panaka-nakang sinusulyapan si Criselda na napansin naman nina Javier at Sylvia.
MUNTIK NG MAPALUNDAG sa takot si Criselda nang sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay may taong nakatunghay sa kaniya.
Si Namkyun.
"N-Namkyun?" bigkas niya sa pangalan nito. Nagtatanong ang kaniyang mga mata kung ano ang ginagawa ng lalaki sa kuwarto niya.
"I'm sorry, I didn't mean to startle you," napakamot pa sa ulo si Namkyun. Pero kaagad din itong kumilos at may kinuha sa lamesang may kalayuan nang kaunti sa kama ni Criselda.
Sinundan niya ng tingin si Namkyun at nakita niyang isang tray na may lamang pagkain ang dinampot nito.
"Breakfast in bed?" nakangiting itinaas ni Namkyun ang tray na hawak nito. Nasa level na iyon ng mukha ni Namkyun at hindi namalayan ni Criselda na natawa siya dahil sa nakakatuwang reaksiyon ng mukha ni Namkyun.
"N-nakakahiya naman... Dapat yata ay ako ang naghahanda ng pagkain dito pero hindi ko alam kung bakit parang ang haba-haba palagi ng tulog ko," pagbuntunghininga ni Criselda.
"Don't be too hard on yourself. Naiintindihan ka namin dito," slang ang boses na wika ni Namkyun.
Ngumiti muli si Criselda. "You really don't speak Tagalog, don't you?"
Napaiwas ng tingin si Namkyun. "Eat," sa halip ay sabi nito.
Hindi naman na binigyan pa ni Criselda ng ibang ibig sabihin ang pag-iwas na iyon ni Namkyun. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang effort na ginawa nito sa kaniya. Kinuha niya na kaagad ang tray dito at gusto niyang ma-impress ito sa kaniya kaya sumubo siya kaagad sa pagkaing dala nito.
"Did you cook all of this?" tanong ni Criselda habang nakatitig sa kinakain.
"Ah... T-there's nothing to cook there," alanganing pagngiti ni Namkyun na napatitig pa sa mga pagkaing nasa tray.
Bigla namang napalis ang ngiti sa mga labi ni Criselda nang mapagtanto niya ang mga pagkaing nasa tray. Actually, hindi tamang gamitin ang pariralang 'mga pagkain' dahil hindi naman madami ang nasa tray. Aaminin niyang masyado siyang nag-focus na maipakitang na-appreciate niya ang ginawa ni Namkyun kaya hindi niya na napansin ang mga obvious.
"It's just cereals with strawberry and orange juice. And... It's easy to prepare..." mahinang sambit ni Namkyun. "I mean..."
"Y-yes!" pinasigla ni Criselda ang boses. Kailangan niyang malusutan ang maling pagpapanggap na ginawa. Hindi naman talaga pagpapanggap, sinusubukan niya lang maging appreciative sa mga taong nasa tabi niya ngayon. But it didn't go well...
"Do you really like it? I mean, I don't know if you really like cereals... But that's the only food I saw in the kitchen. I did not cook but I can cook next time," he said trying to impress her.
"No! It's okay! Kumakain naman ako nito..." Criselda sighed. She really felt guilty. Mabuti na lamang nga at gusto niya naman ang mga pagkaing iyon. Sa itsura at amoy pa lang ay natakam na rin naman talaga siya.
"It's just that... Javier and Tita Sylvia went to hospital and they told me to look after you..."
Napaseryoso ang mukha ni Criselda sa sinabi ni Namkyun. Kaagad namang napansin ni Namkyun ang pagseryoso niyang iyon.
"I mean, they told me to look after you even if it's obvious that I will really look after you. I just felt... I don't know, sad maybe?" pagpapaliwanag ni Namkyun sa pangambang baka iba ang naging dating kay Criselda ng mga nauna niyang sinabi.
"Sad? Why?" Criselda suddenly asked.
"Sad, kasi baka hindi ko magawa na mapasaya ka..." sambit ni Namkyun.
Muling napatitig si Criselda sa mukha ni Namkyun. "I-I'm sorry if I don't remember you... Pero pangako, para sa ating lahat, pipilitin kong maalala ang lahat-lahat..."
"And I'm here to help..." pagdugtong ni Namkyun.