Chapter 5

1228 Words
Ipinaliwanag ni Sylvia ang ibig sabihin kay Criselda. "Kinuhaan kita ng makakatulong din sa pagpapagaling mo dahil kailangan mo naman talaga iyon. Mas makakatulong din ito sa iyong mas makaalala ng mas maaga," nakangiting ani Sylvia. Tinitigan ni Criselda si Sylvia pagkuwa'y napangiti na lamang. Ramdam niya ang sinseridad sa boses ni Sylvia at natutuwa siyang magaan din ang kalooban niya rito. "I'm helping you, Criselda. I promise to take care of you hangga't kaya ko pa," saad pa ni Sylvia. "A-ayos lang po bang magtanong?" pagkuwa'y may pag-aalangang tanong ni Criselda. "Of course!, Ask me anything. What is it?" Huminga muna nang malalim si Criselda. "B-bakit po kayo may balot sa ulo? I-I mean... Ugh!" napahilamos siya bigla sa kaniyang mukha. "Pasensiya na po! Hindi dapat ako nagtatanong ng kung ano-ano..." aniya na waring hiyang-hiya. "No, it's fine... Besides, alam mo naman ang tungkol dito. Siyempre, hindi mo lang alam sa ngayon dahil nga may amnesia ka," may sigla pa ring sabi ni Sylvia. "Ganoon po ba..." kahit papano ay nabawasan ang guilt at pagkapahiyang naramdaman ni Criselda sa pagtatanong na ginawa niya. "I have leukemia, Criselda..." Hindi malaman ni Criselda kung anong sasabihin. Huli naman na para pagsisihan niyang nagtanong pa siya. Kung siya sana ang dating Criselda na walang amnesia, malamang ay normal lang sa kaniya ang maririnig. Pero bilang siya na parang nagsisimula pa lang muli sa buhay, medyo magugulat pa siya sa balitang iyon dahil mistulang bago lang iyon sa kaniyang pandinig. "It's okay. You can say something. Gaya nga ng sabi ko, alam mo na dati pa na may leukemia ako... But, Criselda... There's one thing you need to know about this..." may lungkot at pag-aalinlangang sumilay sa mga mata ni Sylvia. "Ano po iyon?" parang kinabahan din si Criselda. "I don't know but somehow, I feel like I'm the reason why your parents died..." napayuko si Sylvia. "A-no pong ibig ninyong sabihin?" tila mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Criselda. Kahit naman kasi wala siyang maalala, malaking bagay o impormasyon na malaman niya ang ibig sabihin ng ina ni Javier na kapatid niya umano sa ama. "I-I asked Javier to call your parents... Sinabi kong sabihin sa kanila ang tungkol sa sakit ko at na gusto ko sanang pumunta kayo rito to have you guys with me even for one last time... B-but I-I didn't know that it will lead them to d-death... I didn't know... I-I'm sorry..." basag ang boses at napaiyak ng kuwento ni Sylvia. TAHIMIK NA NAKATANAW si Criselda sa bakuran ng tahanan nina Javier na pansamantala na rin niyang tahanan ngayon. Nagising siyang wala na roon sina Javier at Namkyun at ayon kay Sylvia ay maagang umalis ang mga lalaki. Napabuntonghininga si Criselda bago ito lumabas sa balkonahe upang maglakad-lakad sa bakuran o garden ng mga De Vera. Nakaramdam siya ng ginhawa habang pinagmamasdan ang mga halaman doon. Pakiramdam niya ay mahilig siya sa mga halaman at nagbibigay iyon ng saya sa kaniya. "Criselda..." Nilingon ni Criselda ang nagsalita na walang iba kundi si Sylvia. Nasa balkonahe ito at nakatingin sa kaniya. "Tungkol sa usapan natin kahapon... G-gusto ko lang sabihin na—" "Ayos lang po ako... Hindi naman po ninyo kasalanan ang nangyari sa amin ng aking mga magulang. Pasensiya na po kayo kung nawalan ako ng imik kahapon. Siguro po ay nahihirapan lang akong iproseso ang lahat," pagputol ni Criselda kay Sylvia. Sandaling katahimikan ang namagitan na kaagad din namang binasag ni Sylvia. "Gusto mo bang magpunta tayo sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang mo?" tanong ni Sylvia. Naglakad si Criselda pabalik sa balkonahe kung saan naroon si Sylvia. "G-gusto ko po sana... Pero puwede po bang saka na? Kapag... N-naaalala ko na po sila..." hirap ang kaloobang saad ni Criselda. Kaagad namang naalarma si Sylvia sa nakitang reaksiyon at paglungkot bigla ni Criselda. "I-I'm sorry, iha... I-I d-didn't mean to—" "Wala po kayong dapat ihingi ng paumanhin. Ayos lang po ako at nagpapasalamat akong nandito kayo para sa akin," maagap na sabi ni Criselda. "Did we miss something?" Sabay na napalingon sina Criselda at Sylvia sa kararating lang na si Javier. "Iho, Javier!" niyakap kaagad ni Sylvia ang anak. "Himala ng mga himala. Napaaga yata ang uwi mo kaysa dati?" tanong nito. "Because my sister is here and I want us to enjoy each other's company!" masigla naman ang boses na sagot ni Javier na hinagkan pa sa noo ang ina. "H-hi..." alanganin namang bati ni Criselda sa taong nasa likuran ni Javier. Si Namkyun. Napangiti namang nilingon ni Javier si Namkyun at pasimple itong kinindatan. "H-hey... Hi..." lumapit si Namkyun kay Criselda. "Have you eaten?" Simpleng iling lang ang isinagot ni Criselda. "Well, let's eat!" masiglang turan ni Javier. "Let's eat outside. Para naman maarawan na rin itong kapatid mo at sigurado kong bagot na bagot na siya rito sa loob," segunda naman ni Sylvia. "No, mom... Baka hindi pa ready si Criselda na lumabas kaya mag-o-order na lang tayo ng pagkain," tutol naman ni Javier. "B-but—" "Mom, hindi natin puwedeng biglain si Criselda lalo na at—" "No, it's fine. Really. Mas maganda nga rin siguro kung lalabas din ako kahit papano. Maybe it can help bringing back my memories from the past..." bigla namang singit ni Criselda sa usapan ng mag-ina. Naging malikot naman ang paningin ni Namkyun. "So, what do you think, Namkyun? Saan kaya natin puwedeng dalhin ang girlfriend mo?" baling ni Javier kay Namkyun na tila may laman ang mga sinasabi nito. "Ah... M-maybe we can eat somewhere... Private?" sagot naman kaagad ni Namkyun. "No... Ayos lang ako kahit sa public. Tingin ko mas okay na may mga nakikita akong iba at bagong mga tao," hindi naman pagsang-ayon ni Criselda. "I think Namkyun's, right, Criselda... Baka makasama sa 'yo kung ma-e-expose ka kaagad sa karamihan. Let's slow it down," pagsang-ayon naman ni Javier kay Namkyun. Sa isang tabi naman ay palihim na napabuntonghininga si Sylvia na tila ba hindi sumasang-ayon sa mga sinasabi ni Javier. "Okay... Kung ano sa tingin mo ang tama. Besides, doktor ka rin naman and alam mo ang mga makakabuti sa akin para magbalik paunti-unti ang mga alaala ko," kampante namang tugon ni Criselda. "Okay, then... Let's get ready," sagot ni Javier na tila ba iniwasan ang huling mga sinabi ni Criselda. "I'll just wait here. I think I'm all set," wika naman ni Namkyun na ipinakita pa ang ayos niya. Bihis naman na kasi siya dahil nga sumama siya kay Javier kanina sa ospital na pinagtatrabahuhan nito. "Yeah. Pero ako magbibihis. Ayaw ko namang kumain sa labas na mukhang kagalang-galang na doktor na papasok lang sa kainan para mag-check up ng pagkain if they're healthy or what," pagbibiro naman ni Javier. Natawa naman nang bahagya si Criselda. Naunang naglakad paalis si Javier upang magbihis kasunod si Sylvia. Maglalakad na rin sana si Criselda nang magsalita si Namkyun. "Bagay mo when you smile. You look beautiful," sinserong sabi ni Namkyun. "Thank you..." medyo pinamulahan naman ng mukha si Criselda ngunit ang sinabi ni Namkyun ay nagdulot ng masarap na pakiramdam sa kaniya. Nang tuluyan ng makaalis doon si Criselda ay mabilis niyang isinara ang pinto ng kaniyang kuwarto. Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya habang naririnig pa rin ang slang na boses ni Namkyun nang bigkasin nito ang mga katagang 'bagay mo'...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD