Chapter 4

1008 Words
PILIT NA NGUMITI si Criselda kay Namkyun. "A-ayos lang... I hate to say it but... Dismayado ako sa sarili ko kasi namatayan ako ng magulang pero hindi ko man lang magawang magluksa o umiyak man lang..." may bikig sa lalamunang sagot ni Criselda. "It's not your fault... Mahirap talaga ang sitwasyon mo ngayon..." Napangiti nang bahagya si Criselda. "So, you do know how to speak Tagalog." "Y-yes... Javier taught me when we were still—" "Actually, sa 'yo talaga siya natuto, Criselda. Kaunti lang naman ang natutunan niya sa akin noong magkasama pa kami sa iisang eskwelahan." Sabay na napalingon sina Namkyun at Criselda sa biglang pagdating ni Javier. "J-Javier!" para namang nagulat na reaksiyon ni Namkyun. "Nagleave muna ako sa hospital. I think I need to be here with Criselda, too... Saglit lang ang leave ko kaya hopefully, you two will get along—again. Just like before. Just like boyfriend and girlfriend, dahil iyon naman talaga kayo," makahulugan pang tinapunan ng tingin ni Javier si Namkyun. "I-I'm s-sorry... Pero hindi niyo naman siguro ako kailangang bantayan... I don't want to be a burden..." nahihiyang napayuko si Criselda. "Hey..." kaagad namang nilapitan ni Javier ang kapatid. "You are not a burden, okay? You're a family. Kaya nandito kami para sa 'yo," ginagap pa nito ang isang palad ni Criselda. "I-I think... Criselda needs to rest, now. Let's all sleep..." Saad naman ni Namkyun. "Y-yeah, I think so..." pilit na ngumiti si Criselda. Si Namkyun ang naghatid kay Criselda hanggang kuwarto nito. Habang si Javier naman ay dumeretso sa bar counter at kaagad na nagsalin ng alak sa kopitang naroon. "G-goodnight, Criselda..." ani Namkyun nang buksan na ni Criselda ang pinto. "G-goodnight..." Hindi na hinintay pa ni Namkyun na tuluyang maisara ni Criselda ang pinto. Tumalikod na ito upang magpunta na rin sa kaniyang kuwarto. Ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang marinig niya ang pagtawag ni Criselda. "Sandali." Kaagad namang napalingon si Namkyun. Nakaramdam siya nang kaunting kaba sa isiping may mga itanong si Criselda na hindi niya masasagot nang ayon sa plano nila ni Javier. "N-napaisip lang ako... Do we have a call sign? O-or endearment, maybe?" awkward na tanong ni Criselda. Napabuka naman ang bibig ni Namkyun ngunit hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya o ni Javier napaghandaan ang tanong na iyon ni Criselda kaya hindi kaagad siya nakaapuhap ng isasagot. "It's okay if there is. Normal naman iyon 'di ba? I just want to know. Maybe it can help me remember some things," nginitian ni Criselda si Namkyun nang pilit. Gusto nitong ipakita kay Namkyun na willing siyang makaalala. "I-I don—" "Babe. That's what you're calling each other and it's really sweet. Naaalala ko pa nga kung gaano kayo ka-sweet kaya pabor din sa akin noon na halos hindi na nakakauwi kasi naiinggit lang ako," napahalakhak pa si Javier nang sabihin iyon. May hawak itong kopita na may lamang alak habang ang isang kamay ay nakapamulsa. Lihim namang napailing si Namkyun. Alam niyang basta-basta na lamang talagang susulpot si Javier kaya naman kailangan niya ng masanay. Kailangan niya ng masanay sa larong ito na hindi man siya sang-ayon ay kailangan niyang gawin. "B-babe?" ulit naman ni Criselda. "Yes. Why don't you tell her, Namkyun?" Baling ni Javier kay Namkyun. "Y-yes, babe..." napilitan namang sabi ni Namkyun. "Thank you... Pasok na ako sa kuwarto para makapagpahinga na rin kayo," simpleng paalam na rin kaagad ni Criselda. "Goodnight," pagtango naman ni Javier. Nang makaalis na si Criselda ay saka tinungga ni Javier ang alak sa hawak nitong kopita. Nang masaid iyon ay dinaanan niya si Namkyun at mahinang nagsalita malapit sa tainga nito. "I hope this will be the last time that I'll be saving you from her questions. You really need to be careful and focused, Namkyun..." "Okay... But please, let's not force her to call me Babe. I can see that she's not comfortable with it," ani Namkyun. Tumango na lamang si Javier. "It's up to you. Ikaw na lang din ang magsabi sa kaniya at gamitin mo na rin iyan para maging komportable na rin siya sa iyo kahit papano." Napabuntonghininga na lamang si Namkyun nang lagpasan na siya ni Javier. Aaminin niyang kung hindi nga dumadating si Javier para saluhin siya ay tiyak na marami ng pagtatakang namumuo sa isipan ni Criselda... MADILIM ANG KINAROROONAN ni Criselda ng mga sandaling iyon. Nakarinig lang siya ng malakas na pagbusina at paglingon niya ay saka niya napagtantong nakatayo siya sa loob ng bus. At ang businang narinig niya ay galing sa isang truck na pasalpok sa kinaroroonan niyang bus. Tuluyan na siyang napasigaw nang bumangga na nga ang truck sa sinasakyan niyang bus... Pawisang napabalikwas ng bangon si Criselda. Habol-hininga rin siya at nanlalaki ang kaniyang mga mata habang tumutulo ang mga luhang hindi niya namamalayan. Dinalaw siya ng panaginip na pakiramdam niya ay totoong nangyari pero hindi niya matandaan... "Criselda!" bumungad sa pinto ang humahangos na si Sylvia. Napalingon si Criselda at pakiramdam niya ay nakakita siya ng kakampi at masasandalan sa nararamdaman niyang panghihina. "A-anong nangyari? Narinig kitang sumisigaw," ang nag-aalalang ani Sylvia bago naupo sa gilid ng kama. "N-nanaginip po ako..." hindi magawang ikuwento ni Criselda ang buong panaginip niya dahil napasinok na siya. Nagbanta kasi kaagad ang luha sa kaniyang mga mata. "Oh, Criselda..." buong awa at pagmamahal na niyakap ni Sylvia si Criselda. Hinagod-hagod niya ang likod nito at hinayaang umiyak. "Sige lang, Criselda... Umiyak ka lang upang gumaan ang iyong pakiramdam. Kailangan mo rin talagang umiyak pagkatapos ng mga nangyari sa iyon," aniya rito. "G-gusto ko lang pong makaalala... G-gustong-gusto ko k-kayong maalala..." paghikbi ni Criselda. "It will be fine, Criselda. Hindi mo rin naman kailangang pilitin ang sarili mo. Those memories will come back no matter what..." bumuntonghiningang sabi ni Sylvia. Tumango ng sunod-sunod si Criselda habang pinapahid ang luha sa kaniyang mga mata. "Your therapist will be here any minute so we better get ready," sabi ni Sylvia. Nag-angat ng tingin si Criselda ng may pagtataka sa mga mata. "A-no pong therapist?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD