Nakahiga at yakap-yakap lang ni Criselda ang kaniyang unan nang makarinig siya ng mahihinang katok. Dahan-dahan siyang bumangon at tinungo ang pinto upang buksan iyon. Hindi niya alam kung anong reaksiyon o kung anong sasabihin kay Namkyun na siyang napagbuksan niya. Tinitigan niya lang ang guwapong mukha ng lalaki at balak niyang hintayin na lamang itong maunang magsalita.
"Dinner is ready..." mahinang sabi ni Namkyun na parang hindi makatingin nang diretso kay Criselda.
Marahang pagtango lang ang isinagot ni Criselda.
"I-I'll wait for you here..." alangan na sabi ni Namkyun.
Alam ni Criselda na binibigyan siya ni Namkyun ng oras para mag-ayos ng sarili o kung anuman ang gusto niyang gawin bago pumunta sa dining room. Pero wala naman siyang gagawin kaya nagsalita na rin siya upang mawala rin ang ilang ni Namkyun at pati na rin siya. Isa pa ay gusto niya rin namang maalala muli ang lalaki dahil boyfriend niya ito. Mahirap para sa kaniya dahil para talaga siyang bulag na nangangapa sa dilim.
"N-nakakapagsalita ka ba ng Tagalog?" iyon ang unang lumabas sa bibig ni Criselda. Alam niya namang boyfriend niya raw ito at siya naman ay inalam kanina sa sarili kung nakakapagsalita ba siya ng korean language. Hula niya kasing koreano ang boyfriend niya kaya gusto niya lang malaman kung paano ba sila nito mag-usap. Gusto niyang unti-unting magbalik sa ala-ala ang mga bagay na kailangan niyang maalala...
"Just a little... But don't worry, I used to speak English because of Javier," mabilis namang sagot ni Namkyun na hindi talaga alam kung ano ang dapat sabihin.
"Javier? My brother?" napasalita na lang din ng English si Criselda. May pagtataka rin sa kaniyang boses dahil sa sinabi ni Namkyun na dahil kay Javier. Nagkaroon siya ng pakiramdam na marahil ay mas unang nakilala ni Namkyun si Javier kesa sa kaniya.
"Y-yes... W-why?" may pagkaalanganin na namang tanong ni Namkyun.
"Una ba kayong nagkakilala ni... J-Javier kesa tayong dalawa?" tanong muli ni Criselda.
"There you are! Akala ko ay kung ano ng nangyayari sa inyo dahil ang tagal ninyong bumaba," biglang bungad ni Javier sa kung saan.
"Javier!" tila nakaramdam naman ng ginhawa si Namkyun sa pagdating ng kaibigan. Nakaramdam kasi siya na parang ang daming gustong itanong ni Criselda at nangangamba siyang hindi niya ito masagot nang ayos at nang hindi nasisira ang pagpapanggap niyang boyfriend nito.
"Ano? Sasabay ba sa atin si Criselda?" nakangiting tanong ni Javier na kay Criselda nakatingin.
Napatingin sa isa't-isa sina Criselda at Namkyun.
"Naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo, Criselda... But this is hard for us, too. Especially for Namkyun," nilingon pa ni Javier si Namkyun. "Pero kailangan nating lahat subukan. Lalo ka na... Gusto mo rin namang makaalala kaagad, 'di ba?"
Parang automatic na tumango ang ulo ni Criselda. Pagkatapos ay nilingon nito si Namkyun.
"L-let's go..." mahina at pilit ang ngiting saad ni Criselda.
Habang naglalakad sila papuntang kusina ay panay ang simpleng tinginan nina Javier at Namkyun. Habang si Criselda naman ng mga sandaling iyon ay pilit palang kinakapa sa puso ang boyfriend nitong si Namkyun...
BAHAGYANG TUMIKHIM ANG INA ni Javier upang basagin ang katahimikan sa harap ng hapagkainan.
"Gusto mo bang mamasyal, Criselda? Matagal-tagal ka rin sa ospital at baka kailangan mo ring makasagap ng hangin sa labas ng matagal-tagal?" Maluwang ang pagkakangiting ani Sylvia, ang ina ni Javier.
Hindi naman kaagad nakasagot si Criselda dahil hindi talaga nito alam kung anong isasagot.
"Mom, baka mabigla pa si Criselda sa labas. I suggest she stay here for a while. Sa garden or sa backyard with Namkyun. I highly suggest that they bond together first," suhestiyon naman ni Javier.
Dinampot ni Sylvia ang basong may lamang tubig at uminom bago nakangiting nagsalita. "Yeah... I think that a better idea than mine, son. Pero sana ng ay mailabas din natin si Criselda. Hindi rin makakabuti sa kaniya ang magkulang lang dito sa atin," saad niya sa anak.
"What about you, Namkyun?" baling naman ni Javier kay Namkyun. "Do you have any plans?" tanong niya rito.
"I-I think staying here for the meantime is okay... Especially that we need to help her get used to us again," alanganin namang sagot ni Namkyun.
"M-mas gusto ko rin munang mag-stay lang dito... Pero sa susunod ay maaari ba ninyo akong dalhin sa mga magulang ko?" tanong naman ni Criselda.
"Of course!"
"Oo naman!"
"Yes, iha!"
Sabay-sabay na bigkas ng tatlo bilang sagot kay Criselda.
"Thank you..." pagngiti naman ni Criselda sa kanila.
KASALUKUYANG NAKATAYO SA BALKONAHE SI Criselda nang makarinig siya nang mahihinang yabag. Hindi siya mahilig sa mga sorpresa o suspense kaya naman nilingon niya kaagad kung sino iyon.
"I-I'm sorry... I-I d-did—"
"It's okay..." mabilis namang putol ni Criselda kay Namkyun. "Tingin ko, ako dapat ang humihingi ng paumanhin, hindi kayo..."
Dahan-dahang naglakad si Namkyun papunta sa bandang kanan ni Criselda. Hindi nga lang siya lapit na lapit sa babae. Malayo pa rin ang distansiya niya dahil hindi niya pa alam kung ano ang kalalabasan.
"T-to be honest... I-I don't know what to say..." malalim ang buntonghiningaang saad ni Namkyun.
"A-ayos lang ba sa iyo ang pagtatagalog ko? P-pasensiya ka na... H-hindi lang ako sanay na mag-english nang mag-english..." mahina namang sabi ni Criselda.
"Nothing to worry..."
Napangiti si Criselda. "Pasensiya ka na ulit sa naging tanong ko. Hindi ko na nga pala dapat iyon itinatanong dahil sigurado namang alam mo kung a-ano ako bilang girlfriend mo..." nahihiya niyang sabi.
Napaiwas naman ng tingin si Namkyun. Si Criselda naman ay napayuko na lamang. Sa isipan kasi ni Criselda ay nasasaktan niya si Namkyun nang sobra dala ng kaniyang kalagayan.
"I'm sorry about your parents..."
Muling nag-angat ng tingin si Criselda at tinitigan si Namkyun.
"I-I didn't get the chance to talk to you since they died in that accident...", Tila nahulaan naman ni Namkyun ang nasa isipan ni Criselda. Gusto niya lang naman kasi sanang iparamdam kay Criselda ang simpatya niya tungkol sa pagkamatay ng mga magulang nito. Iniutos lang sa kaniya iyon ni Javier at kailangan niya rin naman talagang gawin kahit ayaw niya.