bc

Cast to Lie (Agent Series #1)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
5.0K
READ
spy/agent
possessive
confident
gangster
tragedy
bxg
realistic earth
first love
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Wala naman sa pelikula ngunit pagkatao niya'y isa lamang panggap.

Wala naman sa teatro o telebisyon ngunit ang galaw ay parang may iskrip.

Isang maling kilos lahat ay guguho.

Cyhael Zein Vergara

Leah Baui

Agent Leahni

Tatlong pangalan ngunit iisa ang katauhan.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES, CHARACTERS, PLACES, EVENTS, AND INORMATION ARE PRODUCT OF AUTHOR'S IMAGINATION. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR DAED IS PURELY COINCIDENCE. THE FOLLOWING CONTENT MAY COINTAIN ELEMENTS THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. ACCORDINGLY, VIEWER DISCRETION IS ADVISED. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. PLAGIARISM IS A CRIME! Agent Series #1 Enjoy reading! Nakakasulasok, masakit sa ilong at nakakasuka na amoy ang agad na bumungad sa akin nang makapasok ako sa mansion ng aking mga magulang. Ilang taon na nga ba ang nakalipas magmula nang muli akong makatungtong sa akala kong 'home sweet home'? Sinipa ko ang kahoy na nakaharang sa aking daraanan bago ako tuluyang nakapasok sa loob. Sinipat ko ang kabuuan at talagang hindi na ito kagaya ng nasa memorya ko. Hindi na ito ang dating mansion na tumatak sa aking isip bago mangyari ang pagtapon naming tatlong magkakambal sa Pilipinas. Kalat-kalat ang mga gamit. May mga basag na salamin at parang dinaanan pa ng earthquake ang buong kabuuan. Hindi na naalagaan sapagkat tatlong taon nang nakakulong ang aking ina. Malapit na ring mahulog ang chandelier na nakasabit sa itaas. Punong-puno na rin ng alikabok maski ang aking dinaraanan. Naroon pa sa iba't-ibang pwesto ang ilang kahoy na nahulog mula sa kisame dahil hindi na matibay ang pundasyon niyon. Sinuot ko ang aking itim na mask dahil hindi na nakayanan ng aking sikmura ang amoy na pumapalibot sa buong mansion. Habang naglalakad ako ay may mga dagang nagtatakbuhan sa kung saan at may mga sapot rin akong namamataan sa iba't ibang parte ng bahay. May ibang bahagi pa nga ng bahay ang hindi naaabot ng sinag ng araw na nanggagaling sa labas. Hindi naman ako gaanong mahihirapan dahil hindi ko na kailangang puntahan ang mga parteng madidilim. Umakyat ako sa ikalawang palapag at hindi na nakayanan ng suot kong mask ang umaalingasaw sa buong paligid. Mga kalansay at bangkay ang aking nadatnan. Napakabaho niyon at nakakasuka. Nasamid pa ako sa tapang nang naaamoy ko. Isang tawag ang bumasag sa katahimikan ng buong paligid. Kinuha ko agad ang aking cellphone at sinagot nang makita ang pangalan ng aking kambal. "Oh, bakit?" Bungad ko kay Kiara. Sinamahan niya akong pumunta dito ngunit naghintay na lamang siya sa labas upang bantayan kung may papasok sa mansion. "Mygad ate Cyhael, Argus and his brother are here! Sa backdoor ka na dumaan!" Pinatay ko na ang tawag at nagpunta sa pinakadulong hallway ng second floor. May bintana doon at kitang kita ang gate ng mansion. Nang sumilip ako ay tama nga si Kiara. Pumasok sa gate ang magkapatid at pinagmasdan nilang pareho ang labas ng mansion. Nagtago agad ako bago pa man dumapo ang paningin ni Argus kung saan ako naroroon. Pumasok na muna ako sa dating kwarto naming magkakambal dahil kapag bumaba agad ako ay baka maabutan ako ng dalawa. Iyon din ang kwarto na malapit sa akin. Ni-lock ko ang pinto para kung sakaling libutin nila ang buong mansion ay hindi sila makakapasok agad. Hindi ko na napigilan ang isang luha na pumatak sa aking kaliwang mata nang bumuhos ang memorya naming tatlo magkakambal. Pinahiran ko iyon at winaksi na lamang ang laman ng aking isip. Hindi ito ang tamang oras para alalahanin ang nakaraan. Posibleng makita ako ni Argus dito kung paiiralin ko ang kadramahan. Tinignan ko ang text ni Kiara nang tumunog ang aking cellphone. From: Kiara Aster 'Nakalabas ka na ba? Nakita kong pumasok na sila sa loob. Bago ako mag-reply ay si-ni-lent ko muna ang aking phone. To: Kiara Aster 'Not yet, nandito ako sa kwarto natin. Sabihin mo sa 'kin agad kapag lumabas na sila. I received a reply saying 'okay' from Kiara. Nilibot ko ang paningin sa dati naming kwarto. Naririto pa rin ang nag-iisang malaking kama na tinutulugan namin dati. Maalikabok na rin ang lahat ng gamit at nakakalat pa ang laruan na ginamit namin bago kami dukutin. Napatingin ako sa pinto ng makarinig ng yabag. Naningkit ang aking mga mata nang maramdaman ang naglalakad sa hallway ng second floor. Isang tao lang iyon! Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at sakto nang makarating ako ay huminto rin ang mga yabag. Parang alam na may kasabay siyang naglalakad. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ng tao sa labas. Sa mahigit pitong buwan naming pagsasama ay saulo ko na maski ang buntong-hininga niya kahit tatlong taon na simula nang iwan ko ang itim na piraso ng tela sa kaniyang balkonahe.. "I know you're there, Cyze," nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. I remember the first time when he calls me that name. Iyon ang unang araw na sinabi niyang nagseselos siya sa mga lalaking umu-order sa akin ng alak. Ngunit bakit parang narinig ko na ang pangalan na iyon noon. Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig sa pinto na parang tumatagos hanggang sa labas ang aking paningin. Na parang nakikita ko siya kahit pinto lamang ang aking nakikita. "You can't run away from me, C. Kahit saang lupalop ka pa ng mundo magtago ay hahanapin kita." Kinilabutan ako sa aking naririnig. Hindi ako nagtatago. Nandito ako para sa mission na binigay sa akin ni Mr. Weinford, ng ama mo. 'Hindi nga ba ako nagtatago?' Siguro nga kaya ko tinanggap ang mission na ito ay para mapalayo pa lalo sa lalaking nasa labas ng kwartong kinaroroonan ko. "Kahit kasinungalingan na lang ang lahat, C, ayos lang sa 'kin 'yon basta hindi ka na muling aalis sa tabi ko. Wala akong pakialam kung naging trabaho mo lang ako. You make me fall in love with you. Panindigan mo ko, C." Napamaang ako sa huling binigkas ng kaniyang bibig. Kahit kailan ay hindi ka pa rin talaga nagbabago, Crynor. Napapabilis mo pa rin ang t***k ng aking puso sa mga salitang sinasabi mo. "Magpapahinga lang ako. Hintayin mong ikaw naman ang paibigin ko." Nanatiling tikom ang aking mga labi. 'Magpapahinga?' Wala akong balak sagutin ang mga pinagsasabi niya sa labas ng pinto ng kwarto ito. Kinikilabutan ako sa sinseridad na aking naririnig sa kaniya. Why are you doing this to me, Crynor? Ang nakilala kong Argus Crynor ay bastos, basagulero, patay-gutom, walang modo, babaero, lasenggero, walang magawang matino sa buhay, palaging nan-ti-trip, at higit sa lahat ay walang puso. Anong nangyayari sayo, Crynor? Sa pitong buwan nating pagsasama ay narito ka at sinasabi iyan sa akin ngayon? Sabihin na nating may mga pinaparamdam ka sa akin noon pero hindi ko lubos akalain na magagawa mong hanapin ako kahit wala na ako sa Pilipinas at tatlong taon na akong wala sa landas mo. Hindi ako lalo nakaimik sa huling sinabi niya sa akin bago ko marinig ang kaniyang mga yabag papalayo. "C, give me one week. Isang linggo lang at akin ka na ulit." |pebreroanim| •••••••••••••••••••••••••••••••••••• *FEEL FREE TO COMMENT *FOLLOW IF YOU LIKE *SHARE IF YOU WANT

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

YOU'RE MINE

read
894.2K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.3K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
581.1K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
344.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook