Enjoy Reading! Hindi na namin nagawang sumunod ni Cyhael sa kabilang isla nang dumilim na ang kalangitan. We simply changed into dry clothes in our hotel room before heading to a nearby seafood restaurant for dinner. Hawak ko ang bewang ni Cyhael habang naglalakad kami palabas ng hotel. Hindi ko maiwasang mairita sa mga matang humahagod sa kabuuan ni Cyhael. Even though she's dressed simply in a long dress, people, particularly boys, can't take their gaze away from her. Kung hindi lang ako nabantaan ni Cyhael na huwag gumawa ng gulo ay baka kanina ko pa natusok ang mga mata ng walang habas na tumitingin sa kaniya. Hindi ata uso sa kanila ang mahiya. Kahit anong sama nang tingin ko sa kanila ay binabalewala lang nila ‘yon. Wala naman akong pakialam kung tignan n

