Enjoy Reading! “Ang ganda!” Sigaw ni Cyhael habang nakatayo at nakadipa ang mga braso. “Baka mahulog ka, Cyze,” ani kong hinawakan ang kaniyang bewang. “This is so good. Oh my God!” Binayaran namin ang naghatid sa amin nang makarating kami sa kabilang Isla. Matapos magpaalam ay kumaway na iyon at bumalik na para makapaghatid pa ng ibang turista. “Mama ko!” Sigaw ni Cyanor ang umagaw ng atensyon ko. Nasa pangpang ang lahat at talagang hinintay pa kaming makarating dito. “Pre, nasundan niyo ba?” malokong ngumiti si Red sa akin. Hindi niya napapansin si Cyhael na papalapit na sa kaniya ngayon. Masyadong naka-focus sa akin si Red kaya nagugulat siyang napalingon sa likod nang may tumuhod sa kaniya. “Kung ano-anong sinasabi mo sa mga anak ko. Ang bata-bata pa ni

