CHAPTER FOUR

2275 Words
Enjoy reading! THURSDAY afternoon ay napagdesisyunan kong iimpake ang mga kailangan kong gamit para makalipat sa katapat ng mansion ng mga Weinford. Tinawagan ko kahapon si Mr. Val ng makauwi ako galing sa mansion nila Argus. Sinabi ko ang plano kong pagtira sa katapat na bahay ng kaniyang mga anak at pamangkin. Madali na sa akin ang paglipat doon dahil si Mr. Val ang may-ari ng village. Bukas ng umaga ako lilipat doon at hindi kasama ang dalawa kong kambal. Kailangan maging succesful nang gagawin ko.  Bukas ng umaga kapag nakalipat na ako, hindi na muna ako si Cyhael Zein Vergara. Leah Baui will be my name hanggang sa matapos ko ang mission ko.  Pumasok sa kwarto ko si Kiara at tinulungan ako sa ginagawa ko. Siya ang nagtitiklop ng mga damit ko habang ako naman ang naglalagay no'n sa isang maleta. Ilang minuto lang siyang naglagi sa kwarto ko dahil tumawag sa kaniya si Akiera Hades, ang pinsan ng magkapatid na Weinford. Inabot ako ng gabi sa pag-iimpaki kaya gutom na gutom akong bumaba. Nasa dining area na sila Kiara at Levine kaya naupo na rin ako. Nagdasal muna kami bago lantakan ang nilutong adobo ni Kiara.  Wait... Anong kakainin ko kapag lumipat na ako? Araw-araw ba akong kakain ng sunog na itlog, hotdog, ham, bacon, at sinangag? Mas mabuti atang magpa-deliver na lang ako o bumili sa convenience store. Sana ay inaya ko na lang si Kiara na sumama sa akin kaso masisira ang plano ko. Hindi rin ako pwedeng kumuha ng kasambahay. Mahirap gumalaw kapag alam mong may ibang tao ang nasa paligid mo. "Are you really sure ate Cyhael sa gagawin mo?" Tanong ni Kiara ng matapos na kaming kumain. Kinuha ko ang basong hawak niya bago ko siya tanguan. Nilapag ko iyon sa sink at sinabon ang isa pang baso. "Maraming bastos sa club na 'yon, Sis," nag-aalalang aniya pa. "Kaya ko ang sarili ko, Kiara," nginitian ko pa siya at kinuha ang kutsara upang masabunan. Para saan pa ang training namin kung hindi ko magagamit sa mga bastos na nilalang. "Tumawag ka kapag may problema," sabi naman ni Levine bago kami iwan ni Kiara sa kusina. Bukod sa plano kong paglipat ay magtatrabaho rin ako sa pinatayong Club ng magkapatid. Doon ay mas matututukan ko si Argus. Halos tumira na kasi iyon sa Club kapag wala silang gang fight ng grupo nila. Nag-apply ako bilang isang bartender.  Napansin ko ang alinlangan ni Kiara kaya sinigurado ko sa kaniyang magiging maayos ako. Hindi maganda ang naging alaala namin sa mga lalaking lasing kaya hindi ko mapipigilan kung mag-alala si Kiara sa akin. "Don't worry Kiara, sige na, matulog ka na," nginitian ko pa siya bago tapikin ang kaniyang balikat. Tapos na akong maghugas kaya dumiretso ako sa ref para kumuha ng ice cream at tubig. Nagbuntong-hininga pa muna si Kiara bago ako iwan sa kusina. Napanguso na lang ako bago sumunod pagkatapos kumuha ng kutsara. 11-month na lang naman eh.  TINULUNGAN ako ng dalawa kong kambal na ilabas at ilagay sa loob ng kotseng binili ko ang dalawang maleta at ang limang boxes. Friday na at 7:00 am pa lang ay kailangan ko ng makalipat sa bagong titirahan ko. Mamayang gabi ay magsisimula na akong magtrabaho bilang bartender at aasikasuhin ko na rin ang Project 1: Gawing kaibigan si Argus. Nagpalagay ako ng hair extension kay Aphrylle, straight at mahaba iyon kaya mas lalong nag-iba ang aking itsura. May suot din akong salamin at pinahid ang binigay sa akin ni Aphrylle na pangpa-tan ng kulay ng balat. Ang sabi niya ay isang buwan ang itatagal noon kaya hindi ko na kailangang magpahid pa araw-araw, siya pa mismo ang gumawa no'n. Iniba ko rin ang style ko ng pananamit. Imbis na loose t-shirt ay naka-off shoulder croptop ako na stripe at high-waisted short na tinernohan ko ng 3 inches sandals. Ang sugat ko ay magaling na at hindi gaanong halata ang naiwang peklat dito. "Mag-iingat ka ate Cyhael ah, tawagan mo kami araw-araw," gusto kong matawa ng mahimigan ang lungkot sa boses ni Kiara. "Para namang mag-iibang bansa ako sa tono mo Kiara," pigil ang tawang tugon ko. "Psh! Ang epal mo talaga ate Cyhael," nakasimangot na si Kiara ng lingunin ko ito. Para namang libo-libong kilometro ang layo ko eh sa Antipolo lang din naman ako titira. "Ang lapit-lapit lang natin Kiara, ang drama mo naman," natatawang asar ko sa kaniya. "Heh ewan ko sayo!" Iniwan kami ni Kiara sa garahe kaya lalo akong natawa. Hinding-hindi talaga magpapatalo sa pagiging madrama at emosyonal si Kiara. Sa aming tatlo ay siya ang iyakin at laging matampuhin.  "Take care!" Iyon lang ang sinabi ni Levine sa akin kaya pumasok na ako sa aking sasakyan. Binilin ko sa kaniya ang motor ko at tinanguan ko siya bago ako magsimulang magmaneho. Habang nasa daan ay narinig ko mula sa ear piece na suot ko si Argus. Mukhang may kausap siya sa cellphone dahil siya lamang ang naririnig kong nagsasalita. Napangisi ako ng marinig na pupunta siya mamayang gabi sa Bar nilang magkapatid.  I'm excited! Nasa tapat na ako ng bahay at nakita ko si Garnet sa kanilang garden na may kausap sa cellphone. Nakabukas ang malaking gate ng kanilang bahay kaya nang mapabaling siya sa akin ay nginitian ko siya. Kumunot ang kaniyang noo ng makita ako pero kalaunan ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papasok sa kanilang bahay. Nagkibit-balikat na lang ako at binuksan na ang gate at bumalik sa aking sasakyan para makapasok na sa aking bahay. Sinimulan kong ilabas ang aking mga maleta at boxes. Una kong pinasok ang dalawang maleta sa loob at nahirapan naman ako sa mga boxes dahil medyo mabibigat iyon.  Nang tuluyan ko nang maipasok ang lahat ng gamit ko ay ginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng buong bahay. Malaki iyon para sa isang tao. Pero hindi na ako nag-inarte dahil hindi rin naman ako magtatagal dito. Mula sa gate ay kulay krema iyon na may halong kulay asul. May malaking salamin sa magkabilang gilid ng pinto na hindi nakikita ang loob ng bahay. Ang repleksiyon lamang ng labas ang tanging nakikita, ganoon din ang nasa ikalawang palapag ng bahay. Ang pinto ay kulay asul na may lining na Krema, sakto sa paborito kong kulay. Sa pagpasok sa loob ay purong puti ang kulay ng dingding. Mayroong malaking chandelier sa gitna. Sa aking kaliwa ay naroon ang sala na may dalawang kulay asul na malalaking couch na nakapwesto ng pa-L na kaharap ang malaking T.V. Sa katapat ng isang malaking couch ay may dalawa ring single sofa. Sa gitna ng mga 'yon ang pabilog na lamesa na may maliit na flower vase sa gitna. Sa harap ko naman ang hagdan na kulay puti. Sa gilid non ay may double door, pinuntahan ko iyon at napag-alamang dining area at kitchen. Sa loob ng kitchen ay may isang pinto ng C.R. Lumabas ako roon at umakyat na sa second floor ng bahay. May apat na guestroom at master bedroom. Katabi lamang ng hagdan ang master bedroom kaya pumasok ako roon. Mayroong queen size bed sa gitna na kulay asul. Krema ang kulay ng buong paligid ng kwarto. May veranda din at salamin ang sliding door, may kulay asul na kurtina na hinawi ko, nabaliwa ang binuksan kong ilaw sa liwanag na pumasok ng hawiin ko ito. Hinayaan ko na lamang iyon at pumasok sa isang pinto, bathroom iyon na may bathtub sa tapat ng salaming dingding at pinto, sa loob niyon ay ang shower. Sa gilid naman ng shower ang toilet bowl. Ang lababo ay nasa tapat ng pinto at sa itaas ay may salamin na may kabinet sa magkabilang gilid. Malaki ang kabuuan ng kwarto. May maliit pang sofa na nakaharap sa malaking T.V. Ang isa pang pinto ay ang walk-in closet. Pagkatapos kong ikutin ang buong kwarto at bahay ay sinimulan ko ng ayusin ang lahat ng aking gamit. Inabot ako ng alas tres ng hapon. Naupo ako sa kama at sinimulang um-order sa isang fast-food chain. Habang nag-iintay ay tinawagan ko muna sila Levine. Nakalimutan kong tumawag kanina nang dumating ako. Alas singko nang magsimula akong mag-ayos ng sarili. Ang suot ko ay v-neck spaghetti strap top na kulay gold at high-waisted jeans na tinernohan ko ng black faux leather thigh high platform high heels boots. Light make-up lang at hindi na nila ako makikilala. Sinuot ko rin ang aking salamin.  Para akong matalinong nerd na maangas tingnan. Iyong nerd na hindi nagpapa-bully dahil siya mismo ang bully. 6:30 pm nang makaalis ako, pinasadahan ko pa ng tingin ang bahay ng mga Weinford. Hindi naman ako ma-le-late dahil 8:00 pm pa ang simula ng aking trabaho. Medyo malayo kasi ang Club na iyon kaya kailangang maaga ako umaalis. First day ko sa trabaho, kakausapin daw muna ako ng may-ari ng Bar bago ako magsimula. 7:10 pm ng makarating ako sa Club dahil hindi biro ang heavy traffic. Taste Me ang pangalan ng bar. Halatang mga babaero ang may-ari. Dalawang palapag ang nasabing club at malaki pa. Maraming nagiging customer at nakakaengganyo nga naman dahil sa labas pa lang ay makulay na. Nasa tuktok ang malaking standee ng Taste Me at umiilaw pa. May dalawang guard na malalaki ang katawan, sila ang mga nagpapapasok. Dumiretso ako sa opisina ng manager ng Club. Binati niya ako pero ginantihan ko lamang iyon ng ngiti. "Have a seat Miss Leah Baui," isenenyas niya pa ang katapat na upuan. "Sir Garnet and Sir Argus will be here any minute," pagkasabi niya non ang siyang bukas ng pinto ng opisina. Pumasok ang dalawang maangas na magkapatid kasama ang kanilang pinsan na si Akiera Hades. "Is she the new bartender, Jim?" tanong ni Garnet Charles, ang panganay ni Ninong. Tumango sa kaniya ang Manager kaya pinasadahan niya ako ng tingin. Medyo tumagal ang tingin niya sa lantad kong dibdib kaya sumama ang mukha ko. "Sigurado ka bang bartender ang in-apply-an mo Miss Baui?" dagdag niyang tanong pero para sa akin naman. Napamura ako sa isip ko. "Yes Sir," pilit ang ngiting sagot ko. "You look familiar. Ikaw iyong babaeng bagong lipat sa katapat naming bahay, hindi ba?" naningkit ang matang tanong na naman niya. Tumango ako bago tignan ang nakabusangot na si Argus. Tinagilid ko ang ulo ko bago ko siya matamis na ngitian. Nakita ko ang paglunok niya at ang saglit na pagkakailang. "Pwede ka ng magpalit ng uniform mo," bumaling ako kay Garnet bago ako tumango. Nginitian ko pa muna silang lahat at nawala naman iyon ng makatalikod na ako sa kanila. Nakasimangot akong nagpunta sa locker room ng mga babae at nagpunta sa naka-assigned sa aking locker. Binuksan ko iyon at napamura na lang ng kuhain ko na ang uniform 'kuno'. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa ng uniform ng mga bartender. Sa totoo lang ay ako ang nag-iisang babaeng nag-apply sa pagiging bartender.   Napakaiksing palda at croptop na kulay Pula ang uniform 'kuno' ko. Bakit pa kasi kailangang naka-uniform pa?! Wala akong nagawa kung hindi ang suotin iyon at magtiis hanggang alas kwatro ng umaga. Susunugin ko iyon, hintayin niyo lang! Lumabas na ako at nagpunta na sa aking pwesto. Marami ang napapatingin sa akin marahil ay bago ako sa kanilang paningin. Kahit labag sa aking loob ay nginitian ko ang unang costumer ko. Lahat ng um-order sa aking alak ay puro malalagkit at malalaswang tingin ang ibinibigay sa akin. Lahat iyon ay tiniis ko at hinayan, nakangiti ko silang pinagsilbihan ng alak.  3:55 am ay magliligpit na sana ako ng lumapit sa akin si Argus. Siya siguro ang huli kong costumer. "Drinks, Sir?" nakangiti kong tanong. Tinitigan niya lang ako bago ako talikuran. Bastos amp! Pagkatapos kong magbihis ng aking damit ay lumabas na ako sa Club. Napagod ako sa unang araw pa lang ng aking trabaho. Halos lahat ng costumer ng Club na iyon ay sa akin um-order. Kung hindi pa kinausap kanina ng manager ang ibang costumer na lumipat sa ibang bartender ay aabutin siguro ako ng umagang umaga Napahinto ako nang makita ko sa tabi ng kotse ko si Argus na nakasandal sa isang sports car. Bumaling siya sa akin kaya nginitian ko na naman siya ng sobrang tamis. "Hindi ka po uuwi, Sir?" nakangiti kong tanong, sobrang plastic. Para namang hindi ko alam kung saan siya nagpupunta. Lumapit na ako at huminto sa tapat ng aking sasakyan. Nagtitigan kami ng ilang minuto bago niya ibuka ang kaniyang bibig. "I have a favor, Miss Baui," nakatingin ng diretsong sabi niya sa 'kin. "Ano 'yon, Sir? Kahit ano po basta kaya ko," ngumiti na naman ako ng pagkaplastic-plastic. Wala sigurong makakatalo sa pagiging plastic ko kahit pa sinong kaibigan ng buong mundo ang ilaban sa akin. "Be my date on my birthday," dire-diretsong wika niya na muntik ko ng hindi maintindihan. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sumakay na siya sa sport car at pinaharurot iyon. Teka lang... Kailan pa binalik ni Mr. Val ang sasakyan nila o baka ninakaw na naman nila 'yon?  Date daw Cyhael. May saltik ata iyong bunso ni Ninong Val. Kinilabutan ako ng maalala ang sinabi niya. "Be my date on my birthday." Napangiti ako, mukhang magiging succesful ang mission ko ah. Siya na mismo ang lumalapit sa akin. Ngumisi pa ako lalo bago tinanaw ang nakalayo ng kotse ni Argus. "Sure, Argus, pinapadali mo lalo ang trabaho ko!" |pebreroanim| ••••••••••••••••••••••••••••••••••• *FEEL FREE TO COMMENT *FOLLOW IF YOU LIKE *SHARE IF YOU WANT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD