BABY SEVENTEEN

1137 Words
Naisipan kong bumaba, nararamdaman ko kasing kumakalam ang tyan ko. Nakita ko si Liam na naglalaro sa sala mag-isa. May naririnig naman akong tunog ng kawali sa kusina. Pumunta akong kusina. Si kegun nagluluto. "Just a minute, maluluto na to" sabi niya. Para syang chef sa ginagawa nya. Naglagay ako ng pkato sa lamesa, kanin at tubig. Bumalik akong sala. "Liam anak, kain na tayo" yaya ko dito. Tumakbo sya palapit at humawak sa kamay ko. Sabay kaming nagtungo sa lamesa, Si Liam ang itinabi ko kay Kegun. Naihain na din ang ulam na niluto ni Kegun. Tahimik lang kami sa pagkain. Walang nagsasalita tanging tunog ng kutsara at tinidor lang ang maririnig. Hanggang matapos. Si kegun na ang nagligpit ng pinagkainan at hinugasan din ito. Nagligpit muna ako sa sala dahil makalat, pati na din ang laruan ni Liam. Pagkatapos ay pumanhik sa kwarto ni Liam. Naisipan kong dito muna matulog. Naglinis ako ng katawan at nilinisan ko din si Liam. Sabay kaming humiga at magkayakap dalawa. A month have past, hindi pa din kami okay ni kegun. Kakausapin nya lang or tatawagin ako kapag kakain na. Sya na lagi ang nagluluto ng pagkain namin. Bago umalis sa trabaho magluluto muna sya sa umagahan hanggang sa tanghalian na namin ni Liam. Sa gabi uuwi sya ng maaga para magluto ng hapunan. Sabay kaming kumakain pero hindi kami nag-iimikan. Lumalabas at gumagala kami ni Liam kapag nasa trabaho si Kegun, kabonding ko ang mga kaibigan ko. Si leigh naman bumalik na sa tinutuluyan nya. Sila Mom and Dad hindi din kinakausap ang anak nila ata para bang sya ang kanilang anak at hindi si Kegun. "Jesse!" napitlag ako ng may tumawag sakin "Hmmm?" sagot ko, andito kami sa park kasama ang anak nila Sam, krys at Ash "Ayos ka lang ba?" tumango ako sa tanong ni Sam. "No, We mean is that nadedepress ka pa din ba?" Sabat ni Ashley "Hindi naman madaling mawala yun!" "Kaya mo pa ba?" biglang tanong ni krys "Kakayanin ko, inaamin ko nadedepress pa din ako. Sa tuwing tulog na ng mahimbing si Liam, bigla akong umiiyak" kasabay nun ang muling pagtulo ng luha ko "Ang hirap ng sitwasyon ko, ayokong iwan si Liam, You know that I really love my son more than myself" at napahagulgol ako sa iyak. "Shhhh.. It's fine Jesse, we understand you, we really do." pag aalo ni Sam sakin at pinapatahan ako. "Wag kang umiyak mamaya isipin ng anak mo inaaway ka namin" napangiti ako sa turan ni ash. Agad kong pinunasan ang luhang kumakawala sa mata ko. "Tinry ko namang pigilan yung mga iniisip ko" "No! Jesse wag mong gagawin yun. kung may mabigat na sa loob mo, andito kami para sayo handa kaming makinig sa nararamdaman mo kahit doon man lang mapagaan namin ang loob mo" litanya ni Sam. "Sam is right Jesse! Pwede din naman munang humiwalay kayo ng tirahan if really na nahihirapan ka na" sambit ni krys "No!" pagtanggi ko at iniling iling ang ulo ko. "Do you love him?" biglang tanong ni ash. Mahal ko nga ba sya? or hindi? "Hindi ko alam" mahinang sagot ko "Anong hindi mo alam?" tumingin ako kay sam "Alam mo Jesse. Alam mo pero hindi lang maamin ng puso mo" dagdag niya "Anong gagawin ko?" "You know what Jesse. You're still in progress of forgiving pa" sambit ni Ash "And also Nagpapagaling ka pa sa Depression mo" "At hindi namin alam kung nalalabanan mo" singit ni Krys "Nakakaya ko naman. Kaya ko" "We know Jesse, Alam naming malakas kang babae hindi ka magpapatalo dyan sa depression mo" Sabi ni Samhabang nakatingin sa mata ko "Why no—" "Shut Up muna Krys! alam ko na yang sasabihin mo" Pigil ni Ash sa kanya "Pinutol mo nga pano mo malalaman?" pang aasar ni Krys at tumawa sinamaan naman sya ng tingin ni Ash "Mama" Napatingin kami sa tumawag "Bakit anak?" Si Liam pala at lumapit sakin kasama ang mga anak nila. "Nagugutom na po ako" "Ang anak mo talaga Jesse mabilis gutumin! Sige na hapon na din" Nagpaalam sa isat isa at kanya kanya na kaming uwi sa aming mga bahay. Sa bahay dahil walang natira sa niluto kanina ni Kegun, ako na ang magluluto ng aming hapunan kasabay ng pagluluto nililinisan ko ang bahay. "Daddy!!!" rinig kong sigaw ni Liam. "Andyan na sya" bulong ko saking sarili. "Mama andyan na po si Daddy" patakbong sambit ni Liam, ngiti lang ang isinagot ko ata pinagpatuloy ang aking pagluluto "A—ako na dyan" nagitla ako sa boses na narinig ko saking likod. "Ayos lang, magbihis ka na muna tatawagin ko na lang kayo kapag handa na" sabi ko ng hindi sya nililingon "Are you sure?" tango ang aking isinagot nang maramdaman kong umalis na sya sa likod ko huminga ako ng malalim at hinawakan ang dibdib ko. "Ano ba tong nararamdaman ko, hindi ko alam kung takot pa ba ito" bulong ko saking sarili Inihanda ko na ang hapag kainan pagkatapos kong magluto. "Liaaaaam" tawag ko "pooooo?" rinig kong sagot nya. "Tawagin mo na si daddy mo" Hindi ko na narinig na sumagot si Liam, alam kong tinawag na nya ang kanyang ama. Karga karga ni Kegun si Liam papuntang lamesa, nakasuot na sya ng pambahay. Pinaupo ang kanyang anak sa kanyang kaliwa at ako naman sa kanan. Kadalasan katabi ko si Liam at nagsisilbing pagitan samin pero ito ngayon at katabi ko sya. Inayos ko muna ang kakainan ni Liam at nagsimula ng kumain si Liam ganun din kami. Pinagmamasdan ko si Liam habang kumakain, pilit kong iniiwas ang aking katawan na madampi sa katawan ni Kegun. Makalat talagang kumain ang mga bata dahil puro kanin at sauce ng menudo ang mukha ng anak ko. "Liam" tawag ko tumingin naman sila saking dalawa ngunit na kay Liam ang paningin ko "Kalat na ang pagkain anak," tinanggal ko ang dumi sa kanyang mukha gamit ang tissue na nasa lamesa, napansin ko naman si Kegun na nakatingin samin kaya napatingin din ako sa kanya. nakita kong may kanin sa kanyang pisnge, tinanggal ko ito. Huli na ng mapagtanto ko na— nagkatitigan kami "Sorry, may kanin kasi" sabi ko at umiwas ng tingin. "Anak tapos ka na ba?" tanong ko at lumapit sa kanya, tapos na akong kumain. "Opo Mama" "Halika, lilinisan kita" sabi ko at umakyat sa kwarto namin ni Liam, Nilinisan ko muna si Liam para maaliwalas ang kanyang pakiramdam. Hindi nagtagal nakatulog na din sa tabi ko si Liam pero ako ang hindi makatulog. Naaalala ko kung pano nagdampi ang kamay ko sa mukha ni Kegun para bang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Naisipan kong lumabas ng kwarto namin ni Liam at pumunta sa Terrace. "Yung hugasan nga pala" sambit ko sa aking sarili at pinalo ang aking ulo. "Ako na naglinis"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD