"Boss andyan na si Jesse sa may labas"
"Be ready everyone, be quiet for now" paalala ng queen sa kanilang lahat. Si kegun ay nag aabang sa labas kung saan nakakalat ang petals ng roses sa sahig at kung ano ano pang palamuti. Si Liam ang kanilang anak ay nag aantay na pumasok ang Ina sa loob at ibibigay bulaklak na kanyang hawak kasama ang mga kaibigan ni Jesse na sila Sam, Ash at Krystal.
"Baby, Pag pumasok si Mama mo bigay mo sa kanya yan agad"
"Okay po Tita Ashley"
Papasok sa loob ay nasisilayan ni Jesse ang anak na may hawak na bulaklak kasama ang mga kaibigan.
"Liam?" Tawag sa anak. Pinalakad na ng tatlong babae ang bata palapit sa Ina.
"Mama para po sayo" abot ng bata ng bulaklak sa Ina
"San mo nakuha ito?" tanong at kinuha ang hawak na bulaklak. Hindi sya sinagot ng anak at hinila sya nito. Tinignan nya naman ang mga kaibigan na may pagtataka, ngumiti lamang ang mga ito. Dinala sya ng Anak sa may Garden at may Swimming pool. "Liam san tayo pupun-" Hindi nya natapos ang kanyang sasabihin ng makita si kegun na nakatayo at nakaayos ang sarili.
Sa loob tahimik na naghihintay ang lahat at kung kelan lalabas.
JESSE POV
Nakita ko si Kegun na nakatayo na parang balisa at di alam ang gagawin, hinila ako ni Liam dito sa may Garden andito pala ang tatay nya.
"Ke-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng unti unting bumaba ang tarpauline na nasa likod ni Kegun. "Ano ito?" tanong ko sa kanya.
"Jesse" panimula niya at lumuhod sa harap ko. Iniwan na din ako ng anak ko. "5 years ago nakagawa ako sayo ng kasalanan, pero hindi ko pinagsisisihan yon dahil isang anghel ang binigay satin. Hindi kita ganoon nakilala, ramdam ko na ikaw na ang babaeng ihaharap ko sa altar. I know I hurt you so much but I want to prove to you that I will never hurt you again. I will show them how much I Love you. Hindi ko na kakayanin pang saktan kita dahil mas nasasaktan ako. When I met you, I knew I'd met my match. It was only a matter of time until we arrived at this moment. You mean the world to me, I can't imagine life without you Jesse. I want to spend my entire life with you. I wanna grow old with you Ms. Lopez" nahihiyang sabi nya habang nakaluhod at tingin sa mata ko, nagiging malabo na din ang paningin ko "Jesse Ysabelle Lopez will you marry me?" tuluyan ng bumuhos ang luha sa mata ko. Binuksan nya ang maliit na box na hawak nya, nakita ko ang singsing na maganda pero simple kung titignan. Tumingin ako sa mata nya. Hindi ko maisip na magagawa nya to sakin, alam ko naman nadadating ang panahon na ikakasal kami dahil yun ang usapan, mahal ko naman sya, pero handa na ba talaga akong sumugal baka sa huli sasaktan na naman nya ako, maulit muli ang nagawa nya sakin. Ang daming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Alam kong masyadong matagal na ang pag iisip ko tinitignan ko ang sing sing at mukha ni Kegun, nagmamakaawa ang kanyang mata. palipat lipat ang tingin ko sa singsing at sa kanyang mata. Pinikit ko ang aking mata at dinilat.
"Oo, Papakasalan kita" sagot ko sa kanya, Nabuhay ang kanyang mukha at may sayang makikita mula dito. Tumayo sya at isinuot ang singsing sa daliri ko.
"Wooooooooooooooooo" Rinig kong sigaw pero hinawakan nya ang aking mukha at lumapit sakin. Hinalikan nya ang labi ko. Tumugon ako sa kanyang halik at pumatak ang luha saking mata. Bumitaw sya sa halik at tinignan ang aking mata.
"I love you Jesse" sabi niya
"I love you too" tugon ko.
"KASALAN NA LANG ANG KULANG BOSSSSS" sigawan nilang lahat, kinocongrats na kami ng iba.
"Mama"
"Ikaw anak ah, kasabwat ka ng Ama mo" sabi ko kay Liam, binuhat ito ni Kegun.
"Dzaiiii" hinanap ko ang pinaggagalingan. Iniwan na muna ako ng mag ama ko ng makita kung sino ito. Pumunta sila sa mga kaibigan nya.
"Ikaw Jesse ah, kahapon lang"
"shhhhh atin lang yon" sabi ko kay Ash
"Okay, Congrats Dzaiii hindi ko alam nangyari sa inyo pero I'm happy for you" saad ni Krystal
"Kaya nga. nagugulat kami sa inyo Congats Jesse"
"Thank you"
"Jesse anak" lapit samin ni Mommy "Congrats anak, akala ko tatanggihan mo ang anak ko" malungkot na sabi ni Mommy "Pero hindi, Masaya ako para inyo"
"Salamat po Mom, si Dad po?"
"Andun sa Anak nya" sagot ni mom "Dito muna ako anak, aasikasuhin ko mga tauhan natin"
"Sige po" umalis si mom at andito pa din sila Sam.
"Kelan ba kasal?" tanong ni Sam
"Kaka oo pa lang Sam, Excited ka?" si Krystal na ang sumagot.
"Ate Jesse!!"
"Gladys" sambit ko "Akala ko wala kayo dito?"
"Ako pa ba mawawala? Hahahaha kami ng unang sinabihan ni Kuya, pero ang korni ni kuya kanina Hahahah"
"Ikaw talaga"
"Pero ate, masaya ako sa inyo ni kuya, Congrats" bati nya samin at nagpaalam na.
"Jesse"
"Bakit Sam?" tanong ko, nakaupo na kami ngayon sa lamesa at nag uusap
"Napatawad mo na ba sya?" tanong nya sakin.
"Siguro, sinunod ko lang ang nilalaman ng puso ko. Hindi ko kasi pwede na lagi ko na lang kami mag iiwasan, sobrang bigat sa loob ko"
"Masaya ako pag masaya ka, pero hwag mong pilitin lagi"
"Hindi ko naman pinilit Sam, nagkusa ang puso ko"
"Ikaw Sam, galit ka pa din kay kegun?" tanong sa kanya ni Ashley
"Hindi ako pwedeng magalit dahil sya ang Boss natin" tumigil sya sa pagsasalita "Pero kaibigan tayo ni Jesse at ako ang nakasaksi sa mga pangyayari sa kanya nito lang"
"Ayos lang ako Sam, magsasabi ako sa inyo. Gusto ko lang bigyan pa ng isang pagkakataon si Kegun, hindi naman masama yon diba?" tanong ko sa kanila.
"Alam namin hindi" sagot ni Sam
"Huwag mo yan isipin si Sam Jesse, nag aalala lang sya sayo. Ganun din naman kami" saad ni Ash
"Hwag kayong mag alala alam ko ang ginagawa ko." pagpapaalala ko sa kanila.
Naging isang party ang naganap dahil sa proposal ni Kegun, masyado sila naging masaya para samin kahit alam nila ang nangyare sa amin.
THIRD PERSON'S POV
"Kamusta ang Kapatid ko?" tanong ng isnag binatang lalaki sa telepono
"Ayos po sya Boss, engage na po sila ng kapatid niyo" sagot sa kabilang linya
"Hindi na ito maganda, bantayan mo syang mabuti"
"Masusunod Boss" sagot sa kabilang linya at pinatay ang tawag.
"Anong balita Son?"
"Engage na sila Dad, mukhang mas mahihirapan tayo ngayon nito"
"Hindi, hindi dapat mangyare yon. Malaki ang utang satin ng mga Caciano, hindi ako papayag"
"Nangyari na Dad, hindi natin napigilan"
"Gagawa ako ng paraan"