BABY TWENTY-ONE

1163 Words
JESSE POV kasalukuyan kaming kumakain nila kegun at Liam. Ang araw na nagpropose sakin si Kegun ay naging masaya at ngayon ay masaya pa din kami. Hindi nawawalan ng oras samin si kegun lalong lalo na kay Liam. Napapadalas ang pagtulog ko, inaantok ako kung minsan ay dumuduwal ako. Gusto kong may isuka pero walang nalabas. "Ang baho naman ng niluto mo kegun" sabi ko at tinakpan ang ilong ko "Anog mabaho? Pagkain mabaho? Ayos ka lang?" "Mama hindi naman po mabaho" singit ng anak ko "Ayako nyan" "Masarap at mabango ang luto ko love" "Basta ayako nyan, Gusto ko lang ng tuyo tapos tinapa" "Ano? Yun ang mabaho" Sinamaan ko sya ng tingin. "Oo na hahanap ako" sabi niya at tumayo sa lamesa. Narinig kong inutusan nya ang tauhan nya na bumili ng gusto ko. Biglang kumalam ang sikmura ko at nasusuka na naman ako. Tumakbo ako sa lababo ng kusina. "Mama!" rinig kong tawag ni Liam at sumunod sakin. Sumuka ako ng sumuka, naisuka ko ang kinain ko ngayon lang. "Mama ayos lang po ba kayo? tatawagin ko po si Daddy" Umalis sya sa tabi ko. "Jesse" tawag sakin ni Kegun ngunit di ko sya nilingon, kahit wala na akong sinusuka ay naduduwal pa din ako. Naramdaman ko ang kamay nya sa likod ko. "Mama" "Jesse, Are you okay?" tanong nito sakin, hinugasan ko ang bibig ko, inabutan naman nya ako ng pamunas "Jesse" "Ayos lang ako. siguro sa kinain ko lang kanina" inilapag ko ang pamunas at bumalik sa lamesa "Nasan na ang hinihinge ko?" tanong ko pagkaupo ko "Inutusa—" "ikaw ang bibili, hindi ko kakain ang binili ng tauhan mo, dapat may video na ikaw ang bumili" inis kong sabi sa kanya "Ano?" "Hindi mo ata ako narinig, uulitin ko pa ba?" "Fine, bibili na ako. Liam anak bantayan mo si Mama mo" "Opo Daddy" umalis na si Kegun. "Liam kuhanan mo ngang tinapay si Mama" "Wait lang po Mama" sinunod ako ng anak ko. Iniligpit ko naman ang mga pagkain na nasa harap ko, kumuha ako ng bagoong, meron non dito dahil ako mismo ang bumili nito. Inabot sakin ni Liam ang tinapay, bumalik kami sa lamesa, ipinagpatuloy ni Liam ang pagkain at ako naman ay naglabas ng tinapay at kumuha ng bagoong ipinalaman ko ito sa tinapay. "Yak" pandidiri ng anak ko. Tumawa naman ako sa rekasyon nito "Masarap anak" "Mama, kadiri po" "Umayos ka anak, pagkain pa din ito. Hwag kang ganyan" tumahimik na lang si Liam ako naman ay ninanamnam ang pagkain ko ng tinapay. "Anak?" napalingon ako sa tumawag "Mom/Lola?" "Hey dear" bati ni Mom, hinalikan sa pisnge si Liam at ako din "Anong amoy yun?" tanong ni Mommy. Bumalik na si Liam sa upuan nya "Ahh bagoong po Mom" sabi ko at ipinakita ang bagoong "Pinalaman ko po" "Ano? Palaman? Anong lasa anak?" "Masarap po, try nyo po Mom" "Ayy hahaha naku anak di ko hilig yan, siguro sa kanin hindi sa tinapay anak" sabi niya at umupo sa tabi ni Liam. "Hindi ba sumasakit ang tyan mo?" tanong sakin ni Mommy "Hindi naman po Mom. Bakit po?" "Lola si Mama po kanina sumuka" sabi ni Liam. Sinamaan ko sya ng tingin, umiwas sya ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain. Baka isipin ni Mommy na may sakit ako. "Kaya naman pala" "Bakit po Mommy?" ngiti lang ang isinagot sakin ni Mommy Maya maya may narinig kami na parang may pumasok sa bahay namin. "Oh kegun anak" "Mom" bati ni kegun at bineso ang ina "Ano pong ginagawa nyo po dito? Si dad?" "bumisita lang, may mineeting ang dad mo sa mga tauhan nya, diba dapat kasama ka doon?" "Hindi na nga po" sabi niya at tumingin sakin. "Ito na ang tuyo at tinapa mo" sabi niya at inabot sakin ang mga ito. Ngumiti naman ako sa kanya ng malaki. "Salamat Love" sabi ko at inaamoy pa ang mga ito "Heeeeep, ikaw ba ang bumili nito?" tanong ko. inabot nya sakin ang cellphone nya, pinanuod ko ang video sya nga mismo ang bumili. "Jesse ano yang nasa tinapay mo?" tanong nya "Bagoong" ngiting sagot ko "Gusto mo?" tanong ko dito pero bigla itong pumuntang kusina at sumuka dahil naririnig ko ang kanyang pagsuka. "Ang arte" Sinundan sya ng kanyang anak, Si Mommy naman ay natatawa sa sitwasyong nakikita nya. Bumalik na ang mag ama ko dito samin. "Nandidiri ka?" galit na tanong ko, Si liam ay pumuntang sala para maglaro. "Hindi! Hindi naman ang weird mo nito lang tapos ngayon mas lumala, Sinusungitan mo na din ako" "Naku anak, pagpasensyahan mo na yan Jesse si Kegun" sabi sakin ni Mommy "Ikaw naman anak" baling nya kay Kegun "Intindihin mo si Jesse, ganyan pag nagbubuntis" nagulat kami sa sinabi ni Mommy "Ano po mom?" naiiyak ang aking mata sa narinig, naalala ko hindi naman ako ganito nung pinagbubuntis ko si Liam, hindi ako mahilig sa ganito. "What do you mean Mom?" Tanong naman ni Kegun. Nag usap pa silang mag ina, nakita kong may tuwa sa mukha ni Kegun pero lumilipad ang isip ko. Kinakabahan ako, bumabalik ang mga alaala ko noong unang nalaman ko na buntis ako kay Liam. THIRD PERSON'S POV Nag uusap ang Mag ina dahil sa galak kahit wala pang kasiguraduhan ang kanilang nalaman. Habang lumilipad ang isip ni Jesse hindi niya namalayan na tumayo sya at naglakad papuntang sala hindi naman ito napansin ng mag Ina si Liam ay naglalaro sa may sala ng kanyang laruan. Biglang bumagsak sa sahig ang katawan ni Jesse "MAMAAAAAA!!" sigaw ng anak at pinuntahan ang Ina. Ang mag inang nasa lamesita ay nagulat at agad na tinungo ang anak. "JESSSEEEE!!" sigaw ni kegun "Anak, anong nangyari apo?" tanong ng lola "Hindi ko po alam lola huhuhuhu ano pong nangyayari kay Mama huhuhuhu Lolaaaaa" "Jesse! Jesse! Wake up, Anong nagyayari ba sayo?" "Sandali anak, tatawag ako ng doctor" Paalam ng ina at nagdial sa telepono. Si Liam ay patuloy na umiiyak at si Kegun ay ginigising ang Asawa. Dinala na muna nya ito sa kanilang kwarto kasunod ang anak. Dumating ang kanilang Ina kasunod ang Doctor. "Doc patignan naman po siya, bigla syang nahimatay" "Okay, Mr. Caciano, kumalma po tayo, patawag na lang din po ng psychiatrist ng asawa nyo" Agad na sinunod ng lalaki ang bilin ng doctor si Liam naman ay hindi umalis sa tabi ng kanyang Ina. Dumating ang kanilang mga kaibigan dahil sa pagdating doctor. Bumalik sa kwarto si Kegun kasunod ang mga kaibigan. "Anong nangyari kegun? May ginawa ka na naman ba?" galit na tanong ni Sam. "No, bigla syang nahimatay" "Bigla?" tanong ni Krystal "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni ash, kasunod ng pagdating ng psychiatrist ni Jesse ang ama naman ni Kegun. "What is happeing here Son?" tanong ng Ama nya. "Nawalan sya ng malay" "Anong sabi ng doctor?" Iling ang sagot sa Ama Maya maya lumabas nag doctor pero hindi neto sinara ang pinto ng kwarto, nag aabang sila sa sasabihin ng Doctor "Mr. Caciano!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD