JESSE' POV
Nagising ako dahil sa ingay at sakit ng ulo. Dinilat ko ang mata ko puting kisame ang tumambad sakin.
'nasa langit na ba ako?' tanong ko sa isip ko.
"Pag may nangyaring masama sa ate ko, hinding hindi ko kayo mapapatawad" boses ni Leigh.
"Le—leigh"
"Ate, ayos ka lang ba?" tanong nya sakin. Nakita ko sila Mom, Dad at kegun pati sila zach. Tumingin ako sa kabila nakita kong natutulog si Sam.
"Anong nangya—"
Bigla kong naalala ang lahat. Si kegun, ang paghila at paghalik ng mapusok, ang pagtakbo ko kanila Sam at linatulog nya ako.
"Ate? Ayos ka lang?" tanong muli ni Leigh. Nakita ko si Kegun na nakatayo lang sa isang gilid. Igagalaw ko ang kamay ko ng sumakit ito. Nakita kong may benda ito.
"Le—leigh, ba—bakit may ga—ganito?" utal na tanong ko.
"Hindi mo alam ang nagyare ate?" tanong nya.
"magtatanong ba ako kung alam ko" inis na sagot ko.
"Nagsuicide ka ate!!"
"Ano? Gi—ginawa ko to?" tanong ko, iniisip ko ang nagyare pero hindi ko alam kung bakit ganito ang utak ko. Hindi ko maalala ang nagyare kaninang umaga. "Si Liam Mom?" tanong ko sa Ina ni kegun
"Iniwan ko kay gladys anak. Ayos naba pakiramdam mo?" tanong ni Mommy, tumango ako. Tinignan ko si Sam. Gising na sya.
"Sam bakit ka andyan?" tanong ko sa kanya. Umupo sya, inalalayan naman sya ng asawa nyang si Conrad na ouno ng dugo
"Kinailangan mong salinan ng dugo Jesse, magkablood typs tayo. kaya sinalinan kita" psliwanag nya.
"Dahil ba dito?" tanong ko at tinaas ang pulsuhan ko. Tumango sya.
"Your awake already Ms. Lopez" bungad ng doctor pagpasok.
"A—ano pong nagyari doc?" tanong kong wala sa sarili.
"You don't remember anything?" tanong na balik sakin ng doctor sakin. Umiling ako.
'magtatanong ba ako, kung may naaalala ako? kainis to si Doc'
"You cut your wrist. Ms Lopez!"
"Totoo?" tanong ko sa kanya. Tinignan ko ang mga kasama ko sa loob ng kwarto. Para silang mga Pipi na hindi makapagsalita. "Leigh"
"Ano yun ate?"
"Uwe na tayo" yaya ko kay Leigh.
"Not yet Ms. Lopez, Imomonitor pa namin ang Vitals mo then you can go now. And also.. I think it's better if you consult to a psychiatrist" aniya ng doctor bago lumabas.
"Mom!" tawag ko. Tumingin sakin si Mom and Dad "Gusto kong mapag-isa" sabi ko sa kanila, bumaling ako kay Sam. "Pwera sayo"
"Okay, sa labas lang kami. Hindi ka namin pwedeng iwan" Isa isa silang lumabas ng kwarto. Napansin kong nakatayo pa din si Kegun.
"Ikaw?"
"I'll stay here"
"just leave, kegun. Ayako ng presensya mo" walang emosyong sabi ko at umiwas ng tingin. Natatandaan ko ang nangyari kagabi. Kung paano ako takot sa kanya. Umiyak. Nagmakaawa at tumakbo sa labas.
"Sa labas ka muna kegun" aniya ni Sam sa kanya at ngumiti. Lumabas na syang baba ang balikat. Ayaw ko syang makita. Ayaw ko ng presensya nya. Hindi na ako natatakot pero may kaba sa dibdib ko. "Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong bigla ni Sam.
"Medyo okay na. Ano bang nangyare or ginawa ko paggising ko?"
"Wala ka ba talagang natatandaan? Mugto pa nga ang mata mo" turo nya sa mata ko.
"Wala, sabihin mo naman sakin" kinwento ni Sam ang nangyare, kung paano ako sumigaw, hanapin si Mama, hindi pansinin si Liam, at walang tigil na pag-iyak ko at ang paghiwa sa pulsuhan ko. Sinabi nya din sakin ang kwento na kinwento ko sa kanila ni Mommy. Naalala ko dati ganung ganun ang ginawa ko, pero hindi ko sinugatan or nagtangkang patayin ang sarili ko.
"Ba—bakit ko nagawa yun!!?" iyak ko muli.
"I think Jesse, it's really best if we consult to a psychiatrist for your good na din" aniya pa ni Sam. Tumango ako sa gusto nya. "Tignan mo, hindi mo naalala ang ginawa mo, Hindi namin matukoy kung anong nangyayare sayo"
"Walang pro—" napayuko kami ni Sam. May biglang nagpaputok ng baril. Bumukas ang pinto.
"What happened? tanong ni Conrad. Nagsipasukan silang lahat.
"We need to take you home now" sabi ni Kegun at lumapit sakin.
"I'm not yet fine. Narinig mong sabi ng doctor"
"Doon na lang sa bahay Jesse, baka tuluyan kayo ni Sam dito" nakita kong tumayo si Sam at inaalalayan ni Conrad. Tatayo na ako ng hawakan ni Kegun ang pulsuhan ko.
"Aray!!!" ngiwi ko. "ANO BA!! ikaw ang papatay sakin e" sabi ko at iniwas ang sarili ko sa kanya.
"Sorry" sambit nya
"Kaya ko sarili ko kegun" aniya ko. Sila blaze ang umalalay sakin pababa. Hindi na namin nakausap ang doctor. Umalis kami ng hospital. Sa kotse ako nila Mommy sumakay kasama sila Sam at Conrad. Sa kabilang kotse naman ang iba. Bumalik kami sa subdivision. Sa bahay kami Tumuloy. Walang humabol samin. Hindi na din naman ako nagulat sa tunog ng baril. Sa isip ko, sasanayin ko na ang sarili ko.
Nakasuot pa ako ng Hospital gown ganon din si Sam. Bumaba kami ng kotse. Pumasok ako sa loob. Nakita kong naglalaro si Liam at nakaupo naman si gladys.
"Mama"
"Ate Jesse!!" lumapit sila sakin. Tinago ko ang kamay ko sa likod ko, para hindi makita ni Liam. "Ayos ka na?" tanong ni Gladys.
"Mama, Bakit po ganyan suot nyo?" tanong ni Liam
"Ayos na ako glad" Ngumiti ako sa kanya. nagtataka man ay hindi na sya nagtanong pa. Umupo ako at pinantayan si Liam. "Galing si Mama sa Hospital" sagot ko kay Liam.
"Mama, sabi ni Tita gladys po, may sakit ka daw po"
"Yes baby, kiss mo na lang si Mama para mawala yung sakit ko" sabi ko sa kanya. Lumapit sya sakin at tinadtad ako ng halik sa mukha, pati ang labi ko.
Tumayo ako at hinarap silang lahat.
"Ayos na ako, Magbibis lang ako" paalam ko sa kanila at umakyat sa taas. Nagbihis ako ng damit pambahay. Umupo ako sa tapat ng salamin. Tinignan ko ang sarili ko.
"Anong ginawa mo sa sarili mo Jesse" kausap ko "Mugto ang mata mo" sabi ko at hinawakan ang mata ko.
"Jesse" lumingon ako sa pinto.
"Bakit Kegun?"
"Let's talk"