JESSE POV
Hinahanap ko si Kegun, pinuntahan ko ang lugar na sinabi ng waiter na pinagtanungan ko kanina. Sabi niya sa garden. Medyo liblib sa garden tapos wala pa akong ilaw na nakikita, wala ding ni isang tao dito.
"Kegun?" Tawag ko, pero may biglang humawak sa kamay ko nanggaling sya sa gilid ko, puro dahon ito. "Sino ka?" tanong ko. Bigla ako nitong hinila at dinala sa pinaka liblib na lugar.
"Saan mo ko dadalhin? Madilim. Kegun ikaw ba yan?" sunod sunod na tanong ko, masyadong madilim ni hindi ko masilayan ang kanyang mukha.
"Hwag ka ng maraming tanong" Hindi boses ni kegun ang humihila sakin. Alam kong lalaki ito dahil sa tangkad nito.
"Hindi ikaw si Kegun! San mo ko dadalhin?" pinipilit kong ikawala ang braso ko sa kamay nya. "Ano ba! Masakit! Bitawan mo ko"
"Sumunod ka na lang ng hindi maingay Ms" patuloy kami sa paglalakad, Nilingon ko ang pinanggalingan namin masyado na kaming malayo. Nakita ko naman sa unahan namin ang sasakyan. Puting Van.
"Bilisan mo!" sigaw ng lalaki mula sa puting Van.
"Sino kayo?" tanong ko, "Ayaw ko!" pilit nila akong pinapapasok sa loob pero nagpupumiglas ako. Sinuntok ako ng isang lalaki sa tyan, yung lalaking sumalubong samin.
"Ahh!" daing ko, ang baby ko. Hindi na ako nagpumiglas dahil ang baby ko sa tyan ang iniisip ko. baka suntukin pa nila ako. Pinaupo sa unahan.
"Bakit mo sinuntok?" rinig kong tanong ng lalaking humila sakin kanina. "Sabi ni Boss wag gagalawin diba?"
"Ang ingay! ang arte pa!" sagot ng sumuntok sakin. Apat silang lalaki ang dumukot sakin, dalawa sa unahan at itong dalawa na nagbabangayan sa magkabilang gilid ko.
"San nyo ba ako dadalhin?" inis na tanong ko sa kanila, kailangan kong maging matapang. Dala dala ko ang baby ko baka mapano pa kami.
"Wag kang maingay! Nakakarindi kayo!" Inis nito, may inilagay itong panyo sa ilong ko naamoy ko ito at nawalan ako ng malay
THIRD PERSON'S POV
Hindi pa alam ng nasa Golden City maging ang Pamilya ni Jesse na sya ay natangay. Si Kegun ay kasama ang mga kaibigan sa loob ng Resort at doon nag iinuman. Ang mga kaibigan na kasama ni Jesse ay nagtataka na kung bakit hindi pa bumabalik si Jesse.
"Ang tagal ni Jesse!" inip na saad ni Krystal
"Sandale nga puntahan ko nga" pagpiprisinta ni Ashley. Umalis sya sa kanilang lamesa. Habang naglalakad nakita nya ang asawa ni Sam na galing sa labas.
"Oh Conrad. Nasan sila Rex?" tanong nito
"Nasa loob, halika sa loob"
"San ka galing?"
"Nag CR" naglakad sila papasok sa loon. Naabutan nya ang apat na lalaki na nag iinom. Nasa sala naman sila gladys, ang Queen at King at si Liam.
"Kegun"
"Bakit?"
"Hinahanap ka ni Jesse kanina pa, akala ko nagkita na kayo"
"Nasan na sya?" tanong pabalik ni kegun
"Baka hinahanap ka pa din"
"Sige hanapin ko muna" umalis si Kegun at hinanap ang asawa. Hinanap nya ito sa mga lamesa ng mga bisita. Tinignan na nya din ang maaaring pagpahingahan ni Jesse, ang mga kwarto ngunit wala ito. Bumalik si Kegun sa Loob, nakita nyang andun na din sila Samantha at Krystal.
"Nasan si Jesse?" tanong ni Samantha
"Wala, hindi ko nakita" may pag aalala na sa kanyang mukha.
"ANO? kanina pa yun naghahanap sayo. hindi man lang kayo nagkita?" tanong pabalik ni Samantha. Lumapit na din ang Queen at King sa kanila, dahil nagkakagulo na sila.
"Anong nangyayari" tanong ng King sa kanila.
"Si Jesse po King, nawawala"
"Hindi kaya nauna ng umuwe yon?" tanong ni Rex
"Imposible, magsasabi ang bata na yon" sagot ng Queen.
"Ano pang tinutunganga nyo. Hanapin nyo. kami na nila gladys ang maiiwan sa mga bata dito" Sinabihan ang lahat na hanapin si Jesse dahil kilala na ito ng lahat. Nagtanong na din sila sa tauhan na kung lumabas o umuwe si Jesse pero wala at hindi ang sagot nito.
Kinakabahan na si Kegun dahil sa pag aalala. Nilibot nila ang buong golden city kung nahimatay ba sa daan si Jesse, ngunit wala. Bumalik silang lahat sa Golden Resort.
"Wala Dad! Wala si Jesse!"
"Imposibleng may pumasok satin. Bantay sarado ang golden city" pag aalalang saad ng Queen.
"Ang CCTV Son tinignan nyo na ba?" tanong ng King. Inutusan ni Kegun si Zach na tignan ang CCTV. Kinuha ni Zach ang kopya na kung anong oras nandito si Jesse. Gabi na din at ang ibang bisita ay nagsiuwian na din.
Makikita sa CCTV na tumayo si Jesse sa kung saan nakaupo ang magkakaibigang babae. Napanuod nilang nagtanong si jesse sa isang waiter. Pinagpatuloy ang panunuod nakita nilang pumunta ito sa Garden na liblib at hindi na bumalik. Hindi na tinapos ni Kegun ang pinapanuod at pumunta na sa Garden, sinundan naman sya ng limang kalalakihan.
Ang Garden na Hindi pinuntahan ng isang tao sa Party kanina. Liblib at madilim. Hinalughog nila ang Garden pero walang jesse na nakita. Naiinis at nagagalit na kegun dahil sa sobrang pag aalala sa asawa.
"HANAPIN NYO ANG ASAWA KO!!"
JESSE POV
Nagising ako na para bang may nakatingin sakin. Iminulat ko ang mata ko, napansin kong wala ako sa bahay ko. Inikot ng nata ko ang kwarto, maganda at malaki halatang mayaman ang nag mamay ari. Pinakiramdaman ko muna ang ulo ko, kumikirot, pati na din ang tyan ko. Hinawakan ko ito, baka wala na ang baby ko.
"Gising ka na"
"Sino ka?" tanong ko sa matandang lalaki na nasa gilid ko. "Nasan ako?"
"Nasa bahay ka natin anak"
"Anak? Sino?"
"Sis"
"Sino ka naman?" tanong ko sa binatang nasa likod nito. Sinubukan kong umupo "Ahh!" daing ko "Ang baby ko! anong ginawa nyo sa baby ko?"
"Calm down anak! Wala kaming ginawa sayo at sa apo ko."
"Ano bang pinagsasabi mo? Anong anak? Anong apo? Yung baby ko, hindi ko kayo mapapatawad pag may nangyari sa anak ko!"
"Kami ang pamilya mo"
"Wala na akong pamilya, patay na ang Mama ko, ang tatay ko patay na din at wala akong kapatid! Nahihibang na kayo" pinilit kong tumayo pero sobrang sakit ng tyan ko dahil siguro sa suntok ng siraulong lalaki na yon. "Aray!" daing ko, inalalayan ako ng binatang lalaki para maupo. "Ano ba! Bitawan mo ko!" inalis ko ang kamay nya sa braso ko
"May masakit ba sayo?" Tanong ng matandang lalaki.
"Dapat ko pa bang sagutin yan? kayo ang kumidnap sakin, natural sinaktan ako ng tauhan nyo!!" inis na sagot ko dito
"Sinaktan?" nagkatinginan sila "Wala sa usapan ang saktan ka" paliwanag nito
"Bakit sakin ka nagpapaliwanag?"
"Anak"
"Yes Dad" sagot ng lalaki na para bang alam na nila ang gagawin. Umalis ang anak nitong lalaki at naiwan sa gilid ko ang matanda.
"Humiga ka muna anak" inalalayan pa ako nitong humiga
"Ayaw ko sabi! Sino ba kayo?" pag uulit ko. Bingi ata tong matandang to. Nawawalan talaga akong galang sa mga masasamang tao kahit matanda pa.
"Parehas na parehas kayo ng nanay mo anak, kamukha mo din sya"
"ANO BANG SINASABI MO? Wala na kong magulang, patay na sila" kanina ko pa sinabi at paulit ulit na. Pinatay ko na. ang tatay ko na iniwan kami.
"Buhay ako anak, kami ng kuya mo"
"Bakit nyo po ba pinipilit na kayo po ang tatay ko?" medyo kalma na ako, ayakong may mangyari sakin ng anak kaya pinapakalma ko ang sarili ko.
"Dahil kami naman talaga!" May diin ang bawat sinasabi nya. Tinitignan ko ang mata nya, at mukhang nagsasabi ito ng totoo.
"Paano nyo po nasasabi ang ganyang bagay?"