BABY TWENTY-THREE

1163 Words
JESSE POV Dalawang linggo mula ng malaman ko ang aking pagdadalang tao. Dito muna nanirahan sila Mom and Dad para matulungan kami dahil nag aalala sila samin, lalong lalo na samin. Si kegun, minsan na lang din kung lumabas ng Golden para sa kanyang trabaho, nasundan pa ng mga ilang beses ang aming pagtatalik kahit na buntis ako sa pangalawa kong supling. Nakakahiya man pero nagawa nya pang itanong sa doctor at OB ko kung pwede. Hindi pa man halata ang tyan ko pero nararamdaman ko na ang baby ko. Andito akong mag isa sa kwarto. Si kegun ay pumasok sa trabaho, sila Mom and Dad nasa baba kasama ang anak ko. "Baby, excited na kaming makita ka" hawak ko sa tyan ko. "Mama" tinignan ko ang tumawag sakin. "Bakit Liam?" "Sino po kausap nyo?" "Halika" lumapit ito, kinuha ko ang kamay nya "Nararamdaman mo?" tanong ko sa anak ko. Hinimas himas ko ang kamay nya sa tyan ko "Wala naman po Mama" "Wala nga, pero andyan ang kapatid mo" "Po? pano po sya nakapasok dyan?" walang muwang na tanong ng anak ko. Nilapit nya ang tenga nya sa tyan ko "Hey baby, pano ka nakapasok sa tyan ni Mama? Anong meron dyan?" kausap nya pa dito. "Ikaw talaga anak! hindi sasagot si baby kasi maliit pa sya" paliwanag ko, tumingin ito sakin. "Ahh, kaya po nakapasok sya?" "Hahaha hindi anak, lalaki ng kusa ang tyan ni Mama" "Mama, di ko naman po maintindihan" "Naku anak, wag mo ng intindihin, bakit nga pala?" "Mama" tumigil sya at may dinukot sa bulsa "Happy Birthday" bigay nya sakin ng tuping bulaklak at wala ng petals. "Salamat anak" sabi ko at hinalikan ito sa pisnge "Big boy na talaga ang baby ko" kurot ko sa pisnge neto. "Ahh Mama, masakit po" "Ayaw ng magpalambing?" hindi na sumagot ang anak ko tyaka lumabas. Hindi ko pa nasabi sa pamilya ni kegun na ngayong araw ang kaarawan ko. Hindi sa naiilang pero nahihiya ako sa kanila. Lumabas na ako ng aming kwarto at bumaba. Walang tao sa sala kaya dumiretso ako sa Lemesita. Nakita kong kumakain na sila Mom and Dad. "Anak, kumain ka na. May gusto ka bang kainin?" tanong sakin ni Mom "Gatas po sana Mom" "Oh sige! pagtitimpla kita, umupo ka na" Tumabi ako kung san nakaupo ang anak ko. "Anak! ang kalat mo namang kumain" "Hihihi sorry po Mama" "Pulutin mo ang mga nahulog anak!" pinulot nito ang mga nahulog na kanin. "Anak?" "Po Dad?" "Kamusta?" "Ayos lang po ako Dad" "Magsabi ka pag may nararamdaman ka anak" "Opo" "Ito na ang gatas mo anak" abot sakin ni Mom ng gatas na tinimplahan. Kinuha ko ang mangkok at nagsandok ng kanina. Isinabaw ko ang gatas sa kanin. May ulam naman pero gusto ko kasi ang gatas ang iuulam ko. "Mama masarap po ba yan?" "Oo anak! gusto mo ba?" nilagyan ko ng gatas ang kanin nya. May mga prutas at kung minsan ay nilulutuan ako ni Mom para daw healthy ang baby ko. Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa sala, hindi din muna ako pinapakilos ni Mom, wala naa din akong nagawa dahil sila na din naman ang may gusto. Nanuod na lang ako ng mga barbie movies dito sa TV namin. Si Liam naglalaro lang din sa harap ko. Tanghali na din, maya maya siguro ay makakatulog na naman ako. THIRD PERSON'S POV Habang si Jesse ay nanunuod sa kanilang sala, lingid sa kanyang kaalaman ay bukod sa kanyang anak ay wala pang bumabati sa kanyang kaarawan. Iniisip nyang hindi naman nila alam na ngayon ang kanyang kaarawan. Ang hindi niya alam ay naghahanda ang lahat ng kanilang kaibigan at pamilya sa pacecelebrate ng kanyang birthday sa lugar kung saan nagprospose si Kegun sa kanya. Sa katunayan ay alamn ng kanyang mga kaibigan at pamilya ay ngayon ay kanyang kaarawan, inakala nya lamang na pumasok sa trabaho ang asawa pero ito pala ay kanyang pinaghahandaan. "Anak magbihis ka" nagulat si Jesse ng biglang sumulpot ang kanyang babaeng biyenan "Po? Para san po?" "Aalis tayo" "San po tayo pupunta?" "Sige na, Liam apo halika si Lola na magbibihis sayo" Umalis ang kanyang biyenan tangay ang kanyang anak, wala ng nagawa si Jesse kaya pumanhik na ito sa taas at nagbihis ng damit. Hindi nya alam kung formal or Casual ang kanyang isusuot, wala namang nabanggit sa kanya ang biyenan. Napili nyang simpleng Dress na offshoulder na kulay maroon ang kanyang isusuot. Nagsuot ng kwintas at inayos ang mukha. Ipinusod ang nakalaylay na mahabang buhok, pumili ng sandals na hindi kataasan ang takong. Tinignan ang sarili sa salamin. "Hindi ba masyadong bongga yung suot ko?" tanong nya sa kanyang sarili. "Maganda anak" "Ayy" sabay hawak sa kanyang dibdib "Andyan po pala kayo Mom, ginulat nyo po ako" "Hahaha sorry anak. Halika na, nakaayos na ang maglolo" Sabay sila sa pagbaba, nasilayan ni Jesse ang anak na nakajamper at tshirt na naka white rubber shoes. Kahit bata pa ay litaw ang kagwapuhan ng anak. "Mama ang ganda nyo po" lumapit sya sa anak at hinawakan sa kamay. "San po tayo pupunta?" tanong sa mag asawang biyenan. Hawak nya ang kanyang anak at ang mag asawa ay sabay na naglalakad. "Si Dad mo ang magmamaneho, sumakay na kayo" sumakay sa unahan ang mag asawa, si Jesse at Liam ay nasa likod. Nais pa nya sanang magtanong ngunit alam nya namang hindi siya sasagutin ng Biyenan, ang kanyang anak naman ay nakatingin sa labas. Nakikita nya ang daan, patungo ito sa Golden Resort kung saan nagaganap ang isang party dito sa Golden City. Ipinarada ng Amang Biyenan muna ang sasakyan bago sila bumaba sa kotse. Inalalayan nya ang kanyang anak sa pagbaba. "Ano pong meron dito Mom?" tanong nito, at sa pangatlong pagkakataon ay hindi siya nito sinagot. Hindi na lamang sya umimik, niyaya na sila nitong pumasok sa loob. Tahimik at tila walang tao sa loob ng Resort. Pagpasok sa loob. "HAPPY BIRTHDAY!!!" sigaw ng mga tao. Ang kanilang mga kaibigan at pamilya nito. Dahil sa gulat ay hindi nakapagsalita si Jesse, lubos syang nasisiyahan sa mga kaganapan sa kanyang buhay. Naluluha ang kanyang mata sa mga nakikita nya. May mga handa na nakahanda at mga banner na halatang pinaghandaan nila. "Anon-" "Happy Birthday Jesse" bati ng asawa at hinalikan sya sa labi. Pinunasan ng asawa ng luhang tumulo sa kanyang mukha. "Ayieeeee" sigawan muli nila "Keee'! Ano to?" "Do you think na hindi ko alam na Birthday mo ngayon?" "Hindi! Bakit... bakit?" "anong bakit? Birthday mo ngayon natural" sagot ng asawa, dahil sa kagalakan ni Jesse ay niyakap nya ang kanyang asawa. "Salamat Keee" "Happy Birthday Anak!" bati ng Ina ng asawa "Salamat po Mom" "Happy Birthday Anak" bati naman ng Asawa nito "Salamat din po Dad" "Dito na muna kami kay Liam" "Sige po" "Puntahan ko muna sila Conrad" "Sige" "Happy Birthday Jesse" bati ni Krystal at bineso ito. Umalis na muna sa tabi nya ang kanyang asawa at pumunta sa mga kaibigan "Salamat" "Ang asawa mo ang daming pakulo ah" saad ni Ashley "Happy Birthday Jesse" tsaka sya bineso "Kaya nga, dinamay pa kami, pero happy Birthday Jesse" Bineso din sya ni Sam "Ang Gift namin sayo nakaayos na sayo" "Kung hindi pa sinabi ni Zach na naghahanda itong future husband mo nag party, hindi pa namin malalamn na Bday mo ngayon" May inis sa tono ni Ashley ng sambitin iyon "Kaya tumulong na kami, kasama ang mga chikiting" "Akala ko nga nasa work yon" "Akala mo lang yun Jesse, Keegun is full of surprises huh!" saad ni Sam. "Inom tayo, pero gatas ang sayo Jesse Hahaha buntis ka" "Alam ko hahaha" kumuha silang tatlo ng wine sa waiter na paikot ikot para magbigay, Hiningian naman nila si Jesse ng Gatas para makasabay sa pag iinom. Lumalalim ang gabi sa kanilang kasiyahan, may mga sumsayaw na din sa gitna, kung titignan ay disco ang nangyayari. Hinahanap ng mata ni Jesse ang Asawa. Nakita nya si Liam na kasama ang kanyang Lolo at Lola. "Sandali lang, hahanapin ko lang si Kegun" paalam nito "Andyan lang yun" awat sa kanya ng kaibigan. "Sandali lang talaga, dyan lang kayo" paalam muli nito. Tumayo sya at naglakad upang mahanap ang asawa nito. Nagtanong sya sa isang waiter kung nakita nito si Kegun dahil sa kilala nilang lahat ang kanilang boss. "Nakita ko pong pumunta sa Garden si Sir, Maam! Tawagin ko po" "Hindi ako na!" Pigil nito sa waiter. Tinungo ang bandang garden na tinutukoy ng waiter. Pagdating doon ay walang tao at medyo liblib ang lugar, walang ilaw na makikita. "Kegun?" Tawag sa kanyang asawa. Ngunit may biglang humawak sa kanyang kamay mula sa gilid. "Sino ka?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD