Chapter 78: Huling Istorya 11 Sumama si Lola Thereseta kay Therese sa Tagaytay. Siguro’y gusto pa nitong mabuhay ng matagal. Pasado alas-otso na silang dumating sa rest house kaya pagod na pagod silang pareho ng matanda. Una niyang inasikaso si Lola Thereseta at nagpaulong panga siya sa kay Tiya Nora niya ang tagapag-alaga ng kanilang rest house. Nagpakuha siya ng ilang kumot at unan para kay Lola Thereseta. Kailangan nang magpahinga ng matanda. Nang tapos na niyang asikasuhin si Lola Thereseta ay nagdesisyon na siyang magpahinga. Doo siya matutulog sa master bedroom tutal wala naman ang mommy at daddy niya kaya doon nalang siya matutulog. Bubuksan na sana niya ang pinto nang nagulat siya ng may biglang bumusina sa labas ng rest house nila. Napa

