Chapter 79: Pagbabalik sa Dati NAGISING si Maureen na sobrang sakit ng kanyang ulo. Medyo nanlalabo ang kanyang mga mata ngunit nakikita niya ang bulto ng isang lalaki. Alam niya kung sino iyon kaya mabilis siyang gumalaw. Napa-aray siya nang biglang sumakit ang kanyang ulo. Napahinto siya baka muli na namang may pumasok na kung ano sa kanyang utak. “Masakit pa ba ang ulo mo?” tanong ni Thouyer. Sobrang malumanay ang boses ng lalaki dahilan para mapanatag ang kanyang loob. Ayaw ni Maureen na magalit sa kanya ang lalaking amo dahil sa nangyari sa kanya. Napalingon siya sa paligid at doon niya lang napagtanto na wala pala siya sa kanyang kwarto. Nasa loob siya ng kwarto ni Thouyer. Mabilis niyang tiningnan ang kanyang sarili. Baka ano na ang ginawa sa kanya ni Thouyer. “Kanino dami

