Chapter 71: Huling Istorya 4 Excited na siyang ipatikim ang fruit shake kay Simon. Siguradong matutuwa sa kanya ang lalaki. Nauna na siyang pumunta sa canteen dahil may dadaanan pa raw ang lalaki. Ang tagal naman ng lalaking yon! Sa isip niya. Halos kalahating oras na siyang naghihintay sa lalaki, hindi parin ito dumarating. Hanggang sa tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ito at binasa ang text. Hindi makakarating diyan si Simon dahil busy siya sa amin. Hindi ka nalang daw niya iintindihin, wag ka na daw lalapit sa kanya...brat! Napasandal siya sa upuan. Hindi niya alam ang gagawin nang matapos niyang basahin ang text. Cellphone ng lalaki ang ginamit sa pag-text sa kanya. Para siyang pinagsukluban ng langit at lu

