Chapter 70: Huling Istorya 3 Three weeks na ang nakakalipas. Simulang mag-transfer ng university si Simon. Noong una siyang nagtungo sa university. Nakita niya ang isang babae na nagpahinto ng mundo niya. Kaya nang makita niya itong inaapi ng mga estudyante ay agad siyang sumaklolo. Nagtanong pa siya sa ibang estudyante kung bakit kinakantiwan ng lahat ang babae at may sa sumagot sa kanya na “ang badoy manamit, kahit ubod ng yaman”. Napabuntong hininga siya. Hindi naman badoy manamit yong tao. Na love at first sight pa nga siya sa babae, eh. Kaya noong kinabukasan nang makita niya ulit si Therese ay lalo siyang napamangha. Mas lalo pa itong gumanda. Hindi niya alam na may tinatago pa itong kagandahan. Para tuloy siyang nakakita ng isang diwata. “H

