Chapter 69: Huling Istorya 2 “Oh!...anong nangyari sayo?” Tanong sa kanya ng mommy niya. Dali-dali itong lumapit sa kanya pagkapasok niya sa bahay. Nagbabasa kasi ito ng magazine sa sofa nila. “Si Daddy po?” Tanong niya na humalik sa kanyang mommy. “Sa kwarto nagpapahinga, teka nga...ano ba kasi ang nangyari sayo?” Umupo siya sa sofa. “Napagtripan po ng mga kaklase ko.” Pagsusumbong niya. “What!?” Gulat na napayakap ang mommy niya sa kanya “come with me.” “Saan mommy?” Nagtatakang tanong niya “Sa school niyo.” Nagulat siya bigla. “Mom huwag na po nasumbong ko na po sila.” Pagsisinungaling niya. Ayaw niyang mag-alala ng h

