HLY: 7

1416 Words
Chapter 7: Duwinde PUMASOK na muna sila sa mall pagkagaling sa terminal. Panay lang ang sunod ni Maureen sa kaibigan dahil unang beses pa niyang makapasok sa mall. Sadyang pinag-iwanan talaga siya ng kunti sa panahong mayroon sila ngayon. Sobrang magagandang bagay sa loob ng mall at ang dami ang tao. Hindi mapigilan ni Maureen na matatitig minsan sa mga magagarang damit ngunit umaalis din sila kaagad dahil parating nauuna si Cuticle. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kaibigan ngunit panay nalang ang sunod niya rito. “Nakakain ka na ba ng restaurant?” Huminto ang kaibigan at nakingiting hinarap siya nito. “Karenderya lang ang kinain ko, maliit na restaurant din iyon.” Natawa ng bagagya si Cuticle. “Parang ganoon na rin iyon pero ang kakainan nating ay sobrang gara.” “Hoy,” napaawang ang labi ni Maureen. “Gaga ka! Paano kung wala tayong maibabayad?” “Edi maghugas nalang tayo ng pinggan,” natatawang wika nito. “Sigurado ka ba diyan? Baka pinagbibiro mo lang ako.” “Ano ka ba, totoo ang sinabi ko. Pero hindi naman tayo maghuhugas ng pinggan dahil siniguro kong may dala akong sapat na pera pangkain natin at pambili ng mga damit.” “Kahit damit nalang huwag na iyang restaurant. Nakakahiya naman sa’yo baka maubos ang savings mo dahil sa akin. Kailangan mo ring mag-ipon para sa future family mo, no.” “Ano ka ba Mau, nakalaan ang pera na ito para sa atin at huwag mo nang isipin ang mga savings na iyan dahil hindi naman tayo mawawalan ng trabaho,” paninigurado ng kaibigan ngunit mayroon talagang pag-aalala sa boses ni Maureen. Naku-konsensya para rito. “Iwan ko saiyo pero sa tingin ko. Nanganganig ang trabaho ko sa mansyon. Alam mo ‘yon, kahapon palang akong nandoon ngunit bad record na ako kay Thouyer.” “Ano ka ba, sisiguraduhin kong mananatili ka roon ng mas matagal. At isa pa, ganoon lang talaga si Touyer sa mga bago niyang kakilala. Minsan tini-test niya. Iwan ko ba diyan kay Thouyer. Sobrang dami nang dumating bago paman ikaw ngunit hindi nagtatagal. Ngunit sa lagay mong iyan ay siguradong magtatagal.” “Paano ka naman nakakasigurado?” “Haler, wala ka na kayang tirahan. Saan ka pa ba titira kung aalis ka?” Napabuntong hininga si Maureen. Tama ang kabigan, wala na siyang mauuwian dahil wala na siyang bahay ay pamilya. Kung may mahalagang bagay na mayroon siya ngayon ay walang iba kung hindi si Cuticle iyan. Ito lang ang ang tanging taong dumamay sa kanya sa panahong walang-wala siya. “Alam mo, paninigurado ko saiyo na ganyan lang talaga si Thouyer. Pero alam mo kapag nakuha mo ang tiawa niya ay masarap siyang kaibigan at amo,” kinikilig na wika ni Cuticle. “Paano mo naman nasabi?” “Basta, paniwalaan mo ako dahil never pa akong nagsinungaling saiyo. Along the way ay makikilala mo talaga siya.” “Ikaw ang may sabi niyang, ha. Panghahawakan ko ang iyong mga sinabi kung mayroon man siyang sasabihing masama sa akin ay ipapalabas ko nalang sa kabilang tainga ko.” “Maganda iyan para hindi mo masiyadong dinidibdib ang mga sinabi niya. Tara na nga, gutom na gutom na ako, e.” “Tara.” Pumasok sila sa isang magara at malaking restaurant. Walang masiyadong tao sa loob. Pakiramdam ni Maureen kaya walang mga costumer ay dahil sa sobrang mahal ng mga paninda rito. “Sigurado ka ba talaga na dito tayo kakain?” tanong niya. May sumalubong sa kanilang service crew kaya hindi siya nasagot ng kaibigan. “Dito po kayo Ma’am,” ani ng lalaking crew na iginiya sila sa mesa na para lang sa dalawa. “Ito po ang menu,” ibinigay nito ang dalawang menu. “For you,” ingles na wika ng kaibigan.  Kinuha iyon ni Maureen at tiningnan. “Kahit anong pagkain na gusto mo Mau, kahit ilan pa iyan.” “Cuticle,” nag-aalala siya para sa kaibigan. Parang siya pa ang natatakot ngayon. “Sagot ko na ito lahat,” binigyan siya ng paniniguradong ngiti ng kaibigan. Napabuntong hininga si Maureen at sinunod  niya nalang ang kabigan. May marami siyang nagugustuhan kaya nahihirapan siyang pumili. Magaganda kasi ang larawan. Napatingin siya kay Cuticle at nahihiyang ngumiti rito. “Ano?” “Hindi ako makapili, e. Pwede bang kagaya nalang saiyo ang aking kakainin?” napabungisngis na siya. “Oo naman, mga best sellers ang pinili ko rito.” Sinabihan na ng kaibigan kung aling pagkain ang kanilang kakainin. Pagkaalis ng crew na sa tingin ni Maureen ay waiter. Nag-usap muna sila ni Cuticle sa mga bagay-bagay sa mansyon. Talagang nagtataka si Maureen sa pagkatao ni Thouyer. “Alam mo, along the way ay makikilala mo naman siya, e. Huwag nalang muna nating madaliin ang mga bagay na dapat mong malaman. At ito lang ang masisiguro ko saiyo. He is single at ready to mingle.” “Ha? So may nangyari na saiyo?” Nanlaki ang mga mata ng kaibigan sa tanong niyang iyon. “Diyos ko dai, sa lahat ng tanong mo ay iyan pa talaga? Siyempre walang nangyari sa amin, noh. And beside, kaibigan ko lang si Thouyer at maari mo siyang kaibigan. Pero sa tingin ko lang, ha. May marami pang bagay na mangyayari saiyon. Who knows baka kayon ang meant to be. Cinderella lang ang life.” “Wala pa iyan sa isip ko, e. Kailangan ko munang buhayin ang sarili ko bago pumasok sa mga ganyan dahil ako ang kawawa kung ganoon.” “Tama iyang nasa isip mo. Pero malay natin, hindi ba sinabi ko saiyo na baka along the way ay may mga mangyayaring bagay-bagay diyan sa paligid na hindi natin inasahang mangyayari.” “Alam mo, kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo alam mo ba ‘yon?” natatawa niyang wika sa kaibigan. “Ano ka ba, binibiro lang kita pero huwag mong isara ang isip at puso mo sa mga bagay-bagay na maaaring mangyari o dumating. Basta ihanda mo lang always ang sarili mo okay?” Tumango nalang si Maureen bilang pagsang-ayon kay Cuticle. Alam niya namang may mga bagay na darating pa sa kanyang buhay na maaari niyang asahan o hindi ngunit iba kung paano magsalita si Cuticle. Pakiramdam niya ay siguradong-sigurado na ang kaibigan na mayroong talagang mangyayari. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay sa wakas dumating na ang kanilang pagkaing hinihintay. Sobrang dami niyon at duda siyang mauubos nila ang lahat ng mga pinamili. Ngunit hindi na iyon binigyang isip pa ni Maureen dahil gutom na gutom na talaga siya. Hindi na nila pinatagal pa ang paghihintay ay kumain na silang magkaibigan. Takam na takam siya dahil bago sa kanyang panlasa ang lahat na kinakain. Paminsan-minsan ay nag-uusap sila ni Cuticle ngunit dahil sa daming pagkaing nakaharap sa kanila ay itinuon na muna nila ang mga sarili sa pagkain. Gutom na gutom rin siya dahil hindi sila nananghalian. “Ang sarap naman dito,” hindi niya mapigilang wika. “Sinabi mo pa, nang dalhin ako ni Thouyer dito minsan at dito na ako nagpupunta palagi. Ang sasarap kasi ng pagkain at walang katumbas. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kaunti lang ang mga nandidito,” nagtatakang wika ni Cuticle. “Siguro baka sa mahal ang pagkain. Bakit pa ba sila kakain rito kung kaya naman nilang bumili para magluto? O hindi kaya mayroong mga restaurant na abot kaya ang presyo at masasarap rin,” aniya. “Alam mo may punto ka, pero ubusun na muna natin ito. Sinadya kong dagdagan dahil alam kong magugutom tayo sa kakagala natin dito sa loob ng mall. At pagkatapos natin sa mall ay gala tayo sa Plaza. Sobrang daming street foods doon at hindi na ako makapaghintay na kumain.” “Diyos ko, hindi pa ba sapat itong ating mga kinain?” nagtataka niyang tanong. “For now, sapat ito ngunit mapapagod at magugutom tayo sa kaka-shopping kaya kailangan nating kumain bago paman tayo bumalik sa mansyon.” “Sa bagay pero nag-bake naman iyong bruskong amo natin?” “Oo, malay natin hindi tayo tinirhan at pinakain ang lahat sa duwinde.” “Duwinde?” kumunot ang kanyang noo. “Wala joke lang iyon, mga bata ang ibig kong sabihin. Baka nga nandoon na iyon sa bahay ampunan ng mga bata, e.” Pinili nalang ni Maureen na huwag kumibo sa kaibigan dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD