HLY: 8

1652 Words
Chapter 8: Anino sa mga Bulaklak LABIS na galak ang naramdaman ni Maureen nang dalhin siya ni Cuticle sa park na kung saan maraming tao. Malapit nang kumagat ang dilim ngunit nasa tapat pa sila ng mga nakahiliran street food na bilihan. Marami ang mga nakapila kaya pinili nilang bilha ang may kaunting tao lang. “Alam mo masarap ang mga street foods rito. Siguro naman alam mo iyon hindi ba?” tanong nga kaibigan. “Alam ko naman ang mga ganyan kasi may mga ganyang paninda sa paaralan natin noon. Ang kaso bihira lang din akong kumakain kasi wala akong pera.” “Sabagay kaya ngayon magpakabusog tayo. Nawala ang gutom ko sa pamimili ng mga damit.” “Ikaw ang bahala,” aniya at matamis na ngumiti sa kaibigan. Kasabay niyon ay napatingin si Maureen sa kanyang paligid. Takipsilim na, “hindi ba tayo hahanapin ni Thouyer dahil sa gabi na ngayon?” nag-aalalang tanong niya. “Hindi iyon, hanggang hindi tayo inuumaga ay hindi iyon magagalit sa atin. Alam naman niya na day off natin. Alam mo, kahit strikto iyon hindi ‘iyon magagalit kapag day off na natin. Kahit mamayang alas onse ng gabi pa tayo uuwi.” “May masasakyan pa ba tayo sa ganyang oras?” nanlaki ang mga mata ni Maureen. “Siyempre wala na. Mamyang alas dyes ang last trip kaya sulitin na natin lahat ngayon,” ani Cuticle at bumili na ito ng sobrang daming street foods. “Dinamihan ko na para diritso na dinner. Sigurado akong hindi ngayon nagluto si Thouyer. Fasting ang lalaking iyon ngayon.” “Talaga? Paano mo naman nalalaman?” “Ganoon siya. Kapag nagluto siya sa araw ng day off ay dinadamihan niya ng kain. At isang beses lang siyang kakain.” “Ganoon pala ‘yon, hindi naman iyon nakakasama sa katawan, hindi ba?” nag-aaalang tanong niya. Dahil kapag si Maureen ay hindi nakakain ay talagang nahihilo siya. “Hindi iyon, matagal na niyang gingawa ang fasting at magpahanggang ngayon ay buhay pa naman ang lalaki kaya huwag kang mag-aalala sa kanya. Hindi naman masama ang fasting kung kaya mo itong gawin at wala kang sakit na maaaring ma-trigger.” “Sabagay pero hindi ko kaya ang fasting. Nahihilo ako at sumasakit pa ang aking ulo. Bonus na siguro ang pagpawisan ako ng marami dahil sa sobrang gutom.” “Huwag mong pilitin ang isang bagay na maaaring makasama saiyong pakiramdam,” ani ng kaibigan. “Ito na ang order ninyo. Isang libo lahat,” wika ng tindero at ibinigay nito ang sobrang dami at iba’t-ibang uri ng street foods. “Maraming salamat po,” pasasalamat ni Cuticle at binayaran nito ang mga pagkain. Mabilis na kumilos si Maureen at tinulungan ang dalaga. Dagdag pahirap sa kanila ang mga dalang gamit na kanilang pinamili sa mall. Nagtungo sila sa maliit na mesa na may dalawang maliliit na upuan. Doon sila pumwesto at kumain na. “Hindi ka naman mapili pagdating sa mga pagkain hindi ba?” tanong ng kaibigan. “Sa pulubi kong ito mamimili pa ako? Kahit hindi ako sanay ay kumakain pa rin naman ako basta alam kong malinis at walang lason.” “Maganda ‘yan, lantakan na natin ang lahat ng ito. Pakiramdam ko ay natunaw lahat ang aking nakain kanina.” “Maging ako ay ganoon din, nagutom ako bigala.” “Kumain na tayo?” tanong ni Cuticle. “Sige, para mabilis nating maubos ang lahat ng ito dahil kanina pa ako natunawan kagaya mo.” Wala na silang sinayang na pagkakataon ay kanila na talagang kinain ang mga pinamiling street foods. Noong una ay nag-aalangan paminsan-minsan si Mureen dahil bago sa kanya ang ibang pagkain ngunit sa tuwing nakikita niyang kumain si Cuticle ay napapakain na rin siya. Aaminin niyang medyo weird ngunit nasasarapan naman siya kalaunan kaya nang matikman niya ang lahat at napapabilis na ang kanilang pagkain. Halos dalawang oras din silang kumakain hanggang sa naubos na nila ang lahat. Medyo sumikip bigla ang tiyan ni Maureen dahil sa sobrang kabusugan. “Ano ang gusto mo? Tubig o softdrinks?” tanong ng kaibigan. “Sofrdrinks nalang siguro upang matunawan ako,” aniya. Naghintay siya sandali kay Cuticle at bumalik ito dala-dala ang dalawang bote ng softdrinks. Ibinigay ito ng kaibigan at kaagad niyang ininom. “Maraming salamat, ha. Ngayon ko lang ito naranasan. Ang dami ko na tuloy utang saiyo.” “Ano ka ba, huwag mo iyang isipin. Kaibigan kita at dapat nagtutulungan tayong dalawa. May ipon pa naman ako kaya ayos na ayos lang kung saan ko iwawaldas ang aking pera.” “Sigurado ka ba? Paano ang family mo? Baka kailangan din nila ng pera?” “Ay sos, regular ko naman silang binibigyan, e. At isa pa, parating nagbibigay ng bonus sa akin si Thouyer kaya malaki-laki rin ang aking mga naiipon.” “Alam mo, medyo curious ako... ano trabaho ni Thouyer?” ang yaman kasi ng lalaki tapos ayon lang. Wala iyang ideya kung ano ang trabaho ng lalaki. “Maraming business ang lalaki. Wala siyang sariling kompanya ngunit marami siyang partnership. Nakatunganga lang siya pero iba na ang pinapapatrabaho ng kanyang pera.” “Grabe,” aniya. “Grabe talaga. Kusa nang pumapasok sa kanyang bangko ang pera kahit nakaupo o nakahiga lang ito sa kama.” Hindi mapigilan ni Denzel na humanga kay Thouyer. Ang yaman ng lalaki kahit wala itong ginagawa. Paano na kaya kung nagtayo ito ng sariling kompanya? Paniguradong mas yayaman pa ang lalaki. “Wala ka na bang itatanong?” tanong ni Cuticle. “Wala na,” mabilis niyang wika kahit alam ni Maureen sa kanyang sarili na marami pa siyang katanungan tungkol sa lalaki. “Mabuti, magtungo na tayo sa terminal para makaupo tayo ng maayos sa bus. Marami kasi ngayong pasahero kasi gabi na. Lahat naghahabol ng oras upang makauwi.” “Sige, mabuti pa nga kung ganoon. Para din makapagpahinga pa tayo sa loob ng bus,” pagsang-ayon niya.” Naglakad lang silang nagtungo sa terminal ng mga bus dahil malapit lang ito sa park na kanilang kinain. Sobrang dami nilang dalawa ngunit magagaan lang naman dahil mga damit ang laman niyon. Pagpasok sa terminal ay may pamilyar na boses na tumatawag sa kanilang mga pangalan. Si Maureen ang unang nakapansin niyon  kaya napalingon siya sa mga gawing parking lot ng mga kotse. Kaagad siyang nakaramdam ng kaba nang si Thouyer iyon. Mabilis niyang nilapitan si Cuticle at pinigilan ito sa paglalakad. “Si Thouyer,” aniya sabay turo sa lalaki. “Oh?” nagulat din ang babae. “Puntahan natin baka sa kanya na tayo sasakay. Mas nauna na naman sa kanya si Cuticle.  Pagkalapit nila sa lalaki at tumingin ito sa kanya. Bahagyang nahiya si Maureen ngunit nagawa niya namang ngumiti sa lalaki. Ang buong akala niya ay ngingiti ito sa kanya ngunit isa iyong malaking pagkakamali na iisipin niya. “Uuwi na ba kayo?” tanong ni Thouyer ngunit kay Cuticle ito nakatingin. “Yes sir. Saan po kayo pupunta at gabing-gabi na?” tanong ng kaibigan. “May inasikaso lang akog mga bagay. Naisip ko na hintayin nalang kayo rito sa terminal para sabay-sabay na tayong umuwi.” “Nakakahiya naman sainyo, sir.” “Mas okay na ‘yon Cuticle. Kaysa naman sasakay pa kayo at mamaya pa ang alis ng bus. At baka ano pa ang mangyari sainyo along the way.” “Sige po sir.” Medyo nakaramdam ng kilig si Maureen sa sinabi ni Thouyer. Nakikitaan niya ito ng good side kapag si Cuticle ang kaharap nito kasalungat naman kapag siya. Mukhang tama nga ang kanyang kaibigan. Kailangan niya lang ng oras. Kailangang makuha niya ang tiwala ng lalaki upang maging mabait rin ito sa kanya. Bagay na kailangan pa niya talagang pagtrabahuan ng mas mahaba-habang panahon. “Ilagay niyo na ang mga gamit ninyo sa trunk para makaalis na tayo,” utos ni Thouyer. Nauna itong sumakaw sa sasakyan nito at binuksan ang likuran ng kotse. Nagtungo sila roon at inilapag ang pagkadaming paper bag. “Mabuti nalang talaga at nandito si Sir Thouyer, no? Hindi na tayo mahihirapan pa at mapapabilis pa ang pagdating natin sa mansyon,” nakangiting wika ni Cuticle. “Iyon din ang pinapasalamat ko dahil nagsimula na akong mapagod muli.” Natatawang wika ni Maureen at sumakay na sila sa kotse. Maya-maya pa’y umamis na rin sila. Tahimik lang si Maureen habang nag-uusap si Thouyer at Cuticle. Noong una ay tungkol sa mansyon lang ang pinga-uusapan nila tulad ng dapat bilhin at mga naubos ng bagay-bagay na mansyon. Hindi naglaon ay naging random na ang pinag-uusapan ng dalawa. Masasabi ni Maureen na masarap kausap si Thouyer dahil ang gaan ng boses nito. Sana lang ay makakausap niya ng ganoon ang lalaki balang araw. Ayaw niya ng ganitong set up. Natatakot siya at the same time nahihiya sa lalaki! Pwede naman sigurong makitungo ito ng mas kaaya-aya. Wala naman siyang ginagawang masama maliban nalang sa tanga siya at naninibago lang sa mansyon. Pagkatapos ng ilang minuto ay sa wakas nakarating na rin sila. Mabilis silang bumaba at kinuha ang mga gamit. Nahuli si Maureen dahil mas marami pa siyang pinamili kaysa kay Cuticle. Papasok na siya sa mansyon nang may naramdaman siyang kakaiba sa may mga bulaklak. Pakiramdam niya ay mayroon na namang nakatingin sa kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang hinarap ang mga bulaklak. At! “Hoy, pasok ka na. May maraming cookies sa loob, kain na muna tayo,” ani Cuticle na bumalik pala. May kung ano siyang nakita na iwan. Hindi niya maipaliwanag ang isang anino ng maliit na tao. Bumuntong hininga siyang pumasok na at sumunod kay Cuticle papasok sa komedor. Nandoon rin si Thouyer na nauna nang kumain sa pagkarami-raming cookies sa mesa. Mukhang ito ang ginawa ng lalaki kaninang tanghali. Medyo natakam siya kaya tumabi na siya sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD