HLY: 9

1478 Words
Chapter 9: Pag-uugali ni Thouyer MAAGANG nagising si Maureen. Minabuti niyang maligo muna ago paman mag-alas sais upang diretso na siya ng punta sa swimming pool upang roon maglinis. Si Cuticle naman ay kakagising lang ngunit hindi na ito maliligo pa. Nang tumuntong ng alas sais ay sabay na silang lumabas ng silid. Sa silid siya ng babae natulog kagabi dahil nanonood sila ng palabas. Hindi na siyang nagtungo sa kanyang kwarto pa dahil gabing-gabi na nang matapos ang kanilang pinapanood . Dumiritso si Cuticle sa kusina upang ito’y magluto habang siya naman ay kinuha ang mga panlinis sa pool at paligid. Napangiti si Maureen nang makita ang ganda ng swimming pool. Napalunok siya nang laway nang matuksong maligo ngunit bawal. Sobrang linaw ng tubig. May nakikita siyang mga dahon kaya iyon ang una niyang mga kinuha. Nang masigurong wala na ang mga lumulutang ay doon pa niya ginamit ang isang buslo na sobrang liit ng mga mata nito at iyon ang kanyang ginamit upang makuha ang mga duming sobrang liit na hindi na abot ng kanyang mga mata. Nasa kalagitnaan si Maureen nang kanyang paglilinis nang biglang dumating si Thouyer. Hindi niya alam ngunit ngunit naging lubos ang kanyang pagalaw. Naiiyuko niya ang kanyang ulo dahil nahihiya siya. “Tapos na ba itong malinisan?” tanong i Thouyer dahilan upang mapatingi si Maureen sa lalaki. “Opo sir,” aniya sabay alis sa buslo. “Nalinis ko na po, maliban nalang sa gilid-gilid ng pool gusto ko kasing i-brush ang kaso malalim.” “Malalim diyan, huwag mo nang i-attemp baka malunod ka pa at ako ang magiging dahilan ng iyong kamatayan,” ani nito. Minabuti nalang ni Maureen na tumahimik. Kahit kailan talaga ay ang sama ng bunganga ng lalaking ito. Hanggang kailan kaya ito magtitino? Wala naman siyang ginagawang masama rito ngunit bakit ganoon nalang ang trato nito sa kanya? Ibang-iba kay Cuticle na halos bestfriend na ang turingan ng dalawa. Umalis ng bahagya si Maureen sa gilid ng pool ay nagwalis sa paligid. Pasimple siyang tumingin kay Thouyer na noo’y maghuhubad palang ng kanyang roba. Hindi inalis ni Maureen ang kanyang mga mata hanggang sa dahan-dahan na nitong hinubad ang roba. Hindi niya alam ngunit parang nama-magnet ang mga mata ni Maureen sa ginawang paghuhubad ni Thouyer. Pakiramdam niya ay may kumokontrol sa kanyang kung anong bagay na huwag ialis ang paningin sa lalaki. Sunod-sunod ang paglunok ng kanyang paglunok ng laway nang makita at matipunong at maskuladong hubog ng katawan ni Thouyer. Sobrang puti niya at bumagay sa balat nito. Mas dumagdag pa sa kanyang atensyon ang suot nitong swimming trunk na puti at ang malaking ahas sa loob  nito. Haggang sa tuluyan nang tumalon ang lalaki sa pool. Hindi na maigawang ialis ni Maureen ang kanyang mga mata sa lalaki kahit nakalublob na ito sa malinis na tubig ng swimming pool. Pakiramdam niya ay mayroong bumukaw sa kanya na isang bagay. Nag-init bigla ang kanyang katawan. “Ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi naman ako nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko,” aniya. Parang may nag-uudyok sa kanya na pagnasaan si Thouyer. Hanggang sa natapos ang lalaki. Paminsan-minsan ay napapatingin ito sa kanya ngunit hindi siya nito pinapansin. Pag-ahon ng lalaki sa pool ay doon na nalaglag ang panga ni Maureen dahil klarong-klaro ang p*********i nito dahil manipis ang trunk nito. “Kanina ka pa tumitingin sa akin Maureen,” biglang wika ni Thouyer habang siya ay titig na titig pa rin rito. “Pinagnanasaan mo ba ako?” tanong ng lalaki at naglakad ito palapit sa kanya. Mabilis na naalarma si Maureen kaya nagkunwaring siyang naglilinis. “You cannot fool me with that cleaning things. Ano ang nililinis mo diyan? Bermuda grass na walang kahit na anong dumi?” “Wala po sir,” nahihiya niyang wika. “So tell me kung bakit ang lagkit ng mga tingin mo sa akin kanina pa.” “Ha?” naitaas ni Maureen ang kanyang ulo. “Grabe naman po kayo sir, tinitingnan ko lang po kung paano kayo lumangoy para kapag ako’y naligo ay alam ko na ang gagawin. “Okay, ang buong akala ko ay you need something from me dahil saiyong mga tingin. Gusto ko lang na malaman mo ay wala akong balak makipag-s*x saiyo dahil hindi ko ugaling pumatol ng mga katulong. Pakiramdam ni Maureen ay mayroong tumusok na karayom sa kanyang puso sa sinabing iyon ng lalaki. Pakiramdam ni Maureen ay may tumapak sa kanyang pagkatao. Ano ngayon kung ayaw nitong makigpag-s*x sa kanya. As if naman gusto niya ang lalaki. Talagang nahahalina lang siya sa katawan nito ngunit iyon lang iyon at wala nang iba. Hindi nakikita ang sarili na katalik si Thouyer. Bukod sa mayabang ito ay wala pang preno ang bibig. Sinasabi nito ang gustong sabihin sa kanya kahit pa’y babae siyang tao. “Mauna na po ako sa loob sir... tutulungan ko nalang po muna si Lauriate sa pagluluto.” “Mabuti pa nga ngunit tumulong ka lang at huwag nang magtimpla ng ibang pagkain okay?” Mayroon kasing exact measurement sa mga kinakain ni Thouyer at malalaman niya kung sumobra ba ang kanyag lagay. Minsan ibinabalik ng lalaki ang pagkain dahil may nasobraan ng isang ingredients. Iyon ang mga sinabi ni Cuticle sa kanya kagabi pagkatapos nilang kumain ng cookies na gawa ng lalaki. “Opo sir, tutulong lang ako sa ibang bagay roon at hahayaan ko nalang po na si Cuticle na ang bahala saiyong pagkain.” “Good,” iyon lang at tumalikod na ang lalaki. Habang naglalakad ito ay napatingin siya matambok na puwetan ng lalaki. Kahit papaano ay sobrang dami nitong maipagmamayabang sa sarili at sa ibang tao. “Haist, bakit ba ganito nalang bigla ang mga mata mo Mau?” tanong niya sa kanyang sarili at dinala na ang mga gamit na panlinis papasok sa mansyon. Nagtungo na muna siya ng stock room upang doon kumuha ng iba pang panlinis. Nagtungo si Maureen sa kusina at doon niya nakita ang abalang kaibigan. Sobrang daming niluluto nito. “Ano ang maitutulong ko saiyo Cute?” tanong niya sa kaibigan. “Naku, huwag na alam mo naman hindi ba? By the way, kumusta nga pala ang paglilinis mo sa pool?” “Ayon may malaking ulam, shit.” Napatawa si Maureen sa kanyang naging sagot sa kaibigan. “Wala naman, okay lang. Maaga akong natapos sa aking paglilinis kaya pumarito na ako upang maglinis ng mga gamit. “Huwag mo masiyandong e-pressure ang sarili mo rito baka ma-stress ka lang. Kumusta ang trato ni Alturas kanya. Bakit ganoon nalang si Thouyer saiyo? Paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang nakakatitig lang saiyo.” Hindi alam ni Maureen kung matutuwa ba siya sa sinabi ng kaibigan ngunit pinili niya nalang na kausapin ito ng kaswal. Bakit ba kasi ganoon nalang si Thouyer? “Pwede naman siyang maging mabuti sa akin hindi iyong kailangan pa niyang ipamukha sa akin na isa lang akong katulong sa mansyon na ito.” “Huwa mo nalang muna pansinin ang lalaki okay? Basta ganoon lang talaga siya. Maghintay ka ng ilan pang mga araw at tingnan mo kung may pagbabago ba the way siya magsalita saiyo at pati na ang pakikitungo niya saiyo. Lahat ng iyon ay tignan mo at sabihin mo sa akin.” “Sige,” tipid niyang pagsang-ayon sa kaibigan. “Heto, kainin mo itong cookies. Kumuha ako sa ref dahil nagutom ako kanina. Hindi ko naman maubos.” “Busog pa ako,” aniya nang makita ang gawa na cookies ng lalaki. “Sige na, sayang naman huwag mo nalang iisipin na kay Thouyer itong cookies.” “Haist, akin na nga,” aniya sa kaibigan at kinain na ang cookies. Bawat nguya niya ay iniisip niya na binili nila ang pagkain sa mall! Sana nga lang talaga at magdilang anghel si Cuticle sa mga sinasabi nito tungkol kay Thouyer dahil hindi na niya alam kung anong pakikitungo pa ang kanyang gagawin. Sana lang ay magbago na talaga ang lalaki para maganda ang atmosphere nila sa malaking mansyon na ito. Ayaw niya ng mayroon siyang kagalit. Kaagad na ring nilinis ni Maureen ang mesa nang matapos siya sa pagkain ng cookies. Medyo nabusog siya ngunit gutom pa rin ang kanyang pakiramdam. Dahil sa matagal nang naluto ni Cuticle ang iba ay nagtungo siya sa komedor at naglinis roon. Siya na ang naglagay sa mga pagkain sa mesa. Hanggang sa naihandan na niya ang lahat. “Tawagin mo na si Sir,” utos sa kanya ni Cuticle dahilan para panlakihan siya ng kanyang mga mata. “Naligo pa yata sa swimming pool,” aniya. Wala talaga siyang balak na tawagin ang lalaki dahil alam na niya ang magiging kahihinatnan niyon! Ipapahiya na naman siya ng lalaki sa harap nito at iyon ang ayaw niya na mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD