Chapter 75: Huling Istorya 8 “WWTC sir is the most outstanding company in our country not only in the Philippines but it is also well-known outside the country because of the product tha you import around the world.” Hindi iyon kasinungalingan dahil noong nagtatatrabaho pa siya bilang sekretarya ng kapatid niya ay kilala na niya kung sino ang kanilang mga kabangga sa kompanya at isa na dito ang WWTC. “Well said, Miss Sabartes...But aside from that alam mo ba ang proper na susuutin kung na sa interview ka?” Kalmadong tanong ng lalaki sa kanya. Tumingin na naman siya sa suot niya. Hindi lang si Myrna ang nagsabi sa kanya tungkol sa kanyang isinuot pati rin Simon. So alam na niya kung bakit, mali pala ang talaga ang isinuot niya.

