Chapter 76: Huling Istorya 9 Napayakap na naman siya sa lalaki at napaiyak. Kay tagal niyang hinintay ang lalaki. Nawala ang hinanakit niya para rito. Gumaan bigla ang pakiramdam niya. “Wala iyon Simon, pinapatawad na kita at hindi rin naman ako nagtanim ng galit saiyo, eh. At acting lang yon sa noong kaharap kita, ginagawa ko talaga iyon para hindi ako kabahan sa interview mo.” Napabungisngis siya at ang lalaki. “So friends na tayo ulit?” Offer ng lalaki sa kanya habang yakap-yakap pa rin siya. “Oo, naman...ikaw pa malakas ka sa akin, eh” Kahit noon paman Simon. Matapos mag-usap ay bumalik na ang dati sa kanila ni Therese. Nagkukwentuhan pa sila habang pabalik sa party. Nang makabali

