Chapter 56: Mga Istorya 8 Pinabayaan nalang niya ang dalawa tutal tumahik na ang mga ito at inaaliw na ng mga ito ang kanya-kanyang sarili. At siya naman ay itinuon na ang atensyon kay Alla. Hindi pa ito sumasagot sa kanya nang tanungin niya ito kung sino ang mommy ng dalawang bata. “Sino ang mommy ng dalawa?” “Amf...kung sasabihin ko ba sayo ay maniniwala ka?” “Oo naman?” Tanging sagot niya para hindi na humaba pa ang usapan. “Si Donald” Matipid na sagot ni Allan sa kanya. Nahulog siya sa kanyang inuupuan na silya dahil sa isinagot sa kanya ni Allan dahilang nagpaagaw ng atensyon sa mga bata na naglalaro. Hindi siya makapaniwalang anak ang dalawang bata ni Donald. “Hindi ka makapaniwala?”

