Chapter 55: Mga Istorya 7 “Agaran akong kinumfine sa ospital para masubaybayan nila ang kalagayan ko. Hanggang sa makatulog ako ng matagal. Halos one year akong na coma sa awa ng Diyos ay binigyan pa niya ako ng pangalawang buhay. Pagkagising ko ay nalaman kong buhay ang dalawang anak ko. Naging masaya ako pero may kalungkutan ring nararamdaman dahil ako lang ang tumatayong ina at ama ng mga bata at nagpapasalamat ako sa doktora at asawa nito dahil nandiyan sila para tumulong. Habang lumalaki ang mga bata ay the more silang naghahanap ng daddy at araw-araw akong hinahagupit ng kalungkutan. Hanggang sa nakapagdesisyon akong umuwi dito para makilala ng mga bata ang kanilang ama dahil karapatan nila iyon at ayaw ko silang mabuhay na puro tukso at bully ang inaabot. Mabigat man sa pakiramda

