Ibinuka ni Damien ang bibig na akmang may gustong sabihin sa kanya, pero bigla itong napalingon sa malakas na tunog ng gulong ng mga paparating na sasakyan. "F*ck," pagmumura ni Damien. Tumayo ito at sumakay sa motorsiklo nito. "Saan ka pupunta?" tanong niya sa lalaki. "Babarilin kita! Diyan ka lang! Hindi ka puwedeng umalis!" asik niya rito, pinandidilatan ito ng mga mata. Kinuha ni Damien mula sa kamay niya ang hawak niyang helmet, hindi man lang ito kinakitaan ng pagkatinag kahit na alam nitong isang kalabit niya lang sa gatilyo ay sasabog ang ulo nito. "Bingi ka ba o gusto mo na talagang mamatay?" pasikmat niyang tanong dito. "Then shoot me. Shoot me in the head if you want. Just like it was so easy for you to shoot me in the leg," paghahamon nito sa kanya. Hindi maintindihan ni

