Hindi mapigilang mapahagikhik ni Ireta nang idaiti ni Lukas ang tainga nito sa tiyan niya. Nasa ospital pa rin sila at hindi ito pumayag na ma-discharge kaagad siya. Gusto nitong matiyak na malakas at malusog siya bago raw sila lumabas ng ospital. Sinang-ayunan din iyon nina Hades at Morris. Mas mainam nga raw iyon, lalo na at may banta ng panganib sa mga de Crassus ngayon. Nagdagdag din si Lukas ng security sa labas ng VIP suite ng ospital. Halos ayaw nang pumunta ng mga nurses at doktor sa palapag kung saan naroroon ang silid niya, dahil pagbukas palang ng pinto ng elevator ay nakahilera na kaagad sa hallway ang mga kalalakihang naka-uniporme ng itim mula ulo pababa, at may nakasuksok na armas sa tagiliran. Pagpasok pa ng mga ito sa loob ng silid niya ay nakasunod kaagad ang tingin n

