Pagbaba ni Lukas ng stage ay nakasunod pa rin dito ang kislap ng mga camera. May iilan pang sumusubok na magbato ng tanong. Mayroong pinipilit itong imbitahan sa isang eksklusibong interview. Pero lahat ng mga iyon ay hinaharang ng mga tauhan ni Lukas. Matikas at parang bato ang mga tauhan nito na hindi matibag kahit nagtutulakan na ang mga miyembro ng press. May mga security guards pa ang pumasok ng auditorium at tumulong sa pagkontrol sa mga tao na halos magkagulo na. Nilapitan siya ng asawa at inilahad nito ang kamay. Tinanggap naman kaagad ni Ireta ang nakabukas nitong palad. Nang idaiti niya ang mga daliri sa palad nito ay awtomatikong kumuyom sa mga iyon ang malaki at mainit na kamay ni Lukas. He wrapped his hand around hers, then gently intertwined their fingers, filling each ga

