Bakit hindi niya agad napansin na itim na serpiyente ang nakalingkis sa letrang A? Kaya pala halos wasakin ni Lukas ang mundo nang lumabas siya ng Mansiyon de Crassus at nakipagkita kay Damien. Iyon pala ay alam nito na hindi CEO ng Arkonis ang haharap sa kanya at isang patibong iyon. "Are you the CEO?" Bakit hindi niya napansin ang pang-uuyam sa boses ni Lukas nang balingan nito si Damien noon para tanungin kung ito ang CEO ng Arkonis? Kaya pala kampante lang ito kahit alam nitong pinipilit ng Blackwood na matunton ang CEO para kumbinsihin itong pumanig sa mga ito. Because he was certain Blackwood wouldn't be able to persuade Arkonis to form an alliance with them. Dahil ito ang misteryosong lider ng higanteng kompanya. Kaya suyang-suya ito kay Damien dahil alam nitong nagpapanggap lang

