Huminto ang makintab na itim at brand new luxury SUV sa harap ng napakataas na gusali ng Arkonis Security and Intelligence. Bago ang sasakyan ng mag-asawang Lukas at Ireta de Crassus dahil nabasag ang salamin at may mga yupi ang dating sasakyan na madalas nilang gamitin. Ang gusali sa kanilang harapan ay matayog, sobrang taas, tila magiting na haring nagmamasid sa nasasakupan nito. Isa iyong modernong obra maestra ng salamin at bakal na kumikislap sa ilalim ng araw. Ang harapan niyon ay pinalamutian ng dalawang napakalaking haligi ng pinakintab na granite, bawat isa ay may mga kumplikadong ukit na nagbibigay-diin sa lakas at sopistikasyon ng kompanya. Bumukas ang pinto sa backseat, at naunang bumaba ang Underboss. He wore a black suit that's sharply tailored for him, exuding authority an

