Napapapikit si Ireta kada maririnig niya ang bawat lagabog sa loob ng kuwarto kung saan niya nadiskubre ang obsesyon ni Lukas sa kanya. Nasa labas siya ng silid at nakasandal ang likod sa nakasaradong pinto. Bawat pagtama ng mga kagamitan sa pader, tunog ng mga gamit na binabalibag, mga kristal na nababasag, ay dinig na dinig niya. Natutop niya ang tapat ng dibdib at kumuyom sa bahaging iyon ang kamay niya. Muli siyang napapitlag nang may nabasag na namang kung ano sa loob ng kuwarto. Bakit nasasaktan siya sa isiping nahihirapan si Lukas? Bakit kumikirot ang puso niya, katulad din n’ung iwanan siya nito sa parking lot sa labas ng bar? Her heart ached with every violent thud and crack that echoed from inside the room. His groans and ragged breathing sent a sharp pang to her chest. Napahug

